P.S. Just Fall Inlove With Me

15.9K 575 83
                                    

"Gusto mo maglaro, Denson?" Nakakunot ang noo na tiningnan ako ng katabi.

Pagkatapos namin sa amusement park-- Dumiretso muna kami sa luneta park para tumambay. Wala man sinasabi si Denson-- pero ramdam ko na sinusulit niya ang oras na magkasama kami bago sila susugod sa hideout ng grupo ni Oliver kinabukasan.

Kahit natatakot ako sa maaaring mangyari, pinipilit ko ang sarili na magpakatatag at magtiwala kay Denson.

"Anong laro? Bahay-bahayan?"

"Seryoso ako, Denson." Nakasimangot na sabi ko.

Umiling lang siya na uminom sa hawak niyang can beer at muling tumingin sa unahan. Nakaupo kami sa isang bench na medyo malayo sa mga tao. Mahirap ng may makakita sa amin lalo na ang grupo ni Oliver, tiyak hindi lang ako ang malalagay sa panganib kapag nalaman nila ang relasyon namin ni Denson.

"Ano, gusto mo bang maglaro tayo?" Muli kong tanong sakanya.

"Para kang bata."

"Ikaw naman KJ." Tiningnan niya ako kaya tiningnan ko din siya. Ako pa hinamon nito sa pakikipagtitigan! Hah! Tingnan natin kung sino mauuna mag-iiwas ng tingin. At sigurado ako na hindi ako iyon!

Pero shit, ibang klase pala makatitig ang Saltik na to. Para ka niyang hinuhubaran. Alam kong kabastusan iyon para sa babae- pero kung ganito naman kagwapo ang maghuhubad sayo- aarte ka pa ba? Saka pakiramdam ko, inuubos din niya ang hangin sa katawan ko! Lalo na nung unti-unti sumilay ang ngiti sa labi niya- parang bigla uminit! Hindi ko din mapigilan ang sarili na mapalunok ng laway ng inilapit niya ang mukha sa mukha ko ng nakatingin pa rin sa mga mata ko. Para na akong maduduling sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kaya pinikit ko nalang ang mga mata ng matumbok ko kung ano ang gagawin niya. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng shirt ko habang hinihintay maglapat ang labi namin.

"ARAY!" Napadilat ako ng mata ng bigla niya ako pitikin sa noo.

"Bakit mo iyon ginawa?!" Tanong ko habang hinihimas ang noo ko.

Marunong talaga sumira ng moment ang Saltik na to. Ayun na eh, konting lapit nalang may magaganap ng Kiss In The Park. Argh! Pasalamat talaga siya, babae ako. Kung hindi, kanina ko pa siya ginahasa.

"Ang bilis mo bumigay." Bumalik na siya sa pwesto niya at uminom ulit sa hawak niyang can beer.

"Pasalamat ka, sayo lang ako bumibigay noh!" Inubos muna niya ang laman ng hawak niya bago niya iyon binato sa basurahan na malapit sa amin at muli akong tiningnan.

"Dapat lang. Alam mo naman siguro ang kaya kong gawin, Mercado."

Nanakot pa ang Saltik!

"Uso din magtiwala, Denson."

"Sayo may tiwala ako, pero kay Alexander, wala." Napaharap ako ng upo sakanya ng isali niya sa usapan si Xander.

"Teka, ba't nasali si Xander dito?"

Hindi siya sumagot pero kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa dalawang ale na nakaupo naman di kalayuan sa amin.

"Nagseselos ka na naman kay Xander?" Tanong ko pero nanatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko mapigilan mapangiti sa inaakto niya. Kaya umisod ako ng upo palapit sakanya at humilig sa balikat niya.

"Kahit kailan, ang seloso mo. Hindi naman ako ganun kaganda." Sa wakas, lumingon na din siya sa akin-- iyon nga lang salubong ang mga kilay.

"Sino naman nagsabi sayo na hindi ka maganda?" Gusto ko sana sabihin na si Agent, pero baka magkagulo lang. Kaya mas pinili ko nalang ilihis ang usapan.

"So, maganda ako para sayo?" Tanong ko ng nakangiti at pinatong pa ang baba sa balikat niya.

"Hindi ako pumapatol sa pangit." Iyon lang ang sinagot niya bago iniwas ang tingin sa akin. Hindi man niya direktang sinabi, alam kong maganda ako para sakanya! Dahil kung hindi, hindi niya ako papatulan. Napangiti nalang ako na pumikit habang naririnig ko ang mahinang pagkanta niya ng It Might Be You. Sobrang sarap sa pakiramdam ang sandaling iyon. Iyon bang kami lang. Walang Oliver, walang mga pulis at walang tao na tumututol sa amin. Kami lang. Kami lang dalawa ni Denson.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon