Late update! Sorry naman -alxndr 😂😂😂
Belated happy birthday to me 🙈 sorry sa typos! ^___^V
***
'What?! Late ka na naman nagising? Kiara! Nakaalis na kami!' sigaw ni Mai sa kabilang linya."Sorry na kasi. Late na ako nakatulog kagabi sa paghahanda ng mga sandwich na pinapalamanan mo. Kahit si mama tinanghali ng gising. Alas dos na kaya ako nakatulog. Tapos 4 mo ako papagisingin? Di ko kaya yun!"
'Kiara naman! Immersion 'to. Hindi fieldtrip.' feeling ko inis na inis na sakin si Mai. Naiiyak tuloy ako.
"Sorry na kasi Mai."
'Hay nako Kiara, hindi pwedeng hindi ka susunod dito. Wala kaming ipapakain sa mga bata.'
"Paano? Hindi ako marunong. Malayo yan."
'1 hr lang naman byahe mula dyan hanggang dito kapag nag-jeep ka.'
"Osige sige. Sa Dulangan diba? Ako na bahala."
'Patulong ka na lang kay Jerald.'
"No, wag na. Medyo may problema yun ngayon eh. Magkaaway sila ng Dad nya."
'Kaya mo magisa?'
"Yah, yah. Tawagan na lang kita mamaya. Sige bye"
'Pero walang sig---'
Pinatay ko na yung call. Baka masermunan pa ako ni Madam Bertud. I mean, ni Mai pala.
Nakakainis. Pangalawang beses na itong naiiwan ako sa lakad. Yung feeling na, sa imagination ko, enjoy na enjoy kami sa sasakyan, maganda ang view, ganun. Tapos ako lang pala ang bbyahe magisa? Sad. Kawawa naman ako, ang ganda ko para iwan. Pero no choice, kailangan kong pumunta dun kasi nasa akin ang pagkain. Sayang lang at hindi ko maiisama si Jerald. May problema sila ng Papa nya ngayon. Hays. Isa pa si Manong, kung kailan ako magpapahatid, wala. Day off kasi nya ng Saturday eh. At tsaka akala ko, makakasabay talaga ako kina Mai. So sad, pinapamukha pa ni Mother Earth na single ako eh. First ko babyahe papunta dun magisa.
Nagayos na ako ng sarili at inihanda ang mga dadalhin. Lumabas na ako, dala ang malaking basket na pinaglagyan ng mga pagkain. Nakakaloka. Medyo mabigat din ito.
"Ma?" tawag ko, pababa na ako ng hagdan.
"Ma?" bakit kaya hindi sumasagot yun?
"Ma? Don't tell me nasa teleserye na tayo?" wala padin. Di parin sya umiimik.
"Ma? Nakidnap ka ba? Umik naman oh" hays. Baka nga nakidnap na yun. Babalik din naman yun. Hayaan na. Malaki na sya, kaya na nyang umuwi.
Nang nasa tapat na ako ng pinto, may nakita akong sticky note.
'Hulaan mo kung nasan ako. >:) -Ma '
Ugh, whatever. Wala akong time makipaglaro sa nanay kong baliw.
Pumara ako ng taxi at sumakay na dun. Buti na lang alam ni koyang ang sakayan papuntang Dulangan. Chineck ko ang phone ko, may text si Chuanget. Nagsosorry at hindi daw sya makaalis ng bahay nila, grounded. Poor him. After ilang minutes, nakarating na kami dun sa sakayan.
"Oh aalis na, aalis na. Isa na lang!" sigaw ni kuya. Tumingin sya sa akin. "Kayo po Miss? Saan po kayo?"
"Dulangan po." nakakaloka. Basag ang poise ko sa dala nga ngayon. Isang malaking basket na may mga pagkain. Mukha tuloy akong matakaw dito.
"Ay tamang tama. Sakay na po." umakyat ako ng jeep. Siksikan na. Nagsiksikan lalo nung dumating ako. Yung totoo kuya? Buti na lang sexy ako at nagkasya ako. Umandar na yung jeep. Kinapitan ko ng maigi yung basket. Baka matapon pa ito. Sayang ang effort ko! Hindi kinekeri ng beauty ko ang itsura ko ngayon. Nasa jeep, siksikan, pawisan, may dalang malaking basket at si koyang katabi ko, mukhang mas puyat pa sa akin. Tulog na sya, nakanganga. Konti na lang tutulo na ang Maria Christina Falls.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014