Chapter 21

363 14 0
                                    

Sorry for typos. Have a good day!

***
Kahit anong kembot ang gawin namin, hindi talaga namin makita yung bracelet ko. Nagsimula na akong mataranta, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nawala yun. Hindi ko na pigilan ang sarili ko, naiyak na ako sa sobrang inis. Bakit ba naman kasi nawala yun, iniingatan ko naman ng sobra.

I deserve some explanation!

Naiiyak na ako sa sobrang asar sa mga nangyayari. Una, nakita ko si Don. Tapos nawala yung bracelet. Sintomas na ba ito na maganda talaga ako? Oh well, hindi ko naman kasi kailangan pa ng sintomas dahil alam ko na yun. MATAGAL NA. Sa sobrang pagkaloka ng beauty ko ngayon, napaiyak na ako. Pero napatigil ako bigla nang mapansin kong nakatingin lang sa akin yung dalawa.

"Anong tinitingin tingin nyo dyan? Ngayon lang kayo nakakita ng magandang umiiyak?"

"Wala lang, ngayon ka lang namin nakitang umiyak eh."

"Ang babait nyong kaibigan ano? Wala man lang, kahit plastic, himas himas sa likod, Kiara okay lang yan, wag ka nang umiyak maganda ka naman. Ang saya, nakakaloka kayong dalawa."agad naman silang lumapit sa akin. Natatawa. Anong nakakatawa dun? Eh nageemote na nga ako eh. Bwiset!

"Sorry naman Kiara, parang ngayon ka lang namin kasi nakita umiyak."

"She's tama nga. And girl, you make tigil tigil na nga sa pag-cry. You're ugly."agad naman akong tumahan. Aba, ayaw kong pumangit 'no! Pero sabagay, imposible namang pumangit ako. Duh, si Kiara 'Maganda't Sexy' kaya 'to!

'Pero nawawala yung bracelet na bigay sayo ng crush mo.'

Paalala naman agad sa akin ng utak ko. Oo nga pala. Naiiyak na naman ako pero this time, di ko na itinuloy. Nakakaloka kasi si Pauline eh.

"Ano nang gagawin ko?"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kiara, if the thing is para sayo talaga, its going to make balik balik sayo. And if not, get a rope and make bigti bigti na."binatukan naman siya ni Mai.

"Kiara, wag kang makinig kay Pau, puro kagagahan ang ituturo nyan sayo. Ganito na lang, di natin titigilan ang paghahanap nung bracelet mo hangga't di natin yun nakikita. Just think positive, makikita din natin yun."

"Hay, sana nga. Nakakinis naman kasi."

"Oh, easy lang. Babalik din yan."

"Nako, that's not totoo!"panira talaga itong si Pau kahit kailan. Tiningnan sya ng masama ni Mai.

"JOKE," natatawa nyang sabi sabay irap.

Sana lang, sana talaga, makita ko pa yung bracelet.

***

Ilang araw na ang lumipas, pero di ko parin nakikita yung bracelet. Nakakainis, nawawalan na ako ng pagasang makita yun. Pero ang sabi nga ni Mai, babalik yun kasi para sa akin naman talaga daw yun. Sabagay. Sana nga tama ang ating dakilang Guidance Councilor.

"Kiara! Baba na! Nandito na sina Mai." sigaw ni mama galing baba. Tumingin na ako sa salamin for the last time. Nagspray ng pabango at kinuha na ang bag ko.

Pagbaba ko, nandun na nga yung dalawa. Pare-pareho kaming naka-blue na dress since blue and black yung motif ng party ni Sly. I wonder kung gusto ba talaga ni Sly ang motif ng party nya. Feeling ko kasi mas matutuwa sya kung baby pink and sky blue ang motif nya.

"Ma, una na kami ha? Ayaw kong malate sa party ni Sly."

"Sige anak! I-hi mo na lang ako kay balae ha!"

"Ay si mama oh! Balae agad!"nagtawanan kaming tatlo dahil sa sinabi ni mama. How i wish maging magbalae nga sila! Emegehd. That would be great! Kiara V. Buerro? Pwede! Pwede!

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon