P.S. End

16.4K 536 134
                                    

Tahimik ang naging byahe namin papunta sa kung saan na hindi ko alam. Pagkatapos kasi ng pag-uusap-- or mas tamang sabihin na pagtatalo namin ni Denson, ay pinilit niyang siya ang magmaneho ng pajero, imbes na si Raul.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Red? Hindi naman to ang daan pabalik ng manila ah." Pagbasag ni Raul sa nakakabinging katahimikan. Laking pasasalamat ko na lang na tinanong niya iyon dahil kanina pa din ako nagtataka kung saan talaga kami pupunta. Ang akala ko kasi ihahatid na niya ako pabalik ng manila tulad ng nagpag-usapan-- okay fine, pinagtalunan namin dalawa. Pero halos tatlumpong minuto na ang nakakalipas, ay nasa daan pa rin kami. Hindi rin ako pamilyar sa mga kalsada na dinadaanan namin.

Napalingon ako kay Raul ng kalabitin niya ako. Ngumuso ito sa direksyon ni Denson na nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho.

"Sumama kana kasi sa kanya." Pabulong na utos nito pero sigurado naman akong narinig iyon ni Denson base na rin sa mahigpit na paghawak nito sa manibela.

Wala akong naging tugon doon, mas pinili kong iiwas nalang ang tingin sakanilang dalawa. A part of me wanted to be with him. Pero iyong natitirang kalahati nun ay takot. Takot sa maraming bagay. Paano kung hindi kami maging masaya sa pagtalikod namin sa mga problema? Paano kung dumating ang araw na pagsisisihan kong iwan ang magulang ko para sakanya? Paano kung pagkatapos ng lahat ng ito ay isa pa rin siyang mamamatay tao? At wala siyang balak magbago?

Hindi sa wala akong tiwala sakanya, pero kahit minsan wala siyang pinangako sa akin. Pangako na pwede kong panghawakan na magiging maayos ang lahat. Pero wala. Kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot sa magiging buhay namin pareho kung sakaling lalayo nga kami.

"Shit!"

Muntik pa ako mapasubsob sa dashboard ng biglang magpreno si Denson. Si Raul naman ay tuluyang nauntog ang ulo sa likod ng upuan ko at siya ding sumigaw.

"Okay ka lang, Raul?" Nag-aalalang tanong ko dito. Creepy man siyang tingnan, pero hindi ko naman gugustuhin na may mangyari sakanyang masama kahit maikling panahon palang kami nagkakakilala.

Alanganin na ngumisi ito sa akin. "Okay lang. Wala naman akong sugat. Ikaw, okay lang?"

Sasagot pa sana ako ng malakas na tumikhim si Denson kaya nabaling ang atensyon ko sakanya. Naabutan ko siyang masama ang tingin kay Raul mula sa rearview mirror at parang nagbabanta pa bago padamog na lumabas ng pajero. Hindi ko mapigilan na mainis sa inasta niya. Siya na nga tong bigla nalang nagpreno, tapos siya pa ang may ganang magdamog at magalit?

Walang pagdadalawang-isip na sumunod ako sakanya at lumabas din ng pajero.

"Anong bang problema mo, Denson?!" Inis na tanong ko sakanya. Saglit lang niya ako tinapunan ng tingin bago hinarap ang kalalabas lang sa kotse na si Raul.

"Ikaw na ang magdrive." Sabi niya kay Raul sabay bato dito ng susi ng kotse. Dahil sa gulat ay hindi iyon nasalo ni Raul kaya kinailangan pa niya iyon pulutin. Nagtaka ako ng tumalikod sa direksyon namin ni Raul si Denson at nagsimulang maglakad palayo.

Hindi ko mapigilan magpanic.

"Saan ka pupunta?!" Malakas ang boses na tanong ko.

Napahinto siya sa paglalakad pero hindi ulit lumingon sa akin.

"Wag na natin to patagalin, Mercado. Si Raul na ang maghahatid sayo."

"Huh? Ba't ako? At teka, saan ka ba pupunta, Red?!" Naguguluhan na tanong ni Raul. Hindi siya pinansin ni Denson at nagpatuloy ito sa paglalakad palayo sa amin.

Pagak ako natawa ng unti-unti ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ako makapaniwala na sa ganito lang niya tatapusin ang lahat sa amin? Sa simpleng salita na "Wag na natin to patagalin, Mercado." Hindi man masakit pakinggan sa iba, pero para sa akin mas masakit pa iyon sa salitang "Break na tayo."

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon