P.S. "RED"

16.1K 546 112
                                    

(UNEDITED)

(Meet Misagh na walang apelyido. Waaaah! Ang gwapo eh!!)

VOTE, COMMENT AND SHARE. (Mahal ang load.(--_ )

Enjoy!

_______________________________________________________________________

TIPPY'S POV

Hiniling ko ng mga oras na iyon na wag sana akong himatayin. Dahil pag nagkataon, masasayang ang abs ni Denson na nakabandera sa harapan ko at ang pagkakataon na ganito siya kaintimate. Nilabanan ko muna ang pananakit ng ulo ko at ang pagkalam ng sikmura ko, para lang hindi masira iyong moment namin ni Denson.

Napalunok ako ng hinawakan niya ako sa chin at iniangat iyon para magkapantay ang mga mukha namin. Nakatitig siya sa labi ko kaya ganun nalang ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Pag oras na hinalikan kita, hindi ko alam kung kaya ko pa pigilan ang sarili, Mercado." Sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa labi ko.

"Wala namang pumipigil sayo." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para sabihin iyon! Dahil alam kong alam ni Denson kung anong ibig sabihin nun!

Tumingin siya sa mga mata ko habang pilit pinipigilan ang sarili na ngumiti.

"Bukas kana makakauwi."

Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko sa narinig at muling napalunok ng unti-unti na nilalapit ni Denson ang mukha sa mukha ko. Sinadya ko na hindi muna ipikit ang mga mata para makita ko ang paglalapat ng mga labi namin.

Kahit walang kasiguraduhan sa magiging tadhana namin ni Denson-- handa na akong ibigay ang lahat sakanya. Pero ang hindi ko napaghandaan ay ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Misagh na nakatapis lang ng tuwalya. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko pagkakita sakanya na mukhang nagulat din sa nadatnan lalo pa't nasa aktong hahalikan na ako ng kaibigan niya na halos nakahubad na din!

Kahit labag sa loob ko, naitulak ko ng malakas si Denson. Pero hindi ko naman sinasadya na mahulog siya sa kama. Gusto ko sana mag sorry sa ginawa ko, pero naunahan na ako ni Misagh ng malakas ito tumikhim.

Lumingon sakanya si Denson at agad kumunot ang noo nito pagkakita sa kaibigan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinapunan ako ng masamang tingin ni Misagh bago binalingan si Denson.

"Ako dapat nagtatanong niyan sa inyo. Anong ginagawa niyo?"

Ramdam ko na nag-init ang pisngi ko ng maalala kung ano iyong dapat sana na gagawin namin ni Denson kung hindi lang umepal tong si Misagh.

"None of your business." Sagot ni Denson bago muling umupo sa gilid ng kama. Naiilang ako sa sitwasyon ko lalo pa't dalawang lalaki ang halos nakahubad na sa harapan ko. Hindi ko na tuloy alam kung saan ko ibabaling ang tingin.

"Tsk."

Naglakad na si Misagh patungo sa pinto kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag sa pag-aakalang lalabas na siya. Pero pagkatapos niya buksan iyong pinto ng kwarto, tumabi lang siya sa gilid nun at binigyan kami ng naiinip na tingin habang hawak pa rin niya iyong doorknob ng pinto.

"Nasa kabila pa ang kwarto mo, Red."

Agad ako napatingin sa direksyon ni Denson ng sabihin ni Misagh iyon. At base na rin sa pagkakakunot ng noo ni Denson habang tinitingnan ang kabuuan ng kwarto-- Mukhang tama nga si Misagh, Hindi iyon ang kwarto ni Denson!

Tumikhim si Denson ng muli akong tiningnan.

"Hindi ko napansin."

Tumayo na siya at dinampot iyong mga gamit niya. Nahihiyang napatakip nalang ako sa mukha. Muntik na kami mag live show sa harapan ni Misagh! Kainis talaga tong si Saltik, hindi pinaalam sa akin na may nakatago rin pala siyang katangahan!

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon