Chapter 15

381 18 0
                                    

Ang Chapter na ito ay rated SPG.
Pero syempre joke lang! XD

***

"Sure ka bang okay ka na dyan?"sigaw niya galing labas ng pintuan ng cr. Grabe nakakahiya talaga! Ang arte arte pa ng peg ko kanina, may pagpapakipot pang nalalaman kay Sly. Ang kapal pa ng mukha kong magtampu-tampuhan tapos.... UGH!

"Kiara?"

"Oo, okay lang. S-sorry talaga. Nakakahiya."

"Sure ka? Aalis na ako."

"Sige sige." phew. Buti na lang umalis na siya. Nakakahiya talaga itong nangyari sa akin. Bakit sa dami daming tao na makakakita na may tagos ako, siya pa! Pero teka? Sya nga lang ba? o.o
WAAAH!!! Lalong nakakahiya!!! Napailing na lang ako sa mga nagaganap sa buhay ko ngayon. Ang swerte swerte ko naman. SOBRA.

Hinalungkay ko na ang bag ko para maghanap ng napk---

"Hala! Wala akong baon!" nahampas ko tuloy ang noo ko sa sobrang kapalpakan ko. Sorry na naman. Hindi ako si Dora:(

"Kiara? Anong nangyari?"

"Andyan ka pa?"obvious naman Kiara. OBVIOUS.

"Oo, tinanong kasi ako ni Manong Guard kung bakit ako nasa labas ng CR ng girls eh. Sabi ko dahil mo, nagka-emergency. Akala ko nga papagalitan ako eh. Hehe."

"Ah ganun ba. Ahm, S-sly.. Ano kase..."

"Ano?"

"Ano..."

"Ano?"

"Wala akong baong napkin."

"Ha? Wala kang baon? Patay tayo dyan."

"Favor naman?" ang tagal naman niya bago sumagot.
"Sly?"
"Huy? Sly?"
"Sly Buerro my lalabs so sweet?"
"WAAAAAH! Iniwan niya ako!"

Ajuju. Kawawa naman ako. Anong gagawin ko? Tinext ko na kanina pa sina Mai at Pau pero hindi sila sumasagot. May klase nga kasi kami dapat ngayon. Absent tuloy ako. Ang bad timing naman kasi eh! Magsisimula na sana akong maiyak dahil sa pagkaawa sa beauty ko ngayon nang biglang may narinig akong papadating, tumatakbo. Sana si Mai or si Pauline. Or kahit si Chuanget! Okay lang!

"Kiara? Eto oh. Tumakbo ako papuntang bookstore para ibili ka."namula ako sa sinabi ni Sly. Pero syempre nasa cubicle pa ako, nakakahiya lalo kapag nakita ng bakla kong crush na namumula ako dahil sa kaniya. At nang mahimasmasan na ako sa nakamamatay na kilig na naramdaman ko kanina, lumabas ako ng cubicle at kinuha yung dala niyang, alam niyo na.

"T-th-thank you Sly. Hehe sorry sa abala. Nakakahiya naman, sayo pa ako nagpabili. Baka kung anong isipin nung binilhan mo" nahihiya kong sabi sa kaniya.

"Welcome! Don't worry Kiara, sanay naman akong bumili ng ganyan." sabi niya sa akin sabay wink. Napangiti na lang ako ng alangan. Nagpaalam na siya sa akin, may klase pa daw kasi siya. Ako naman? Naiwang nakanganga sa cr.

"Sanay daw siyang bumili ng ganto?" sabay tingin sa kapit ko at napanganga ulit. Don't tell me nagpal-sex change na sya! Gad! *iling-iling*
Hindi naman siguro. Oa lang ako. Pero sanay daw sya? So dalagang pilipina talaga ang tingin niya sa sarili niya?! Magpapaka-Tboom na ba talaga ako? :(

Eh! Bahala na! Basta love ko padin si Sly!

Bumalik na ako sa cubicle at nagayos. Buti na lang may PE kami ngayong araw kaya may pangpalit ako. Kung hindi, let's go na to the hanging tree!

---

Pagkatapos ng tranedyang nangyari kanina sa kagandahan ko, dumiretso na ako sa gym para sa P.E. Kasama ko na rin dito si Mai at Pauline. Kwinento ko sa kanila yung nangyari kanina, as usual kinilig sila para sa akin. Ako din naman! Ehehe emeged. Pero syempre hindi ko na kwinento yung last part. Yung 'sanay-na-ako' thingy ni Sly. Mahalata pa ang sikreto ng crush ko. Hayy, buti na lang lectures lang kami ngayon at walang physical activity. Wala kasi sa kondisyon ang katawan ko ngayon. After naman ng PE, dumiretso kami sa canteen. Syempre, may pagkain dun eh. Kaya yan ang favorite place namin dito. Habang kumakain kami, may nagsalita bigla na nakakuha ng atensyon ng lahat ng tao dito.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon