"Oo nga, try kaya natin ipagpaalam si Kiara?" Al muttered.
"Kanino? To his pudrakels?"
"Oh no, dont dare guys." seryoso. Hindi ito magandang ideya. For sure, hindi na naman papayag si papa, mapapagalitan pa ako sa huli. Tsaka isa pa, ayoko talaga. Diba nga umiiwas ako kay Sly? Paano nalang aasenso ang #moveon ko kung sasama ako sa isang exciting and funny outing na ito? Sirang sira ang kinabukasan ko dito.
Plus yung bilbil ko, makikita ni Sly, baka maturn off sakin. Gosh, ang sexy ko pa naman.
E.
Erase.
"Bakit hindi natin itry? Malay mo lang naman."
"Dyan tayo nasablay eh!" tumayo ako sa kinauupuan ko, "Lagi na lang may 'malay mo'! Ang hirap naman kasi ng puro malay. Pinapaasa natin ang mga sarili natin eh. Yang mga 'malay mo magigustuhan ka rin nya' , 'malay mo may forever' , 'malay mo may pag--" napatigil ako sa pagsasalita ng marealize kong nakatingin na silang lahat sa akin. Oops. Napaupo tuloy ako, at ramdam ko ang pagpula ng mukha ko. Hindi ko na lang tiningnan ang mga reaksyon nila, lalo na ni Sly.
"Ta-try ko."
"Try? Yan tayo Kiara e, hindi sigurado.. hindi sigurado sa ating nararamdaman, saka nalang magsisisi pag wala na. Pag tapos na, pag may iba na.." napatingin naman ako kay Mai, natatawa naman sya sa reaksyon ko sa sinabi nya. Alam kong nangaasar sya.
"Teka? Still outing parin ba to? I can make amoy amoy na there's something fishy na to your lines ha!"
"Oo nga, dami nyong hugot ah? Mai, may nagawa ba ako honeybunch? Bat ganyan ang hugot mo ha?"
"HONEYBUNCH?!" sabay naming sabi ni Pau. Seriously? Al? and Mai? Honeybunch? Hindi halata sa mga personality nilang ganyan sila kacorny ha. Napakamot naman sa ulo si Al at namula si Mai. Napatingin ulit ako sa direksyon ni Sly, ngumingiti lang sya sa mga jokes namin. Hngg.
K. Payn.
I dont care.
'Weh?'
Okay brain, SOON! I will not care anymore.
"Change topic na lang tayo guys please. Wag nyo paasahin mga sarili nyo sa imposibleng mangyari. Kasi minsan... ang pinakamabuting gawin ay... magmove on..."
"I do agree." singit ni Sly. Automatic naman namagnet nya ang mata ko. Hindi sya nakatingin sa akin ulit. Ngumiti lang sya at chineck ang relo nya.
"Guys, kailangan ko nang umuna. May gagawin pa ako eh."
"Ah ganun ba, sige tawagan ko lang si Ma."
"Sige salamat." tumayo na sya at sinundan si Mai papuntang kitchen. Magpapaalam na siguro kay Tita. Paglabas nila ng kusina, kumaway lang samin, or should i say sa kanila si Sly. Hindi man lang ako pinansin.
Sad.
Joke. Ulit. Hay nakooooo. Hindi ka ba titigil Kiara? WALA SIYANG PAKE SAYO.
Truth hurts, so I gently slapped my face.
"Ayos ka lang?" lumapit sakin si Al at tumango naman ako bilang response. Alam ko namang kahit tumango ako eh walang maniniwala na maayos talaga ako. Ugh. Naiinis na ako sa sarili ko at sa feelings ko. Ang gulo gulo!
After pa ng ilang hours, nagsimula na kaming magpaalam kay tita. As usual, may pabaon na naman sakin, cupcakes. Hindi man lang ako tinext ni Chuanget kaya hinayaan ko na lang sya. Wala ako sa mood. Pero nakakainis, ewan ko. Di man lang ako sinundo. Hindi sa gusto kong kasama si Chuanget ha! And hoy, di rin ako deffensive! Nakakainis lang. Wala lang. Trip ko lang. Sayang pamasahe ko eh.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014