P.S. Uninvited

15.1K 715 157
                                    

Kulang nalang dumugo ang tainga ko sa narinig na sermon, payo at tanong ng makabalik na kami ni Agent sa Police Station.

Dalawa ang namatay sa nangyari sa motel na kagagawan diumano'y ng Tatlong Gun Man.

At ang isa ay iyong tinatawag ni Agent na Beast.

May mga ilan pang civilian ang nasugatan at tatlong pulis, hindi ko alam kung paano nakatakas iyong mga Gun Man basta ang narinig ko lang mula kay Zyra, may papatayin sanang tao iyong Tatlong Gun Man pero hindi nila nagawa dahil nakapag check out na daw iyon sa motel bago pa sila dumating, may kutob na daw sila na trap iyon kaya ang ginawa nalang ng dalawang Gun Man, nagtanim sila ng bomba sa loob ng motel para makatakas habang ang isa ay nasa labas lang at look out kung ano ang nangyayari sa labas.

At iyon na nga, ang Tatlong Gun Man ay nakatakas na at.........kami ni Agent ang sinisisi.

Si Agent na bigla nalang umalis ng hindi ko na nagawang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"Wag niyo na uulitin ang ginawa niyo ni Agent Mercado! Or else, matatanggal kayo sa serbisyo!"

"Opo, Chief." Tanging sagot ko ng pinatawag ako sa office.

Hatinggabi na ako nakauwi dahil matagal pa akong sinermunan ni Chief, na paulit-ulit din naman.

Hindi ko na hinintay si Agent makabalik dahil naiinis na ako sakanya, siya tong nakaisip sa planong pangingialam sa kaso tapos siya pa ang hindi nasermunan?! Kainis diba?

Pagkadating ko sa bahay, alam kong tulog na sina Jay, Nana, dalawang maid at si kuya Nambo.

Buti nalang may sarili akong susi kaya hindi ko na sila kailangan gisingin.

Hindi na ako nag-abala pumunta sa kusina ng makapasok sa bahay, ang tanging nasa isip ko ay humiga sa napakalambot kong kama at matulog na lang.

Pumanhik na ako sa second floor ng bahay at diretso ng pumasok sa kwarto ko at nahiga nalang ng padapa sa kama ng hindi man lang binubuksan ang ilaw.

"I miss my bed..." parang lasing na kausap ko sa sarili at sininghot-singhot pa ang kumot ko.

"Ako, hindi mo namimiss?"

Napakunot ang noo ko pagkarinig sa boses na iyon at agad ko binuksan ang mga mata para tingnan kung sino iyon- pagtingala ko, may naaninag akong tao na nakaupo sa gilid ng kama ko, MAY KASAMA AKONG IBANG TAO SA KWARTO KO!

Dali-dali akong tumayo at binuksan ang ilaw, lalo akong nagulat ng makilala kung sino iyon!

"DENSON?!"

"Hi."

Napakurap pa ako ng ilan beses bago nagmamadaling binunot ang baril sa baywang ko at tinutok iyon sakanya, buti nalang di pa ako nakakapagpalit ng damit!

"What are you doing here?! At paano ka nakapasok?!"

Tumingin siya sa akin sabay turo sa bintanang nakabukas na, pagkatapos ay nilibot ng tingin niya ang kabuan ng kwarto ko.

"Binibisita kita at makikitulog na din."

"What?!"

Tiningnan niya ulit ako. "Wag ka maingay, magigising sila."

"I'm gonna call the police!" Sabi ko pero hindi naman ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko kaya sabi ko lang iyon.

Tumitig lang siya sa akin bago walang hiya na humiga sa kama ko, suot pa ang sapatos niya.

"Denson!"

"Maingay ka pa rin, Mercado." Nakapikit na sabi niya.

Dahan-dahan ako lumapit sa paanan niya at sinipa iyon. "Umalis kana bago pa ko tumawag ng pulis."

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon