P.S. Drunk Denson

16.3K 626 47
                                    


"The number you have dialed is out of the coverage area, please try again later.'

"Naman oh!" naiinis na umupo ako sa gilid ng kama habang nakatitig sa screen ng hawak kong cellphone.

Ilan beses ko na tinawagan ang numero ni Denson pero hindi na niya iyon sinasagot- pagkatapos niya makita iyong ginawa ni Xander sa akin- umalis din agad siya bago pa ako makapagpaliwanag sakanya.

Alam kong galit siya- halata naman sa sinabi niya noong tinawagan niya ako- pero ang unfair lang, sa akin siya galit gayong hindi ko naman gusto na halikan ng step brother niya.

And worst- pinatayan niya pa ako ng cellphone! para naman akong nagtaksil sa pag-iwas niya

Ini-angat ko ang cellphone at tinitigan pa ang screen nun. "Sira ulo ka talaga kahit kailan! kung nagseselos ka, then fine! sorry!" kausap ko sa cellphone na parang naririnig ako ni Denson.

"Nagulat din ako sa paghalik ni Xander sa akin! kaya biktima din ako! at sana pinasagot mo man lang ako sa tanong mo kanina bago mo man lang ako binabaan ng telephono at iniwan!" naiinis na tumayo ulit ako habang nakatingin pa rin sa cellphone.

"Nakakainis ka talaga saltik! miss na miss na kita! tapos, segundo ka lang nagpakita sa akin? nakaka-" nahinto ako sa pagdadrama ko ng bigla mag ring ang cellphone ko.

Muntik pa iyon malaglag sa kamay ko sa sobrang taranta ko. hindi ko na nabasa kung sino iyong caller, basta sinagot ko nalang iyon.

"Oh My God Tippy!" Napakunot ang noo ko na tiningnan ang caller ng isang matinis na boses ang narinig ko.

Isang bwisit na bakla pala ang tumawag na sa kasamaang palad ay kaibigan ko.

Napabuntong-hininga nalang ako na kinausap iyon.

"Oh bakit?" walang gana na sagot ko mula sa kabilang linya.

"Oh My God! Oh My God!" natataranta na tili nito.

"Ano nga?!" naiinis na talaga na tanong ko.

"Si Papa Xander!" bigla ako napatayo mula sa pagkakaupo ng mabanggit niya ang pangalan ni Xander, iyong pagkakabanggit kasi niya ay parang may nangyayaring masama kaya hindi ko mapigilan kabahan.

"A-anong nangyari?!" hindi agad siya nakasagot dahil dinig ko na may ibang kumausap pa sakanyang isang lalaki.

"He's my friend." dinig ko na sabi niya.

Medyo maingay din ang background kung saan siya nandoon- may narinig din ako isang babae na walang tigil sa pagtatanong na parang isang reporter.

"Jay!" tawag ko sa kaibigan habang ramdam na ramdam ko iyong kaba.

"Nandito pa ako Tippy, kinausap ko lang iyong pulis-"

"Pulis?!" Putol ko sa sasabihin niya.

"Oo, kagagaling lang din namin sa hospital-"

Mas lalo akong kinabahan sa narinig.

"A-nong nangyayari?! at bakit may pulis?! anong ginagawa niyo sa hospital? may nangyari ba?! si Xander?! nasaan siya?! ok lang ba siya? Jay sumagot ka!"

"Adik. paano ako sasagot kung wala kang tigil sa pagtatanong?!"

"Nasaan si Xander?!" pambabalewala ko sa reklamo niya.Ang gusto ko lang marinig ng sandaling iyon- ay sabihin niya sa akin na Ok lang si Xander.

"Pumunta ka sa condo niya, itetext ko ang address." hindi na niya hinintay na sumagot ako basta binaba nalang niya ang tawag.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan. buti nalang hindi pa ako nakakapagpalit ng pampatulog.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon