P.S. Sweetdreams

16.3K 654 116
                                    

Plano talaga namin ni Xander na kumain sa labas, pero ayaw namin masangkot sa intriga, ayoko makita ang sarili na bin cabalita sa telebisyon at ayaw din ni Xander na magulo ang buhay ko sa mundo niya sa showbiz kapag may nakakita sa amin dalawa na magkasama.

Napagdesisyunan nalang namin sa bahay nalang kumain, tutal madalas naman siya pumupunta noon.

Tuwang-tuwa si Nana ng dumating kami ni Xander sa bahay, naging close na din kasi sila ng madalas ako bisitahin ni Xander para damayan.

Kaya ayon, agad nagluto ng sinigang na bangus si Nana para sakanya, iyon kasi ang paborito niyang pagkain.

"Nakaka-miss ang luto mo Nana." Sabi niya ng kumakain na.

"Nako tong batang to, bolero pa rin kahit kailan." Natatawa na sagot naman ni Nana saka muling nilagyan ng kanin ang plato ni Xander na ganadong-ganadong sa pagkain.

Napapangiti nalang ako na pinagmasdan siya. Kung siya ay namimiss ang luto ni Nana? Ako naman, miss na miss ko na siyang makasama, siya lang kasi ang naging malapit na kaibigan kong lalaki , maliban kay Jay na bakla naman at si Denson na hindi ko naman nakikita bilang kaibigan. Ay ewan! Bakit ko ba iniisip ang taong iyon?

"Kumain ka na rin Alaga." Sabi ni Nana sa akin na nagpaputol sa pag-iisip ko.

Tumingin din sa akin si Xander pero sandali lang at muling binalik ang atensyon sa pagkain.

Napansin ko na malimit lang ako kausapin ni Xander, kung hindi ko siya tatanungin, hindi naman niya ako kakausapin. Akala ko ok na kami, pero akala ko lang pala iyon.

Ni hindi nga niya ako matingnan ng matagal o ngitian man lang tulad ng ginagawa niya sa mga fans niya at ngayon kay Nana.

"Bakit ngayon ka lang nadalaw ulit dito Hijo? Alam mo bang wala ng masyadong kumakain sa luto ko?" Kausap ni Nana sakanya, nagsimula na rin akong kumain habang matamang nakikinig sa pag-uusap nila.

"Minsan lang din kasi ako sa pinas Nana, madalas sa singapore na ako."

"Kaya pala, ang magulang mo?"

"Nasa amerika may tinatayong business."

Nakatungo lang ako habang kumakain, sinadya ko na hindi muna makisali sa usapan nila, gusto ko rin kasing malaman kung ano ang naging buhay niya sa likod ng camera o kung paano natanggap ng pamilya niya ang pagkamatay 'kuno' ni Denson.

Sa pagkakaalam ko kasi, napamahal na rin kay Mr & Mrs Dela Cruz si Denson kahit ganun siya kasama.

Kaya alam ko, hindi din naging madali sakanila ang lahat.

Pero teka, alam na kaya ni Xander na buhay ang step brother niya? Kahit hindi sila close, alam ko na bawat galaw noon ni Denson alam niya.

Napa-angat ako ng tingin kay Xander na kausap pa rin si Nana.

Sinusubukan ko basahin ang isip niya kung may alam na siya, pero sa tingin ko talaga wala pa, dahil kung may alam siya o nagkita na sila ni Denson, ako ang una-unang niyang sasabihan and worst susumbatan.

Alam kong iisipin niya na kaya ako nagpaiwan noon ay dahil kay Denson.

"Death anniversary na pala ni Red next week."

Bigla ako nasamid sa iniinom na tubig ng sinabi iyon ni Xander.

Agad ako dinaluhan ni Nana sa likuran ko. "Ano ka ba naman Alaga, hinay-hinay lang sa pag-inom ng tubig ah, hindi tayo mauubusan." Sabi ni Nana.

Pero nakatingin lang ako kay Xander, hindi ko alam pero parang may kakaiba sakanya, hindi ko lang matukoy kung ano iyon. I need to talk to him...alone.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon