P.S. Surprise

13.4K 502 42
                                    

From: Killer

You will marry me tonight. Deal?

Hindi ko mapigilan mapangiti kapag naalala ko ang tinext ni Denson sa akin. Gustong-gusto ko na nga sumagot ng DEAL! Kung hindi lang kinuha ni Agent Asungot ang cellphone ko.

"I need your full attention, Woman. Kailangan natin maunahan iyong mga ibang pulis sa paghahanap sa hayop na iyon." Napaismid lang ako at tumanaw sa labas ng bintana ng kotse. Magmula kanina na nakaalis kami sa estasyon, yan ang laging bukambibig niya-- Ang mahuli si Oliver.

"Bakit ba kasi gustong-gusto mo na ikaw mismo ang makahuli kay Oliver?" Saglit ko siya sinulyapan pero hindi siya sumagot sa tanong ko. Siguro nga, may nagawa si Oliver sakanya at gusto niyang maghiganti. Bahala na nga siya sa plano niya kay Oliver. Basta ako, malapit ng ikasal!

"Ahm, Agent." Tawag ko sa kasamahan na hindi man lang nag-abalang tingnan ako basta nakafocus lang ang atensyon niya sa pagmamaneho. Kinalabit ko na siya sa braso niya kaya saglit niya akong nilingon.

"Cellphone ko." Nagpout pa ako.

"No." Pagmamatigas niya sabay balik ulit ng atensyon sa pagmamaneho.

Wala nalang ako nagawa kundi hayaan nalang muna iyong cellphone ko sakanya. Ayoko naman sirain ang magandang araw ko sa pakikipag-argumento kay Asungot. Para lang siya si Misagh na dapat binabalewala nalang kaysa pansinin. Muli ako napangiti ng maalala ang pag-uusap namin ni Denson. Kahit hindi ako sigurado kung seryoso siya sa sinabi niya na magpapakasal kami mamayang gabi-- hindi ko pa rin maiwasan maexcite.

"Nandito na tayo." Rinig ko na sabi ni Agent ng siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napansin ko na huminto ang sinasakyan naming SUV sa tapat ng isang mataas at magarang building.

"Okay. Anong ginagawa natin dito? At anong meron sa loob ng building na yan?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa labas ng building na iyon. May mga gwardya na nakabantay at kitang-kita ang mahigpit na seguridad doon.

"Ayon dito sa files na nakuha ko-" Napalingon ako kay Agent ng may kinuha siyang folder sa backseat at binuksan iyon.

"Maraming illegal na nangyayari sa loob ng building na yan. Cybersex, Gambling, prostitution, at talamak na bentahan ng droga. Lahat ng illegal na gusto mong makita, mahahanap mo sa loob ng building na yan." Sabay turo niya pa sa tinutukoy. Hindi ko maiwasan panlimigan ng kamay. Ini-imagine ko palang na pumasok sa loob nun na halos lahat ng kampon ni Satanas at Demonyo na naroon ay parang hihimatayin na ako.

"So, bakit tayo nandito?" Kinakabahan na tanong ko. Sinarado na ni Agent ang binabasa na folder at tiningnan ako.

"Don't worry, Woman. Hindi tayo mangra-raid. Gusto ko lang maghanap tayo ng sapat na ebidensya para ipakita kay Tanda at sa mga nakakataas sa posisyon na hindi lang basta ordinaryong hotel ang building na yan."

"Pero teka, bakit pati ito pinapakialaman natin? Sa pagkakaalala ko kasi, si Oliver iyong pakay natin hanapin. Hindi maghanap ng ebidensya."

"Malakas ang kutob ko na si Oliver ang may-ari ng building na yan." Siguradong-sigurado na sabi niya. Napalunok nalang ako ng sariling laway at muling lumingon sa labas ng building na iyon. Ayoko ng plano ni Agent dahil bukod sa nilalapit ko ang sarili sa kapahamakan-- lagot din ako kay Denson pag nalaman niya na tinuloy ko pa rin iyong paghahanap kay Oliver.

"Kailangan natin maghanda bago pumasok sa loob. Siguraduhin mo lang na wala kang pagsasabihan tungkol dito kahit mismo iyong lalaki mo." Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko talaga ipapaalam kay Denson iyong plano niya noh! Baka magalit pa sa akin si Saltik at hiwalayan ako.

"Sa susunod na linggo tayo papasok sa loob." Final na sabi ni Agent bago muling binuhay ang makina ng kotse at umalis na kami sa lugar na iyon.

"Sa tingin mo, alam kaya ni Denson na si Oliver ang may-ari ng hotel na iyon?" Tanong ko ng pabalik na kami sa prisinto.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon