P.S. Partners

15.3K 633 55
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ako, maiiyak o mabubwisit sa narinig.

Ma-seenzoned ka nga lang sa facebook masakit na, what more kung ma-'Who are you?' Kapa ng harap-harapan? Laslas na to Man! With matching bigti, ang sakit!

Hinintay ko lumabas si Joey De Leon para sabihing na Wow Mali ako at lahat ng to ay bahagi lang ng isang prank.
Pero ilan minuto na ang lumipas, walang Joey De Leon ang lumabas, si Xander lang ang nakatayo sa harapan ko habang nasa likuran naman niya sina Lee at Bryan na halatang gulat na gulat na makita ulit ako, kasama pa nila ang isang mukhang koreano na nahaluan ng dugong amerikano na nagtataka lang sa mga reaksyon ng kasama niya.

"Hanggang ngayon Walang Kwenta pa rin ang mga joke mo." Sabi ko ng mahimasmasan na mula sa pagkagulat.

Nakatingin lang siya sa akin ng wala pa ring emosyon ang mukha.

"I'm sorry Miss, I don't know you." Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ako at naglakad na siya patungo sa elevator.

Alam ko nagpapanggap lang siya na hindi niya ako kilala! Hindi siya si Dao Ming Si na nagka-amnesia sa part two ng meteor garden, lalong hindi ako si San Chai na gagawa ng paraan para lang maalala niya, dahil unang-una wala naman siyang amnesia!

Paano ko nalaman?

Instinct! And like duh! Never ko din nabalitaan na naaksidente siya, kaya imposible!

"Alexander!" Sigaw ko sabay harang sa dinaraanan niya. Alam ko nagmumukha na akong tanga, pero anong bago? Karugtong na ng pagkatao ko iyon, ang palaging magmukhang tanga.

Pero kung katangahan man ang ginagawa ko ngayon paghabol kay Xander, wala akong pakialam.

Ang importante, makahingi na ako ng tawad sakanya at maibalik ang pagkakaibigan na meron kami.

Alam ko, imposible na mangyari iyon, pero tulad nga ng sinabi ko, tanga ako na umaasa na pwede pa rin.

Ilan taon ko ring hinintay ang pagkakataon na makita siya ulit ng harapan at makausap.

"Miss-"

"I-I'm...sorry." Putol ko agad sa sasabihin niya pero tulad pa rin ng kanina, hindi pa rin siya nagpapakita ng emosyon sa gwapong mukha niya.

Nakatitig lang ang matatalim na mga mata niya sa akin na hindi ko matagalan tingnan kaya napayuko nalang ako.

"Why now?" Bigla niyang tanong kaya napa-angat ulit ako ng tingin sakanya.

"Xander..."

"I'm asking you, why now?" Galit niyang ulit sa tanong.

"Kasi......" hindi ko mahanap ang tamang salita kung bakit ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin siya at humingi ng tawad sa pagpapaasa sakanya.

"Kasi ano? Kasi sikat na ako?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na iyon ang iniisip niya kung bakit ngayon ko lang siya nalapitan at nakausap.

Hindi ba pwedeng ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para malapitan siya?!

Makausap siya? At makahingi ng tawad sakanya?!

"No!" Agad kong tanggi.

"Then What? I've waited for you Tiffany, pero anong ginawa mo? You broke all your promises! Not only that, pinutol mo din bigla ang komunikasyon na meron tayo! Without telling me why!" Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri niya bago ulit ako tiningnan.

"Do you have any idea how bad that hurts? Do you have any idea how much I've missed you? Do you have- " Hindi ko na siya pinatapos magsalita, niyakap ko nalang siya ng mahigpit para sa gaanung paraan maiparamdam ko man lang sakanya na nagsisisi ako sa ginawa kong pananakit at pambabalewala sakanya.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon