P.S. TAXI

13.1K 572 129
                                    

'Anak ka ni Oliver, Mercado.'

Napapikit ako ng mariin ng parang sirang plaka na paulit-ulit ko naririnig ang boses na iyon at ang sinabi niya. Dalawang araw na ang nakalipas mula ng gabing iyon. Kaya sariwang-sariwa pa sa isip ko iyong mga narinig ko at iyong sakit na maloko. Pero imbes na magmumokmok sa kwarto-- mas pinili ko na ituon ang atensyon sa misyon namin ni Agent.

"Bukas ng gabi na natin gagawin iyong pagpasok sa hotel. Be ready, Woman."

"Okay." Lumingon sa akin si Agent. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng SUV niya at nagtatago doon habang nakamasid sa labas ng hotel na pag-mamay-ari 'daw' ni Oliver.

"Wala ka na naman sa sarili mo." Puna niya. Napabuntong-hininga ako. Pansin ko rin iyon, kahit anong pilit ko naman na bumalik sa dating ako, mahirap talaga lalo na kung ramdam mo pa rin iyong sakit sa dibdib mo. Pakiramdam ko nga, kulang pa iyong sampal na ginawa ko kay Denson sa sakit na binibigay niya ngayon sa akin. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila nagawa iyon? Sabihin na nating, anak nga ako ni Oliver? Pero bakit sila sa akin gaganti kung si Oliver iyong may kasalanan sakanila? Pag sinaktan ba nila ako, sigurado silang nakuha na nila iyong paghihiganti na gusto nila? Maaayos ba ang buhay nila pag sinira naman nila iyong buhay ko? Mapapatay na ba nila si Oliver sa ginawa nilang panloloko sa akin.

"And now, you're crying again. " Kung hindi pa iyon sinabi ni Agent hindi ko rin malalaman. Agad ko pinunasan ang mga luha at pinilit na iwasan ng tingin ang kasama na alam kong ilan araw ng nagtataka sa kinikilos ko at sa biglaan pagtulo ng luha ko.

"Balik na tayo sa presinto." Yaya ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nauna na akong sumakay sa kotse niya. Napakagat ako ng labi para hindi kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Sumakay na din si Agent sa may driver seat at sandali akong tiningnan bago binuhay ang makina ng kotse.

"Hey, Woman." Tawag niya sa akin nang magsimula na siyang magmaneho. Hindi ako nag-abala na sumagot or tingnan siya. Nakatuon lang ang mga mata ko sa nakakuyom ko kamao na nakapatong sa aking hita.

"Hindi malabong mangyari na makaharap natin bukas ng gabi si Oliver." Huminga ito ng malalim at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap nito ulit.

"Kaya kalimutan mo muna iyong problema mo sa lalaki mo."

Napapikit ako at dahan-dahan tumango.

"Good."

Bumalot na sa amin ang nakakabinging katahimikan hanggang sa makarating na kami sa presinto. Pagkahinto palang ng kotse na sinasakyan namin ay agad ko namataan sa entrance ng
police station si Tatang Kalbo.

"Tss. Nandito na naman siya." Hindi ko pinansin ang pagkainis sa boses ni Agent ng sabihin niya iyon. Bumaba nalang ako ng kotse at naglakad patungo kay Tatang Kalbo. Agad ito napangisi ng makita ako.

"Nene!" Pero imbes na sumalado ako sakanya tulad ng nakagawian ko ay tipid ko lang siya nginitian.

"Pupuntahan na sana kita sa headquarters." Sabi ko na kinatawa naman niya.

"Okay lang, Nene. May ini-imbestigahan naman akong kaso malapit dito. Kaya nung nagtext ka kanina, naisipan ko na puntahan ka nalang." Nakangising sabi nito. Gusto ko tuloy pagsisihan na tinext ko siya at tinanong kung pwede kaming mag-usap. Dahil nakakabuwisit iyong ngisi niya na parang sigurado siyang may sasabihin akong importante sakanya.

"So, ano Nene, saan tayo mag-uusap?" Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang kailangan ko panindigan ang desisyon na makipag-usap sakanya dahil mukhang siya lang ang makakasagot ng mga katanungan ko.

Pinili namin mag-usap sa isang coffee shop na isang kanto lang ang layo mula sa police station na pinapasukan ko. Nasa pinakadulong mesa kami pumuwesto para walang makarinig ng pinag-uusapan namin.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon