P.S. Epilogue (Part 2)

19.1K 793 431
                                    


NOT PROOFREAD

"Paano nakalabas ng pilipinas ang kriminal na yan?" Napangiwi ako sa tanong ng Daddy ko at kung paano niya tawagin si Denson.

Kasalukuyan silang nakatayong tatlo nina Mommy at Garreth sa harapan namin, habang nakaupo naman kami ni Denson sa mahabang sofa na naroon sa opisina ko. Pakiramdam ko nga para kaming kriminal at sila ang mag-iinterrogate sa amin ni Denson.

"Baka naman pumuslit yan sa mga pulis, at madamay pa tayo." Tumingin ang Daddy ko sa pinsan kong si Garreth na halatang kanina pa nagpipigil ng tawa niya habang nakatingin kay Denson.

"Reth, tumawag ka ng pulis. Kailangan ma-deport ang kriminal na to."

Mahinang hinampas ng Mommy ko ang braso ni Daddy.

"Tumigil ka nga, Patricio. Hindi kana naawa. Tingnan mo nga ang ginawa mo sakanya." Tukoy ni Mommy kay Denson na nagkabukol sa noo dahil na rin sa sapatos na binato ng Daddy ko sakanya. Hindi na napigilan ni Garreth ang tawa niya kaya agad ko itong tiningnan ng masama.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng Daddy ko at ginawa iyon gayong mas mabigat pa sa suot kong takong ang sapatos niya. Si Saltik naman, nakita na ngang babatuhin siya ng sapatos hindi pa umilag.

"He deserved it." Sabi ng Daddy ko at ngumisi pa na parang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa. Puno ng awa na tumingin ako sa katabing si Denson. Hindi ito makatingin ng diretso sa amin. Para siyang maamong tupa ng mga sandaling iyon. Gwapong tupa to be exact. Sarap niya ituloy ikulong sa kwarto. 'Ayan ka na naman, Tippy.' Agad ko pinilig ang ulo.

"Ano bang ginagawa mo dito, Iho?" Mahinahon na tanong ni Mommy. Nag-angat ng tingin si Denson sakanila at naramdaman ko na kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at hinawakan iyon ng mahigpit na parang doon siya kumukuha ng lakas.

"I'm here for your daughter, Ma'm." Seryosong sagot niya sabay tingin sa Daddy ko na masamang nakatingin naman sa magkahawak na kamay namin ni Denson.

"Gusto ko po sana ligawan ang anak niyo."

Hindi ko mapigilan mapangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na nagpapaalam ang lalaking mahal mo sa mga magulang mo para ligawan ka. Feeling ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa mundo ng mga oras na iyon.

"Walang ligawan na mangyayari."

Agad ako nag-angat ng tingin sa Daddy ko ng sabihin niya iyon.

"Dad naman.." Parang bata na maktol ko. Pero hindi ito tumingin sa akin.

"Wag ka agad magpapadala sa lalaking to, Tippy. Nine years din kayo hindi nagkita. Tingin mo ba, hindi nakahanap ng iba yan?!"

Hindi ako nakapagsalita dahil doon. At mukhang napansin ni Denson ang pananahimik ko kaya pinisil niya ang kamay ko.

"Marami nga pong babae sa mundong ito. Pero... Ang hirap maghanap ng isa pang Tippy Mercado." Sabay tingin niya sa akin.

"And sorry to tell you, Sir. Wala na po akong balak pakawalan ang anak niyo. Kahit hindi na niya ako mahal, gagawa ako ng paraan para mahalin niya ulit. Kung kinakailangan bumalik kami sa dati--- na pagbabantaan ko pa siya para lang mapansin niya, gagawin ko iyon kung iyon lang ang paraan para maging akin siya ulit."

"Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?" Naiiyak pero natatawang tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay muling tiningnan si Daddy.

"You see, Sir. I've fallen in love many times.....But always with your daughter."

Napangiti ako at hindi ko napigilan ang sarili na hampasin sa braso niya si Saltik. Eh, bakit ba? Sa kinikilig ako!

"Kahit anong sabihin mo, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sayo. Hindi ko ibibigay sayo si Tippy."

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon