P.S. Encounter

16.7K 572 41
                                    


From: Killer

Hoy.

Napasimangot ako ng makatanggap ng ganung text mula kay Denson.

After ng ginawa niya sa kotse ni Xander kahapon, hindi ko muna siya tinext o tinawagan buong araw. Nagbabakasali kasi ako na mag so-sorry siya sa nangyari.

Dahil kasi sa ginawa niya, nagdududa na si Jay sa akin at ngayon ay todo iwas ang ginagawa ko, ni hindi nga ako nakatulog ng maayos para lang makaalis ng bahay ng maaga at hindi siya makasabay sa breakfast. Alam pa naman ng baklang iyon, kung kailan ako magsisinungaling o hindi.
And worst, kapag napaamin niya ako ng tungkol sa amin ni Denson- I'm sure makakarating agad iyon sa parents ko at pati na kay Xander.

"Nakikinig ka ba?" Tiningnan ko ang nagmamanehong si Agent.

"May sinasabi ka?" Wala sa sarili na tanong ko. Mula pa kanina, ganun na ako, pakiramdam ko tumanda ako ng sampung taon sa stress na nararamdaman.

Pinoproblema ko kasi iyong sitwasyon namin nina Xander at Denson.
Kapag kasi pinilit ko pa rin makipagkaibigan kay Xander, alam kong gagawa siya ng paraan para maging higit pa kami doon, at itong si Denson naman gagawa rin ng paraan na gantihan si Xander kapag may ginawa na hindi niya nagustuhan. Iba pa naman takbo ng isip ng saltik na iyon- at napatunayan ko na iyon.

Hiniling ko na nga na sana bumalik kami sa dati.

Iyong pwede kaming magsamang tatlo ng hindi ipuputok ni Denson ang baril niya, at hindi ipipilit ni Xander ang gusto niya.

Iyong tanggap ni Xander na si Denson ang mahal ko.

At tanggap ni Denson na si Xander ay kaibigan ko.

"Wala akong pakialam kung anong problema mo, ang kailangan ko ay ang buong atensyon mo."

Isa pa tong si Agent. Dumagdag din sa stress na nararamdaman ko.

Pinilit kasi niya ako na sumama sa party ni Cathy- na isa ding stress sa buhay ko.

At ngayon, papunta na kami doon.

"Bakit ba kasi tayo pupunta doon? Ni hindi nga tayo invited?"

Bahagya niya ako sinulyapan bago binalik ang tingin sa harapan. "May death threat sa Tatay ni Catherine Baltazar."

"Oh, tapos? Gusto mo maki-share?"

Agad niya ako tiningnan ng masama,nag peace sign lang ako para hindi niya masigawan.

"Pero seryoso nga, Agent. Ano namang pakialam natin? Sa pagkakaalam ko, marami naman siyang bodyguards."

Kilala kasi si Atty, Rafael Baltazar bilang maimpluwensyang tao. Bukod kasi sa napakagaling nitong attorney at succesful businessman, maingay din ang pangalan nito sa susunod na eleksyon.
Bali-balita kasi na tatakbo ito bilang Gobernador.
Kaya hindi na nakakagulat na may natatanggap itong death threats, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nakikialam naman si Agent, at dinamay pa ako.

"Ano ba meron sa mga Baltazar?!" Naiinis na tanong ko ng nasa basement na kami ng isang building- kung saan idadaos ang party ni Cathy.

Pinindot niya muna ang button ng elevator na naroon bago ako hinarap.

"Si Oliver." Pagkabanggit niya ng pangalan na iyon, bigla ako nanlamig.
Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Hindi iyong pagtibok ng puso ng nangyayari sa mga bidang babae kapag nandyan na iyong bidang lalaki. Iba iyong sa akin, iyong bang sa sobrang bilis may posibilidad na mapagod agad iyon at biglang hindi na tumibok? Then syempre kasunod nun ay kamatayan na. Ganun iyong pakiramdam.

"Ok ka lang ba? Namumutla ka." Pansin ni Agent sa akin.

Napahawak ako sa pisngi ko at ngumiti ng pilit sakanya.
Isa na akong pulis, dapat matapang ako, at hindi matatakot? Saka wala namang ginagawa si Oliver sa akin.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon