P.S. 'SAME HERE'

13.3K 556 117
                                    


"Kumusta?" Kalmadong tanong ni Denson kay Xander. Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi ni Xander habang nakatingin sakanya. Si Jay naman ay nasa likuran ni Xander at halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

"I'm okay." Napakagat ako ng labi ng tumingin sa akin si Xander. Muli siyang tumingin kay Denson at unti-unti naging blangko ang ekpresyon ng mukha niya.

"Until you came back."

Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawang lalaking nasa harapan ko. Parang konting kalabit lang sa isa sakanila ay paniguradong gulo na. Kaya bago pa magkatotoo ang nararamdaman ko ay agad na ako pumagitna sa kanila.

"Ahm-"

"Pero marami ng nagbago." Natigil ako ng muling magsalita si Xander. Mukhang wala na nga ata silang pakialam sa presensya ko.

"Xan-" Naputol ulit ang sasabihin ko ng sumagot naman si Denson.

"Sa ibang bagay siguro may nagbago. Pero sa amin, wala." Napatingin ako kay Denson ng dumausdos ang kamay niya sa baywang ko at hinapit niya ako palapit sakanya.

"Tingnan mo-" Ngumiti siya sa akin bago muling tumingin kay Xander.

"Kami pa rin."

Kumuyom ang mga kamao ni Xander sa narinig pero nagawa pa rin niya ngumiti sa amin kahit alam kong peke lang iyon.

"You can't have her, Red. Not on my sight."

Muling naging seryoso ang mukha ni Denson dahil sa narinig.

"Talaga?" Umangat pa ang kilay niya ng itanong iyon at promise, naging super-duper hot siya sa paningin ko ng gawin niya iyon!

"Kung ganun, manood ka." Dugtong niya at bago ko pa mahulaan kung anong ibig sabihin nun ay naramdaman ko nalang ang paghila ni Denson sa braso ko paharap sakanya. Hinawakan niya ako sa batok at siniil ng halik sa labi. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya habang siya ay nakapikit at mas lalong diniinan ang paghalik sa akin. Nang gumalaw ang labi niya na nasa labi ko ay gusto ko ng tugunin iyon at pumikit pero bigla ko nalang naramdaman na bumagsak ako sa lupa at nawala na rin sa harapan ko si Denson.

"Denson!" Iyon pala, tinulak na siya ni Xander at dahil hawak niya ako kanina ay nadamay ako.

Napasinghap ako ng masaksihan ang pagtama ng kamao ni Xander sa mukha ni Denson.

"Tippy, awatin mo sila!" Sigaw ni Jay na nakalapit na sa akin at tumulong para agad akong makatayo.

"A-ayoko! Baka matamaan ako!" Natatarantang sabi ko habang nakatingin sa dalawang lalaki na nagpapalitan na ng suntok sa isa't-isa.

"Then fine, Sumigaw ka nalang!" Utos ulit ni bakla na nagpagulo sa akin. Nakita siguro niya ang pagkagulo sa mukha ko kaya binatukan niya ako.

"Tange ka talaga! Sumigaw ka nalang ng 'Tama na yan!' Iyon kaya ang sinasabi ng babaeng pinag-aagawan. Dali na!" Hindi ko na pinansin ang sinabi ng bakla ng makita ang pag-awat nina Misagh at ni Lee na nakalapit na pala sa dalawang lalaki na parehong putok ang gilid ng labi.

Lumapit na ako sa kanila at naramdaman na sumunod din sa akin si Jay.

Nakahawak si Misagh sa braso ni Denson na masamang-masama ang tingin kay Xander. Si Xander naman ay hawak naman ni Lee at pinipigilan ito sa pagsugod ulit kay Denson.

"Enough!" Tumingin sa akin ang tatlong lalaki maliban kay Denson na kay Xander pa rin ang tingin.

Pumagitna ako sa kanilang apat kaya naagaw ko na rin ang atensyon ni Denson.

"Para kayong bata!" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaki na parehong may mga pasa sa mga mukha. Tsk, sayang iyong kagwapuhan nila!

"Wala ka ng pag-asa." Natahimik ako ng magsalita si Denson at sabihin iyon kay Xander. Unti-unti sumilay ang ngisi sa labi ni Xander.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon