P.S. Bestfriend

17K 630 142
                                    


Warning! Warning! Warning!: Rated SPG 'daw'?! Wahahaha!

Enjoy!!^________^

___________________________________________________

TIPPY'S POV

Hindi pa gaanon kalalim ang tulog ko ng makarinig ako ng kalabog sa kwarto ko.

Dahan-dahan ako umupo at bahagya kinusot-kusot ang mga mata ng may maaninag akong tao na nakatayo malapit sa nakabukas na bintana ko.

Bigla ako napatayo at dali-daling pumunta sa switch ng ilaw at ini-on iyon.

"Denson?!" gulat na tawag ko sa taong nakapasok sa kwarto ko at ngayon ay matamang nakatitig sa akin.

"Hi."

Hindi ko pinansin ang pagbati niya- naglakad ako patungo sa pinto at inilock iyon bago siya tuluyang hinarap.

"Anong ginagawa mo dito? may CCTV sa labas baka may nakakita sayo." mahinang ang boses na sabi ko sakanya.

Lumapit siya sa gilid ng kama ko at umupo doon.

"Come here." At ako naman na uto-uto ay lumapit sakanya at umupo din sa tabi niya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

Napabuntong-hininga siya sabay tingin sa mga mata ko.

"Tippy." Napalunok ako ng laway sa paraan ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko, iyon bang parang nang-aakit?

Dinala niya ang isang palad patungo sa pisngi ko at hinaplos iyon habang nakatingin sa akin.

"Oi Denson,a-anong gi-ginagawa mo?" kinakabahan na tanong ko. may kakaiba kasi sakanya.

"I'm sorry Mercado" Dahan-dahan niya inilapit ang mukha sa mukha ko kaya ganun nalang ang rambulan ng pagtibok ng puso ko.

"De-Denson?" bumaba ang tingin niya sa labi ko at kitang-kita ko kung paano siya napalunok habang nakatitig doon.

"Hindi ko na talaga kayang pigilan Mercado"

"A-ang alin?" Naguguluhan na tanong ko pero imbes na sagutin niya ako- bigla niya nalang ako siniil ng halik. iyong mapusok at puno ng pananabik.

"Teka-" Tutol ko at bahagya iniwas ang mukha pero hindi siya nagpaawat.

Hinawakan niya pa ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ko at muli akong hinalikan sa labi.

Sino ba naman ako para mag-inarte diba? at saka boyfriend ko na siya.

Tumugon ako sa halik niya at humawak pa sa batok niya para mas lumalim iyon.

Naghiwalay sandali ang mga labi namin para makasagap ng hangin pero muli naglapat.

Napakislot ako ng maramdaman ang isang kamay niya na nasa ilalim na ng suot kong pang-itaas at buong pag-iingat na humahaplos iyon sa katawan ko.

Gusto ko siyang pigilan- pero gusto ko din ang ginagawa niya kaya nagpaubaya na lang ako.

Hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko pabalik sa labi ko at pababa ulit sa leeg ko hanggang sa hindi na siya nakuntento at tinulak na ako pahiga sa kama- Agad siya umibabaw sa akin.

"Denson" kinakabahan na tawag ko sa pangalan niya.

Ngumiti siya sa akin bago hinubad ang suot na damit.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang walong pandesal niya na masarap isawsaw sa kape- pero mas masarap kung hahawakan iyon, hihimasin at hahaplusin.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon