Unedited. ulit. May typos. Ata. Haha 😂
***
(Mai's POV)
Nasasaktan akong makitang ganito kalungkot si Kiara. Pero hanga parin ako sa kanya dahil somehow, nakakaya nya pang magbiro. Sobrang hinahangaan ko talaga ang ugali niya. May pagkaisip bata at manhid sya minsan, pero sobrang bait nyang kaibigan. Hindi na ako nagtatakang magugustuhan siya si Jerald. Siguro sa tingin ni Kiara ay nakakainis silang tingnan kapag magkasama ni Jerald, pero para sa akin, ayos lang naman. Cute. Alam kong gusto siya ni Jerald matagal na. Sa mga tingin pa lang ni Jerald, kitang kita ko nang mahal niya si Kiara, to the point na kaya nyang gawin lahat para sa kanya. Pero syempre, dun naman ako, kung saan masaya si Kiara.
"Paano yan? May gusto sayo si Jerald?"
"Hindi ko din alam eh. Pero ayaw ko, ayaw kong masaktan si Pau. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Pau. Kahit masakit sa ulo ang language nya, mahal ko padin yun Mai."
"What if nga Kiara? Paano kung niligawan ka ni Jerald? naisip ko lang. What if nga ba? Pero hindi malayo yun, mukhang seryoso na ang Mr. Accountancy na habulin din ng chicks kay Kiara eh.
"For sure, she'll entertain Jerald because Kiara is malandi naman diba?" nagulat ako nang may biglang sumingit sa usapan namin. Napatingin ako sa may pintuan. Mas nagulat ako kung sino ang nagsabi nun.
Si Pau.
Kasama nya si Quensie. Napatingin ako kay Kiara, napayuko sya. For sure, nasaktan sya sa sinabi ni Pau. Sa dami daming tao, si Pau pa ang nagsabi nun sa kanya.
"Ano bang nangyayari sayo? Ha?" hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makita kong umiiyak na naman si Kiara.
"To me? You're naiingit lang siguro ano?" napatawa ako ng sarcastic sa sinabi nya. Nakakatawa siya.
"You know what Pauline Alvarez? You made my day." I said sarcasticly. "You, a person with so much insecurities? Talking about being insecure? Haha It made you look like a fool dear." hindi sya nakaimik. Alam kong nasaktan sya. Not that I don't care about her and only about Kiara ha? Gusto ko lang marealize nya. Aba, hindi mangyayari lahat ito kindi sya naiinsecure.
"Excuse me." namalayan ko na lang na tumakbo na papalayo si Kiara. Nagwalk out. Alam kong sobrang problemado na sya, tapos nagkaganito pa.
"Alam mo Pauline? Hindi ko alam ang pinalamon sayo ng kasama mong yan eh. Bakit ka nagkaganyan! Ang alam ko lang? Yung babaeng sinabihan mo kaninang malandi? Kasasabi lang na mahal ka nya kaya hindi nya papatulan si Jerald. Masaya ka na? Sobrang problemado na nung tao! Sana sa pagmamake up at paglalagay mo ng kung anu anong kaartehan dyan sa katawan mo, matakpan din ang insecurities mo! Try mo minsan ha? Masyadong halata eh!" kinuha ko na rin yung bag ko at sinundan si Kiara. I know, nasaktan ko sa sinabi ko si Pau. Okay lang magalit sya sa akin, pero sana marealize nya kung ano ang mali nya.
Nagpalinga linga ako. Wala na si Kiara. Siguro umuwi na yun. Bukas ko na lang siguro sya kakausapin. Masyado nang stress yung babaeng yun. Tinext ko na lang si Tita na itext ako kapag nakauwi na si Kiara.
(Kiara's POV)
Bakit naman ganun? Masyado namang bitter ang araw na ito sa akin. Una... si Sly. Tapos si Jerald... tapos si Pau... napaaway pa si Mai dahil ko. Lahat na lang ba ng taong malapit sa akin magkakaproblema sa akin? Ano bang ginawa ko? Wala naman akong balat sa pwet pero nagkakaganito.
"Ma'am? Gusto nyo pong tissue?" nagulat naman ako kay Manong. Nasa taxi nga pala ako, pauwi na. "Kanina pa po kayo umiiyak dyan eh."
"Sige po kuya, pahinga nga po dyan ng konti." inabot nya sa akin yung isang box ng tissue.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014