P.S. Lover's Quarrel

12.9K 523 96
                                    


Napatili sa gulat si Nana ng bigla ibato ni Xander sa pader ang cellphone ko na hawak niya. Agad pumatak ang luha sa mga mata ko ng tumingin si Xander sa akin.

"Bakit?" mahina ang boses na tanong niya pero sapat naman para marinig ko. Napayuko ako at hindi alam kung anong sasabihin.

"Bakit, Tiffany?" ulit niya pero nanatili akong tahimik.

"Bakit ka nagsinungaling sa akin?!" Napapiksi ako sa biglang pagsigaw niya.

"I-I'm sorry." Iyon lang ang kaya kong sabihin sakanya.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat ng hindi siya masasaktan.

"Do you think I need your fucking sorry?!" Pinigilan siya ni Jay sa braso ng tinangka niyang lapitan ako. Handa ako sa kung ano man ang gagawin niya sa akin. Kahit saktan niya ako, tatanggapin ko kung iyon ang tanging magpapaalis ng sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa ko.

"Hindi ko naman ginusto na magsinungaling sayo." Pumiyok pa ang boses ko ng sabihin iyon.

Tumawa siya ng mapakla sa sinabi ko.

"Hindi mo ginusto?!" ulit niya.

"I'm sorry, Xander. I'm sorry." Humihikbi na sabi ko.

"Shut up!" Malakas na sigaw niya. Inalis niya ang kamay ni Jay na nakahawak sa braso niya. Napasabunot siya sa buhok niya at kitang-kita ko ang paghihirap sa mukha niya.

Sinubukan ko humakbang palapit sakanya habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko.

"Hi-hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sayo ang lahat, kung saan ako magsisimu-" Tinaas niya ang isang kamay bilang senyales na pinapahinto ako.

"Kahit magpaliwanag ka pa, hindi pa rin makakabawas iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon." may diing sabi niya at marahas na pinunasan ang luha sa pisngi niya bago ako tiningnan ulit.

"Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sayo para saktan mo ako ng ganito." Sabi niya at ngumiti ng mapait.

"I love you so much, Tiffany."

Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng hikbi sa bibig ko ng marinig ang sinabi niya.

"Kasalanan ba iyon? Kasalanan ba na minahal kita ng sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili?" Humakbang siya palapit sa akin at huminto sa harapan ko. Muling may kumawala na luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"You lied to me and It's fucking hurts, right here." sabay turo niya sa bandang kaliwa ng dibdib niya.

Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa sahig. Hindi ko na matagalan na tingnan siyang nasasaktan. Triple ang sakit para sa akin.

"I hate myself from falling inlove with you." Puno ng galit na sabi niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang siya ay nakatingin sa akin.

"Kung wala ka naman palang balak na mahalin ako, Sana hinayaan mo nalang ako na kalimutan ka."

"I'm sorry, I'm sorry." iyon lang ang laging lumalabas sa bibig ko.

"You know what, Bagay nga kayo ni Red." Mapakla pa siyang tumawa bago tumalikod sa akin. Naglakad na siya patungo sa pinto pero bago tuluyang lumabas-- narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"Tulad ni Red, masama ka ring tao."

Umiiyak na sinundan ko lang siya ng tingin ng lumabas na siya ng pinto. Hindi ko siya magawang habulin para makapagpaliwanag dahil lahat naman ng sinabi niya totoo. Sinungaling ako at masamang tao. Hindi ako deserving sa pagmamahal niya.

"Mag-isip kana ngayon, Tippy." Nabaling ang tingin ko kay Jay ng sabihin niya iyon. Naglalakad na din siya patungo sa pinto na nilabasan ni Xander bago huminto at lumingon sa akin sandali.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon