P.S. Cellphone

18.4K 537 130
                                    


NOT PROOFREAD.

Dalawang oras na ang nakakalipas pagkatapos ng nangyari sa amin ni Denson. Pero imbes na makatulog dahil sa pagod-- heto ako at gising na gising pa din at nakatingin sa kawalan. Nakaidlip din naman ako pero agad din nagising ng maalala na baka bigla umalis si Denson.

And speaking of the devil-- tulog na tulog ito na nakayakap sa akin mula sa likuran ko at mahina pang humihilik. We did it. Not once but twice. Ilan minuto lang ata iyong pahinga ko ng umisa pa siya. Kaya siguro ganun nalang din ang sakit na nararamdaman ko sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi ko maiwasan mag-alala na baka mabuntis ako. Wala kaming ginamit na proteksyon ni Denson at hindi niya din iyon nilabas. Kaya hindi malabong mabuntis nga ako. Pero sana, hindi. Magulo pa ang sitwasyon namin dalawa at baka mas lalong gumulo iyon kapag nabuntis pa ako.

Napabuntong-hininga ako ng malakas ng naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.

"Sleep, Mercado."

Medyo nagulat pa ako ng marinig ang inaantok na boses ni Denson mula sa likuran ko. Nilingon ko siya at nakitang nakapikit pa din to.

Ngumuso ako at humarap ng higa sa direksyon niya.

"Denson.." Kalabit ko sakanya. Bahagya lang siya gumalaw para tumihaya at hilain ako pahiga sa matipunong dibdib niya.

Huminga ulit ako ng malalim sabay tingin sa gwapong mukha niya.

"Denson, nagugutom ako." Sabi ko.

Akala ko ay tulog na ulit ito. Pero maya-maya ay bigla nalang ito ngumisi bago binuksan ang mga mata at tiningnan ako.

"Gusto mo ba ng hotdog?"

Pinamulahan ako sa tanong niya at bigla may sumaging imahe sa utak ko. Agad ko siyang sinapak sa dibdib niya.

"Pagkain iyon gusto kong kainin! Hindi hotdog!"

Napangiwi siya sa ginawa ko at nakakunot na ang noo niya na nakatingin sa akin. "Huh? Kinakain naman iyong hotdog, ah."

Muli ko siya sinuntok sa dibdib niya sabay tulak sakanya ng malakas palayo. Pero hindi ko naman alam na may pagkalampa din pala si Saltik at agad siya nahulog sa kama.

"Shit, Mercado!"

Hinila ko ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan bago umupo.

"Ang bastos mo!" Singhal ko sakanya na nakaupo na din sa ibaba ng kama. Laking pasalamat ko nalang na hindi kita sa pwesto ko iyong ibabang bahagi ng katawan niya na walang saplot.

"Anong bastos sa sinabi ko?" Naguguluhan na tanong niya.

"Iyong hotdog!"

"Pwede ba, wag kang sumigaw." Mariing sabi niya at tiningnan na ako ng masama.

"Napakabastos mo na kasi!"

"Sabi mo, nagugutom ka. Tinanong kita kung gusto mo ng hotdog? Anong bastos doon?"

Muli na naman ako pinamulahan ng mukha.

"Pagkain kasi iyong gusto ko kainin! Hindi hotdog!"

"Hindi na ba pagkain ang hotdog ngayon?" Salubong ang mga kilay na tanong niya. Pero ilan saglit lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng parang may napagtanto siya.

"Holy shit." Sambit niya bago bigla nalang siya tumawa ng malakas.

"Iyon talaga ang naisip mo, Mercado?" Natatawang tanong niya. Para na siguro akong kamatis sa sobrang pula ko. Kinuha ko ang isang unan at binato iyon sakanya. Pero parang balewala lang din iyon sakanya dahil mas lalo  siyang tumawa ng malakas. Bibihira lang tumawa ng ganito si Denson kaya imbes na mas mainis ako ay namalayan ko nalang na nakangiti na din ako habang pinagmamasdan siya.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon