P.S. OFFICIAL

16.9K 694 84
                                    

"Nakakakilabot na man ang bahay na to." Kausap ko sa sarili habang nililibot ng tingin ang kabuan ng living room- tulad ng nasa kwarto ni Denson- nababalutan din ng puting tela ang lahat ng kagamitan na naroon- ultimo mga nakasabit na paintings ay may takip din.

Napansin ko rin ang ilang bakas na tuyong dugo sa sahig- kaya hindi ko maiwasan isipin na may nangyaring hindi maganda sa loob ng bahay na to.

"Nasaan si Red?"

"Ay palaka!" Gulat na sabi ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko- na agad ko naman nilingon- nakita ko si Misagh na kakapasok lang ng bahay at ngayon ay naglalakad palapit sa kinatatayuan ko- napaatras ako ng bahagya.

Masama kasi ang kutob ko sa taong ito- iyon bang kapag tinitigan ka niya, parang lahat ng iniisip at kinikilos mo alam niya.

"Nasa kwarto pa." Sagot ko nalang ng huminto siya sa tapat ko at tiningnan pa ako ng maigi bago ulit nagsalita.

"Anong plano mo?" Tanong niya na medyo hindi ko naintindihan kaya nangunot lang ang noo ko.

"Anong plano?"

"Tungkol kay Red. Kailan mo siya isusuplong sa mga pulis?"

"Pulis ako." Pagpapaalala ko sakanya.

Ngumisi lang siya na parang may natuklasan siyang isang bagay- maya-maya ay napapailing nalang siya habang tumatawa. Adik.

"Alam ko na dati pa kung saan mapupunta ang kalokohan na to." Sabi niya na parang sarili niya lang ang kinakausap niya- medyo mahina kasi iyon pero sapat naman para marinig ko.

Tumingin ulit siya sa akin pero wala na iyong ngisi niya.

"Tigilan niyo na ang kalokohan niyo Miss." Mariing sabi niya.

"Hi-hindi kita maintindihan ." Akmang aalis na sana ako sa harapan niya pero bigla niya ako pinigilan sa braso at marahas na hinila palapit sakanya.

"Ang ayoko sa lahat Miss iyong bastos kausap." Napangiwi pa ako ng maramdaman iyong madiin na pagkakahawak niya sa braso ko kaya pinilit ko bawiin iyon.

"Bi-bitawan mo ako."

"Ilan taon din ako naghintay Miss para lang makumbinsi ulit si Red, tapos ngayon guguluhin mo na naman?"

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo kaya bitawan mo ako!"

"Misagh!" Agad ako binitawan ni Misagh ng marinig namin ang boses ni Denson.

Bahagya ako lumayo kay Misagh habang Hinihimas ang nasaktang braso ko, na paniguradong magkakapasa.

Agad napatingin doon si Denson ng nakalapit na siya sa tabi ko.

"Anong problema mo?" Walang emosyon na tanong niya kay Misagh.

Tumingin muna ng masama sa akin si Misagh bago sakanya.

"Ikaw at ang babaeng yan." Sabay turo ni Misagh sa akin. "Kayo ang problema ko."

"Wag mo kami problemahin." Tipid na sagot ni Denson kay Misagh bago niya ako hinawakan sa isang kamay.

"Sa labas tayo mag-usap." Tumango lang ako sa sinabi niya- palabas na sana kami ng bahay ng marinig ulit namin magsalita si Misagh.

"Kapag hindi natin napatay si Oliver at maunahan tayo ng mga pulis- tandaan mo Red, yang babae mo ang papatayin ko" napalingon ulit sakanya si Denson at ganun din ako, si ako na naiihi na sa takot!

"Pero wag ka mag-alala pinapangako ko naman sayo Red na papatayin ko siya sa harapan mo ng matuwa ka naman sa akin, kilala mo ako, tumutupad ako sa pangako."

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon