P.S. Handcuffs

15.8K 641 82
                                    

"Catherine Baltazar." Napakurap pa ako ng ilan beses para masiguro na tama ako ng basa ng pangalan.

"Catherine Baltazar." Ulit ko at nagtatakang tiningnan ang kaharap kong si Agent na prenteng nakasandal sa upuan niya habang umiinom ng kape.

Kasalukuyan kaming nasa isang starbucks para pag-usapan iyong plano niyang pagpunta sa Masquerade Party, na sa kasamaang palad kasama ako.

"Si-sigurado ka ba na iyong babaeng ito ang magpaparty?" Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko at muling tiningnan ang puting folder na may picture at impormasyon tungkol kay Catherine Baltazar.

"Tss! Oo nga, di ka rin makulit noh?" Hindi ko nalang pinansin ang pagsusungit niya at binasa nalang ulit ang laman ng folder.

Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang number one bully ko, kalain mo nga naman, after six years! Magtatagpo ata ulit ang landas namin ng bruha. Akala ko nga noon nasa paris na siya, pero nasa pilipinas lang pala and take note! Isa na pala siyang sikat na designer?! How come?! Bakit hindi ako updated? Oh well, wala naman akong pakialam. Para sa akin, si Jay pa rin ang pinakamagaling na designer kahit hindi ko pa nakikita iyong mga gawa niya.

"Kailangan ba talagang sumama ako?" Tanong ko ng ibaba na sa mesa iyong folder.

"At bakit hindi?"

"May history kasi kami ng babaeng to Agent, baka makilala niya ako at mabisto tayo na nag ga-gate crash sa party niya."

"Nakamaskara lahat ng bisita."

"Pero-" malakas na nilapag niya ang cup na hawak kaya natahimik ako.tinitigan niya pa ako ng maigi bago ulit nagsalita.

"Sasama ka." Pagtatapos niya sa usapan namin bago tumayo.

"Dito ka lang." Dinig ko na sabi niya pero bago pa siya umalis may pahabol pa siyang sinabi. "Subukan mong umalis ng wala ako, malalagot ka talaga sa akin." Banta niya bago naglakad palayo.

Nakasimangot nalang ako na sinundan siya ng tingin.

Hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon hindi pa nagkakagirlfriend si Agent, wala kasing nakakatagal sa ugali niya.

Ugaling may PMS palagi.

Kung paano ko nalaman na never pa nagka-girlfriend si Agent? Simple lang, ayaw niya sa mga babae.

Kanina nga ng papasok kami sa mall marami na agad ang nagpa-cute sakanya pero tiningnan lang niya ang mga iyon ng masama at nagtanong sa akin na "Bakit ang lalandi ng mga babae?" Naasar ako sa sinabi niya at inaway siya, pero tumawa lang ang asungot sabay sabing "Wag ka mag-alala, hindi ka kasali, nagkamali lang ang Diyos sa paglagay ng parte ng babae sayo pero ang totoo, lalaki ka talaga." Spell bwisit? A-G-E-N-T.

Inaliw ko nalang ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga taong nasa labas ng starbucks at namamasyal sa mall na iyon habang hinihintay ang pagbabalik ng bwisit na si Agent.

Natawa ako ng makita ang ginawang pagsampal ng isang babae sa isang lalaki, na sa tingin ko ay boyfriend niya at may kasamang ibang babae.

"Break na yan." Sabi ko sa sarili bago humigop ng kape at binaling ang tingin sa ibang direksyon.

Naagaw ang atensyon ko ng isang tao na nakatayo sa labas ng isang toy store katapat ng starbucks kung saan naroon ako at tanaw na tanaw siya.

Kahit nakasuot siya ng sumbrero at shades, sigurado akong siya iyon!

Siya lang naman ang may epekto sa akin kapag tinitingnan ako, iyong parang sasabog si heart? Hindi sa kilig, kundi sa kaba.

Umiwas siya ng tingin sa akin at naglakad palabas ng mall.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon