P.S. Conflict

15.8K 597 148
                                    


"What the hell!" Gulat na sambit ni Jay ng lumabas ako ng kwarto ko. Hindi ko siya masisi kung nagulat siya- ikaw ba naman makakita ng babaeng walang suklay at malaki ang eyebags an naglalakad na parang zombie, hindi ka kaya magulat?

Inaantok na tiningnan ko siya na nasa terrace at nagkakape.

"Morning." Humikab pa ako ng sabihin iyon.

"Baliw. Goodnight dapat! Mukha kapa kasing wala tulog eh." Naglakad ako palapit sakanya at tumabi sa kinatatayuan niya.

"Si Xander?" Tanong ko at tumanaw mula sa terrace ng bahay ko. Hindi ko na kasi makita iyong mga tent na nilatag ng bodyguards ni Xander sa baba.

"Umalis na. May recording ang Zodiac ngayon araw para sa bagong album nila." Medyo nakahinga ako ng maluwag sa nalaman. Pagkatapos kasi ng mga sinabi niya kagabi-- hindi ko na naman alam kung papaano siya haharapin.

"Si Red?" Nagulat ako sa biglang pagbanggit ni Jay sa pangalan ni Denson. Kaya nilingon ko siya ng may kaba sa dibdib ko.

Humigop muna siya ng kape sa baso na hawak niya at tiningnan ako.

"Naglalandian na ulit kayo?"

Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka hinampas ko na siya sa braso sa paraan ng pagtatanong niya. Landi talaga? Hindi pwedeng nagmamahalan?!
Pero dahil kinakabahan ako, hindi ako nakasagot at nag-iwas nalang ng tingin.

Narinig ko na napabuntong-hininga siya at nilapag sa maliit na mesa na naroon ang kape niya bago ako muli hinarap.

"Makikinig ako." Seryosong sabi niya. Kaya kahit hindi ako kumportable na magkwento tungkol sa amin ni Denson-- wala din ako nagawa at inamin sa kaibigan ko ang lahat. Tahimik siyang nakinig pero nahahalata ko na ang pagtutol sa mukha niya.

"Hindi ka na ba mapipigilan, Tippy?" Tanong niya ng matapos na ako sa pagkukwento sakanya.

"Mahal ko siya, Jay. Mas sobra ko siyang minahal kaysa noon."

Tumawa siya ng mapakla at tiningnan ako na parang nasisiraan na ako ng bait sa sinabi ko.

"Mahal ka ba niya?" Napalunok ako sa tanong niya at bigla yumuko.

"Hi-hindi ko alam." Sagot ko at nag-angat ulit ng tingin sa kausap.

"Siguro, dahil hindi naman niya ako babalikan kung wala akong halaga sakanya."

"Si Red Denson ang pinag-uusapan natin dito, Tippy. RED DENSON." Binigyan diin pa niya ang pagbanggit sa pangalan ni Denson na parang may gusto siyang itatak sa isip ko.

"Isang lalaking na pumapatay ng tao. Iyon si Red Denson, Tippy! At sasabihin mong sobra mo siyang mahal? Aba, pumunta na kaya tayo sa mental?!" Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kaibigan at tiningnan nalang iyong puno na nasa tapat ng bahay ko.

"Sinubukan ko naman na pigilin iyong nararamdaman ko sakanya, Jay. Pero sa tuwing nakikita ko siya at hinahawakan niya ako. Hindi ko na kaya."

"Wag mo ako artehan, Tippy. Kung gusto mo na  siyang kalimutan-- edi sana, noon pa umalis kana ng bansa. Pero anong ginawa mo? Nandito ka pa rin sa pinas at umaasa na babalikan ka niya!" Tumaas na ang boses niya kaya alam kong nagagalit na siya.

"Oh, ngayon na binalikan ka na niya. Anong kasunod?! Iiwanan ka na naman niya? Pagkatapos, iiyak ka?! At Tatakbo ka na naman kay Xander?!" Gulat na tiningnan ko ang kaibigan dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko gusto iyong sinabi mo." May diin na sagot ko at blangko siya tiningnan.

"Ako din, hindi ko na gusto iyang ginagawa mo! Kaya hangga't hindi pa huli ang lahat, tapusin mo na kung ano man meron kayo ng kriminal na iyon!"

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon