P.S. Blind Dates

17K 661 74
                                    

"That's enough Tippy!"

Tiningnan ko lang ang bakla kong kaibigan bago nagsalin ng beer sa baso ko at nilagok iyon.

Nang hindi makuntento, sa bote na ako mismo tumagay.

"Tippy naman! Ano ba!" Sigaw ni bakla sabay agaw ng bote ng beer sa akin.

Pero nilayo ko lang iyon sa kamay niya at pinagpatuloy ang pag-inom nun hanggang maubos ko.

Malakas ko pa nilapag sa ibabaw ng mesa ang bote at ngumisi sa kaibigan na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Sarap! Isa pa!" Tawag ko sa waiter ng bar na pinuntahan namin ni Jay.

Tumingin sa akin iyong waiter at aktong lalapit na sa table namin para bigyan ulit ako ng alak pero sumenyas sakanya si Jay na wag na.

Masama kong tiningnan ang kaibigan ng makita ang pag-atras ng waiter na tinawag ko. "Kahit kailan ang KJ mo bakla! Minsan lang ako uminom!"

"Anong minsan?! Ngayon ka lang uminom! Kaya tigilan mo na Tippy!"

"Ayoko! Gusto ko pa ng beer! Ng maraming,maraming beer!" Sigaw ko sabay taas ng isang kamay ng may mamataan akong dumaan na waiter.

"Waiter!" Bigla hinawakan ni Jay ang nakataas na kamay ko at binaba iyon sabay tingin sa waiter. "No, hindi na siya iinom." Sabi niya pagkatapos ay tiningnan ulit ako.

"Ano bang nangyayari sayo Tippy?! Hindi ka naman ganyan ah!"

"I'm just having a good time!" Pinakanta pa na sagot ko at tumawa ng malakas.

Nakakaagaw na rin ako ng atensyon sa ibang customer na naroon sa bar kaya tumabi na ng upo si Jay sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Don't mind her, lasing lang siya." Kausap niya sa mga taong tumingin sa amin.

Naiinis na tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko at tiningnan siya ng masama. "Sinong lasing?!"

"Ikaw.kaya uuwi na tayo." Sabay tayo na sagot niya at hinawakan na ako sa kamay para hilahin patayo, siyempre hindi ako pumayag.

"NO!"

"Uuwi na tayo."

"NO!" Binawi ko ang kamay na hawak niya at yumakap sa upuan para hindi niya ako mahila.

"Ayoko pa umuwi! Gusto ko pa uminom!"

Napabuntong-hininga nalang si bakla na umupo ulit sa tabi ko at nagsalita sa malumanay na boses.

"Si Red na naman ba?"

Natigilan ako sa tanong ng kaibigan at dahan-dahan lumingon sakanya.

Mataman siyang nakatingin sa akin na para bang sinusubukan niya basahin ang isip ko.

"Hindi." Pinandilatan niya lang ako ng mata sa sagot ko, bago pinaayos ng upo paharap sakanya.

"Sa lahat ng tao, sa akin ka pa talaga magsisinungaling? alam kong nagkikita na ulit kayo at nagsisimula ka na naman."

"Hindi totoo yan."

"Totoo, dahil iyon ang napapansin ko, wala kana sa sarili at panay ang tingin sa cellphone. Aba, mula ng umuwi ka ng sobrang late kagabi, nagkaganyan kana, ni hindi ka pumasok sa trabaho mo."

"Day off ko."

"Eh, kung lasunin kaya kita? Tippy ah! Babalik na ako nextweek sa new york, kaya umayos ka, ayokong iwan ka ng wala sa katinuan."

Pagkasabi niyang iyon ay bigla nalang ako napaiyak.

Iyong iyak na sobrang lakas. Natataranta si bakla na patahanin ako, pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak, at tuluyan ng humagulhol.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon