P.S. Rooftop

15.5K 614 135
                                    

(UNEDITED)

Thank you kay @cutiecza sa bagong cover ng DK 2! :D






_______________________________________________________________________
















"Uuwi kana?" Napahinto ako sa paglalakad palabas ng police station ng makasalubong ko si Tatang Kalbo.

Tumayo ako ng matuwid at agad sumaludo sakanya.

"Mukhang tamang-tama lang ang dating ko." Lumapit siya sa akin habang may ngiti sa labi. Binaba ko na ang kamay na nakasaludo sakanya at tiningnan siya ng masama. Malaki ang respeto ko kay Tatang Kalbo bilang senior inspector pero kapag ganito na pinupuntahan niya ako sa estasyon na naka-assigned ako ay naiirita ako. Bukod kasi sa mangungulit siya tungkol kay Denson lagi niya rin pinapaalala sa akin ang ranggo ko na hindi tumataas.

"Nasa loob si Chief." Sabi ko nalang at akmang lalagpasan na siya ng may maalala ako. Muli ako bumalik sa harapan niya at pinagmasdan siya ng maigi.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya ng mapansin ang mapanuring mata ko na nakatingin sakanya.

"Anong kailangan mo kay Denson?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko kaya nagpatuloy ako.

"Hindi siya wanted ng PNP tulad ng sinasabi mo sa akin noon. Kaya naguguluhan ako kung bakit gustong-gusto mo siya mahanap--" Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla nalang ngumisi si Kalbo sa akin.

"Paano mo nalaman?"

Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin.

"Aksidente lang na nakita ko sa files ng PNP na missing person siya at hindi wanted." Huminga ako ng malalim at muli siyang tiningnan.

"Kaya Tatang, ano bang kailangan mo kay Denson? Binuhos mo na ata ang panahon sa paghahanap sakanya. Balita ko rin siya ang dahilan ng pagpapalipat mo noon dito sa manila ng malaman mo na nandito na siya kasama ang mga Dela Cruz." Pinanood ko ng maigi ang reaksyon niya pero nanatili siyang nakangisi sa akin habang pailing-iling.

"Dati, kapag pinag-uusapan natin si Red lagi kang umiiwas, kaya nagtataka ako kung bakit naging interesado kana ulit sakanya." Napawi na ang ngisi sa labi niya at tiningnan ako ng may pagdududa.

"Umamin ka nga sa akin, Nene, Nagkikita na ba kayo ulit?" Parang may bumara sa lalamunan ko ng itanong ni Tatang Kalbo iyon sa akin kaya hindi agad ako nakasagot at iniwas ang tingin sakanya.

"Babae!" Sabay kami napalingon ni Tatang Kalbo kay Agent ng tumatakbo itong lumapit sa amin at agad ako hinawakan sa kamay. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Excuse me, Sir, pero may pupuntahan pa kami." Hindi na hinintay ni Agent na makasagot pa si Tatang Kalbo, basta hinila nalang niya ako paalis.

"Sandali, Agent!" Tawag ko sakanya habang pilit humahabol sa paglalakad niya. May parte ng pagkatao ko na natuwa sa biglaan paghila ni Agent sa akin palayo kay Tatang. Kung hindi kasi siya umepal baka nabisto na ako. Ako pa naman iyong tao na madaling mabasa.

Huminto kami ni Agent sa SUV niya at binuksan niya ang pinto ng front seat.

"Pasok." Nagtataka na tiningnan ko siya.

"Saan ba tayo pupunta?"

Lumingon ulit siya sa direksyon ni Tatang Kalbo kaya napalingon din ako. Nakita ko na naroon pa rin si Tatang sa kinatatayuan niya at pinapanood kami ni Agent.

"Nagdududa na sayo ang matandang iyon." Tumingin ulit sa akin si Agent.

"Kaya dapat mag-ingat kana. Kung maari wag ka muna makikipagkita sa lalaki mo." Hinila na niya ako papasok sa kotse niya at siya na rin ang nagsarado ng pinto nun. Naguguluhan na sinundan ko nalang ng tingin ang kasamahan na umikot patungo sa driver seat at binuksan ang pinto nun.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon