Typos. Hihi.
-alxndr sabi sayo eh, maguupdate ako :P
***'Aw, sad naman. Sige, we'll make punta na. I'll tag you na lang sa fb at ig sa mga pics namin! Byeeee!'
Pau ended the call.
Broken hearted na nga ako dito, naiwan pa sa outing. NA NAMAN. Ang sad naman. College na ako pero hindi parin ako pinapayagan ni Papa sa mga outing. Nakakaiyak. Kasama naman nila parents ni Mai pero hindi parin talaga mapapayag. Andun sila lahat, maliban sakin. Sabi nila, kung gusto ko daw eh wag na lang daw silang tumuloy para di ako malungkot pero grabe namang konsensya ko nun if pumayag ako. Nakausap ko na sila Mai about dun sa pagiwas nila sakin last week, dahil pala yun sa plano nilang kakausapin ako ni Sly. Sly? Sino yun? Nakakain ba yun?Yummy ba yun?
Anyways, the whole week, wala akong nararamdaman kay 'friend', nakikita ko sya sa hallway pero hindi kami nagkakasalubong. Hindi narin binubuksan nina Mai yung topic tungkol dun. Okay naman ako nitong nga nakaraang araw, focus sa studies. Naghahatak ako kasi palapit na nga ng palapit ang TTS. Goal ko talagang makataas ng rank dun.
Lumabas ako ng kwarto para magpapansin kay mama. Pinapakita ko talaga sadya sa kanya na malungkot ako, na naiiyak ako, na gusto kong sumama. Nagtititingin ako ng magazines na may pictures ng beaches at kunwari'y nauubo. Hinihimas himas ko pa yun para mapansin ni mama. Mukhang effective naman dahil nagreact sya.
"Kiara, kahit anong pageemote mo dyan, hindi pwede."
"Okay..." dumapa ako sa sofa namin. Baka sakaling paghumagulhol ako ay payagan ako for the last minute. Kinulbit naman ako ng nanay ko.
"Oh, gantihan mo papa mo." inabot nya sakin yung credit card ni papa at ngumiti ng nakakaloko sabay kindat sakin. Niyakap ko naman sya at inappearan.
"Thanks ma!" tumayo na agad ako at nagbihis. Nagring ulit yung phone ko, si Jerald tumatawag.
"Hello?"
'Want some company?'
"At bakit? Magenjoy ka na lang sa outing nyo na dapat kasama ako. Sad layp."
"No, haha. Hindi ako sumama. Mas gusto kitang makasama. Mall?"
"Sure? Tamang tama, Nasakin credit card."
"I'll pick you up at 9"
"Bye. Ingat," i ended up the call. At least, kahit naiwan ako dito, nagpaiwan din si Jerald. Masyadong special treatment ang natatanggap ko dito ah? Sasagutin ko na ba? Joke. Malayo pa yun. Besides, di pa ako nakakamove on. But i'm willing too. Ayokong magisip masyado ngayon, mageenjoy muna ako ngayon kasama si Chuanget.
Mai's POV
"O m g! Its so maganda here! You make picture nga sakin dali!" here goes the conyo again and her vainity. Picture dito picture duon na naman ang gagawin nya. Naalala ko tuloy si Kiara, ang selfie buddy nya. Kawawa naman yung babaeng yun. Hindi na naman pinayagan ng papa nya. Kahit kinutchaba na namin ang mama nya, hindi parin talaga eh. Buti na lang hindi din sumama si Jerald, at least may taga-aliw sya dun. Binilin na lang namin sya kay Jerald para masamahan sya this weekend.
Hapon na nung makarating kami dito. Medyo matagal kasi ang byahe. Tinawag na kami nung kakilala ni mama na receptionist dito, kaklase sya ni papa nuong college. Kinuha na ni kuya yung mga gamit namin at inassist kami papuntang mga kwarto namin. Magkasama sina mama at papa sa isang room. Ewan ko, gusto ata akong sundan. Joke lang. Oo, marunong din ako magjoke kahit papaano. Kami naman ni Pau ang magkasama sa kwarto. Tapos yung dalawang lalake naman yung magkasama.
Pagkatapos naming magayos ng mga gamit namin, nagpalit na kami at nagikot ikot sa beach. Ang ganda ng resort na ito, malinis at konti lang ang tao kaya hindi awkward kumilos. Nakadress lang ako at nakaslippers. Ito namang si Pau... ayoko na lang idescribe. Magkakasala lamang tayo. As usual, nagpapicture na naman sya sakin. Hindi ko alam kung may sweldo ba ang pagiging photographer ko sa kanya, pero sana.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014