Sorry kung may typos! Unedited! Tamad, mag-aaral pa ako sa Analytic Geometry. #EngineeringProblems.
Dedicated to- EiC ng aming school newspaper na fictional character koooo <3 woooopskiri. xD
Hahahaha! Enjooooooooy reading!***
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"
KILIG MUCH!
Napasigaw ako sa labas ng gate namin sa sobrang kilig. Gad! Hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Parang magb-Big Bang na ako! Sinampal sampal ko ang sarili ko at baka panaginip na naman ito. Pero hindi! Totoo talaga! Nasa kamay ko parin yung bracelet. Totoo nga na magkasama kami maghapon!
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"
"Anak?! Okay ka lang?!" sigaw ni Mama. Naka-apak pa siya nang nagtatakbo papunta sa akin.
"Ma, sasabog na ata ang puso ko sa kilig!" tili ko. Kinurot niya ako sa tagiliran kaya napatalon ako. "Ano ba naman yan Ma!"
"Bakit? Anong kakirihan ang nangyari ha? Aber?" tanong niya sa akin at nag-cross arm. Feeling strict parent. Pweh!
"Kasi nga Ma, niyaya ako ni Sly kaninang mag-mall! Pumunta kami sa Timezone, kinantahan pa nga niya ako! Tapos nag-lunch together, tapos pumunta kami sa gift shop, tapos hinatid niya ako, tapos kita niyo ito?" tinuro ko sa kaniya yung box na binigay sa akin ni Sly.
"Oo, may mata ako. And why?"
"Bigay niya sa akin 'to!"
"So?"
"Mama naman!" sabi ko sa kaniya sabay pout.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" mas malakas pa sa pag-tili ko kanina yung tili ni Mama. Tinakpan ko ang tenga ko at tinanggal lang yun nung tapos na siya. Nakakahiya na sa kapitbahay ang kaingayan namin ng nanay ko eh. Pero sanay na naman sila eh, kaya okay lang yan!
"Talaga?! OMG! Napansin ka na at last ng crush mo! Nanliligaw na ba? O sinagot mo na ba? O baka kayo na!!!" hindi naman halata sa nanay ko na excited na excited siya at may pagka-OA din kagaya ko ano?
"Ma naman, hindi pa nga eh! Hindi niya ako gusto. We're just friends!"
"Friends pa lang kayo? Ang bagal mo naman anak! Wala pala yang landi powers mo eh! Tingnan mo ang mama mo, napikot ko kaagad ang Papa mo ng isang pitik lang! Wala ka pala sa beauty ko eh!" sabi niya sabay flip ng hair. Oo, ganyan talaga ang Mama ko. Modern Mom? Nope. Cool Mom? Nope. FEELING DALAGANG MOM. CHECK!
"Hay nako Mama! Isisingit niyo na naman ang pamimikot niyo kay Papa! Samantalang sabi ni Papa eh kayo daw ang nanligaw!" pang-aasar ko sa kaniya.
"Hindi kaya! Asa pa siya 'no! Pumasok ka na nga sa loob. May pagkain dyan sa ref kung gusto mo. Pupunta lang ako sa bahay ng tita mo. Nandyan naman si Yaya."
"Okay po. Ingat Mudra! Loveyou!"
"Yuck! Ew!" sweet namin ano? Madaming nagsasabing para lang daw kaming magkapatid kung magturingan. Pero hindi ako naniniwala kasi mas maganda ako sa kaniya. Magkamukha man kami, may improved version ako. Kumabaga, Photoshoped Version.
Pumasok na ako sa loob with matching wide smile! Sino ba namang hindi magiging good mood sa nangyari sa araw ko diba? Kung nagmukmok lang siguro ako maghapon dahil hindi ako nakasama sa fieldtrip, wala akong kilig moment na experience! Buti na lang!
Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga. Napagod ako sa kakaikot sa mall kanina pero bale wala yun dahil nakasama ko maghapon ang crush ko! Pero infairness, namiss ko yung isang bruha at isang manang kong bestfriends. Kamusta na kaya yung dalawang yun? Maitext nga.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014