P.S. Hospital

12.4K 518 57
                                    

Iyak lang ako ng iyak habang pinapaharurot ang motor ko. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Denson sa akin iyon. Kung gusto niyo ang bagay na iyon, pwede ko naman ibigay sakanya. Pero bakit sa ibang babae pa? Bakit kay Jade pa? Kung ayaw niya pala sa akin, sana hindi na niya ako pinaasa. Sana hindi niya ako sinaktan ng ganito. Willing naman ako pakawalan siya. Kahit masakit.

Muli ako napahagulhol ng iyak ng maalala ang ayos nila ng babaeng iyon. Paulit-ulit iyon sumasagi sa isip ko kaya paulit-ulit ko rin nararamdaman iyong kirot sa puso ko. Hindi ko napansin na masyado na mabilis ang pagpapatakbo ko sa motor, kaya hindi ko napansin ang pagsulpot ng isang taxi sa harapan ko. Nagulat nalang ako ng bumangga iyong motor ko doon at tumalsik naman ako sa gitna ng kalsada.

Agad huminto ang taxi na nakabanggaan ko. Laking pasalamat ko na walang masyadong sasakyan dumadaan kundi baka nasagasaan pa ako. Pero takte, ang sakit pa rin! Sobrang sakit!

"Fuck. Okay ka lang?" Tanong ng taxi driver ng bumaba na ito sa driver seat. Pinilit ko umupo ng maayos mula sa pagkakadapa. Pero napangiwi ako ng maramdaman ang pagsakit ng buong katawan ko. Buti nalang na nakasuot ako ng helmet kundi baka mas malala pa iyong pinsala na natamo ko.

Agad lumapit sa akin iyong lalaki na ngayon ko lang napansin na si Sid pala! Siya na ang naghubad ng helmet sa ulo ko habang ako ay hilong-hilo pa rin at hindi alam kung anong gagawin, ang pagtayo o mahiga nalang? Sa tuwing ginagalaw ko kasi ang kamay ay napapasigaw ako sa sakit at ganun din ang mga paa ko.

"Patay talaga ako kay Red nito." Narinig ko na sabi niya ng tuluyan na niyang mahubad ang helmet ko at tiningnan iyong mga galos ko.

"Kailangan kita dalhin sa hospital-" Akmang tatayo na sana siya para alalayan ako ng matigilan ito at muling lumuhod.

"Teka, nasaan na pala si Red?" Sa pagtanong niyang iyon ay siya naman pagdating ng dalawang lalaki sakay sa isang motorsiklo. Huminto agad sila malapit sa amin. Bumaba ang nakaangkas nun bago nagmamadaling lumapit sa amin ni Sid.

"Anong nangyari?" Kung sa ibang pagkakataon baka kiligin pa ako sa pag-aalalang nakikita ko sakanya ng mga sandaling iyon pero hindi. Pagkatapos ng ginawa niya kasama ang Jade na iyon, tingin niya may pakialam pa ako sa pag-aalala niya.

"Nabangga niya ako, Tol-- Ay mali, nabangga ko siya-- ah basta, nakabanggaan kami kaya ayan." Nalilitong sagot ni Sid sakanya pero iyong tingin niya na sa akin pa rin.

"Tumawag nalang tayo ng ambulansya baka nabalian na yan ng buto at lalo pa lalala kung ginalaw natin siya." Rinig ko na sabi ni Misagh na nakatayo sa likod niya at walang gana na nanonood lang sa amin.

"Mercado." Tawag ni Denson sa akin kaya sakanya na ako napatingin. Dati sa tuwing nakikita ko ang gwapong mukha niya, masaya ako titigan lagi iyon. Pero ng mga oras na iyon, para na akong mamatay sa sobrang sakit-- hindi lang sa katawan ko kundi sa dibdib ko mismo lalo na pag naiisip ko kung anong ginawa nila ng Jade na iyon sa kwarto niya.

"Hayop ka." May diing sabi ko.

Natigilan siya at ganun din ang dalawang kasama niya. Pinunasan ko agad ang luha na kumawala na naman sa mga mata ko.

"Hayop ka, Denson." Ulit ko at hinayaan ko nalang iyong luha ko sa pagtulo. Huminga siya ng malalim at nilingon nalang ang katabing si Sid.

"Tumawag ka na ng ambulansya." Utos niya sa kasamahan na agad naman kinuha ang sariling cellphone at tumawag. Muling tumingin sa akin si Denson at sinubukan ako hawakan sa kamay ko na agad ko naman imiwas sakanya. Pero dahil sa ginawa ko, napadaing ako sa sakit!

"Wag ka munang gumalaw, Mercado. Parating na iyong ambulansya." Naroon pa rin iyong pag-aalala sa boses niya ng sabihin niya iyon. Pero dahil galit ako sa kanya, hindi ko siya pinakinggan at pinilit ko pa rin tumayo kahit napapangiwi ako sa sakit sa buong katawan ko. Muntik pa ako matumba ulit kung hindi niya agad ako naalalayan.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon