P.S. Memories

16.4K 677 53
                                    

"Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin but......I'm sorry, he didn't make it."

Parang may bombang sumabog sa utak ko ng marinig ang sinabi ng Doctor.

Napanganga ako at bahagya napa-atras sa kinatatayuan ko habang nakatakip ang isang kamay ko sa bibig.

Hindi ko lubos maisip na ganun kadali matatapos ang lahat......

"I'm sorry." Muling sabi ng Doctor bago naglakad palayo.

Nanghihina ang buong katawan ko sa narinig at ayaw pa mag-sink in sa utak ko ang nangyari pero maya-maya tuluyan na ako napaiyak.

Hindi ako makapaniwala

Ayokong paniwalaaan

At

Lalong mahirap paniwalaan!

Ang bata pa niya para mamatay

Marami pa siyang pangarap

At

Mara-

"Wag ka nga umiyak babae." Narinig ko na sita ng isang asungot sa tabi ko kaya sakanya na nabaling ang tingin ko.

"Wala na iyong bata Agent."

Kumunot lang ang noo niya na tiningnan ako bago tumingin sa katabi niyang pasyente na ngayon ay iniiyakan na ng pamilya habang tinatabunan na ng nurse ng kumot.

"Gusto mo sumunod?" Tanong niya na ang tingin ay nandoon pa rin sa pamilya na halos maglumpasay na sa sahig habang pilit na ginigising ang wala ng buhay na bata.

"Alam mo, ang sama ng ugali mo." Sabi ko sakanya na dahilan ng pagtingin niya ulit sa akin.

"Ano naman masama sa tanong ko? Malay mo matulungan pa kita." Inirapan ko lang siya at muling tumingin sa pamilyang iyon.

Malungkot at masakit makasaksi ng gaanong eksena pero ang katabi kong asungot mukhang walang pakialam.

"Hindi pa ba tayo aalis?"

See?

"Hihintayin pa natin iyong Doctor na gumamot sayo kanina."

"Tss, kasalanan kasi ng isang tanga.dyan." pagpaparinig niya pero hindi na ako nagkomento, pasalamat nalang talaga ako na daplis lang sa balikat ang tama niya kaya hindi na siya dapat i-confine o dumaan pa sa operasyon.

Nasa isang public hospital kami, doon namin sinugod si Agent ng aksidenteng mabaril ko siya.

At kapag sinabi kong 'namin' hindi ako nag-iisa, dumating sina Zyra, Andress at ang iba pang backup sa crime scene at sila na ang nag asikaso at nag-imbestiga sa nangyari patayan sa abandonadong building.

Iyong foreigner na lalaking hinahanap namin ni Agent noon sa hotel ay patay na. Tama, katawan niya ang natagpuan namin kanina.

Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa lugar na iyon at kung sino ang pumatay sakanya dahil walang sinasabi si Agent sa akin.

"Kung makaiyak ka naman dyan parang kapamilya mo iyong namatay, samantalang ako tong nabaril mo." Muling sabi niya. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at umupo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan niya.

"Marami ka pang hindi sinasabi sa akin, Agent."

Tumingin siya sa akin na parang naiirita na naman. "Tss. Give me a break woman, kita mong may tama ako sa balikat?" Asar na sabi niya sabay pakita pa ng sugat niya na pinandilatan ko lang.

"Ang arte, dapat masanay kanang nasusugatan dahil baka hindi pa iyan ang huli."

"Sabihin mo yan sa tanga kong partner."

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon