P.S. Past

18.4K 725 71
                                    

Limang araw na ang lumipas mula ng huling pagkikita namin ni Denson, limang araw na din ako pabalik-balik sa eskinitang iyon- nagbabakasakali na pumupunta pa siya doon- pero kahit ni anino niya, hindi ko na naman nakita. Pakiramdam ko tuloy naglalaro kami ng tago-taguan,

At ako ang taya, na walang ideya kung paano at saan siya hahanapin mula sa pinagtataguan niya.

Pero imbes na ma-stress pa sa paghahanap sakanya- tinuon ko muna ang atensyon ko sa unang kaso na pinahawak ni Chief sa amin ni Agent.

Si Agent na mainit ang ulo......

"Buti naman dumating kana!" Sigaw ni Agent ng huminto na ang sinasakyan kong motor sa tapat ng prisinto kung saan siya nakatayo at halatang hinihintay ako.

Bahagya ko lang siya nilingon bago hinubad ang suot na helmet.

"Uy, ikaw pala yan kumusta? Nakabalik ka na pala." Walang gana na bati ko sakanya sabay baba mula sa motor ko.

Isang linggo din nawala si Agent, hindi ko alam kung saan siya nagpunta, basta ang sabi lang ni Chief, may importante daw siyang inasikaso.

Nagtanong ako kung ano iyong importante na iyon, pero imbes na sagutin, nasermunan pa ako dahil sa pag a-absent ko.

Naglakad siya palapit sa akin at binigay ang folder na hawak.

"Isang linggo ako nawala babae, pero pagbalik ko, wala ka man lang nagawa para umusad iyong kasong pinapahawak sayo ni Chief?!" Sigaw niya ulit.

Nilagay ko ang dalawang kamay sa magkabilang tainga ko at humarap sakanya. "Pwede ba Agent, wag ka sigaw ng sigaw, baka bigla sumabog eardrums ko sayo."

"Hoy babae-"

"Tippy." Pagtatama ko sakanya na hindi naman niya pinansin.

Tinanggal niya ang dalawang kamay ko sa pagkakatakip sa tainga ko bago nagpatuloy sa panenermon sa akin.

"Hindi ko alam kung gaano kaliit ang utak mo at wala akong pakialam, pero sana seryosohin mo ang trabaho mo, dahil ako seryoso ako sa trabaho ko!"

"Oo na-" agad niya nilagay ang daliri niya sa bibig ko para patahimikin.

"I'm not finish yet, so listen." Tanging tango lang ang sinagot ko habang nakatingin sa daliri niya na nasa labi ko pa rin.

"Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan mo habang wala ako, pero tulad ng sinabi ko kanina, wala akong pakialam, ang gusto ko lang ay makisama ka, at kapag sinabi kong makisama ka, susundin mo lahat ng mga sasabihin ko at ang mga plano ko."

Wow, walang preno ang bibig niya ah! Hindi ko alam na ganito pala kadaldal ang isang Agent Monteverde pag bad trip.

Tinanggal ko ang kamay niya sa labi ko at tiningnan siya ng masama.

"Bakit naman ako susunod sa lahat ng plano mo? Pareho tayong pulis noh! Hindi mo ako yaya o alalay!"

"Then start acting now like a real police!" Singhal niya sa akin bago ako tinalikuran at naglakad patungo sa isang police mobile na nakaparada.

Kahit natamaan ako sa sinabi niya ay sumunod nalang ako sakanya, sa ayaw o sa gusto ko man, he's my partner. Isa siya sa mga tao na maaaring makatulong para umakyat naman ang ranggo ko at hindi ma-stuck habang buhay sa posisyon ko ngayon.

Given na sakanya ang pagiging asungot at masungit, pero makakaya ko siya pakisamahan, isang killer nga nakayanan ko, siya pa kaya na alam kong hindi naman gagawa ng masama? So maybe, magbabaon nalang siguro ako ng maraming pasensya at konting kabaitan para naman malutas agad namin ang kasong iniimbistigahan namin, but speaking of kaso.........ano nga ulit iyong kasong iniimbistigahan namin?

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon