P.S. Finale (Part 2)

16.2K 656 183
                                    


"Mercado...."

Unti-unti ko minulat ang mga mata ng marinig iyon. Unang bumungad sa paningin ko ay isang maliwanag na lugar.. Sobrang liwanag na kailangan ko pa ipikit ulit ang mga mata ko bago binuksan iyon... Napakunot ang noo ko ng mapansin ang paligid ko. Walang dextrose na nakakabit sa akin, walang tunog ng tut-tut-tut na monitor tulad ng nasa mga hospital. Hindi rin ako nakahiga sa hospital bed, mahabang table itong kinahihigaan ko na nilagyan lang ng kumot, at iyong unan ko ay isang bag lang. Saka may hospital ba na umaalog? God, Anong nangyayari? At nasaan ba ako? Patay na ba ako? Pero teka, bakit nakabra lang ako? Nasaan na ang damit ko?
Napahawak ako sa ulo ko. Bigla iyon sumakit sa pag-iisip ko.

Buong pag-iingat na bumangon ako sa pagkakahiga ko na padapa sa mesang iyon.

"Shit! Usal ko ng naramdaman ko bigla na may kumirot sa likuran ko kaya napada ulit ako. Kung sino man ang naglagay sa akin sa mesang iyon na bag lang ang unan ay walang puso!

"Iyong damit." Sabi ko ng makita iyong sinuot kong pantaas na nakasabit sa isang upuan. May bakas ng dugo iyon at kitang-kita ko na punit na ang likod nun, pero wala akong pakialam susuotin ko pa rin iyon kaysa ganitong wala akong pang-intaas. Sinubukan ko na abutin ng kamay ko iyon.

"Wag ka masyado gumalaw." Anang isang boses na siyang nagpalingon sa akin. Nakita ko ang isang magandang babae na nakasuot ng puting labgown na kakapasok palang ng kwartong iyon.

"I'm Dra. Eunice Monteverde. " Walang gana na pagpapakilala niya. Bigla ako na-insecure sa kagandahang taglay niya. Kung ganito ba naman ang doktor mo, I'm sure gugustuhin mo laging magkasakit para magamot niya. Teka, kailan pa ako naging tomboy? Pinilig ko ang ulo at pasimple siyang tiningnan ulit. Shit. Ang puti at ang kinis niya. Tapos iyong lips parang natural lang ang pagkakapula. Huhuhu! Gusto ko din ng ganung lips. Pero mas naiinggit ako sa height niya at iyong kaseksihan na taglay niya. Parang model ata siya kaysa doktor.

"I don't like people staring at me."

Nag-iwas ako ng tingin at nakaramdam ng pagkapahiya.

Lumapit siya sa akin at tiningnan ang damit na sinusubukan kong abutin.

"I'm sorry kung hindi na kita nadamitan kagabi." Sabi niya at imbes na ibigay sa akin ang damit ko ay tinapon pa niya iyon sa trashcan na malapit sa kanya. Gulat ang itsura na tiningnan ko siya na pinagkibit-balikat lang niya at kinuha ang isang kurtina na nakasabit sa bintana na naroon sa kwartong iyon. Lumapit siya sa akin at dahan-dahan ako ini-angat sa pagkakadapa ko sa sahig at pinaupo. Napangiwi ako sa nararamdamang sakit sa likuran ko.

"So far, okay ka naman." Sabi niya ng sinimulan na niya ibalot sa akin ang kinuhang kurtina. Ginupit at tinali niya iyon sa akin hanggang sa maging tube na lang.

"Magpasalamat ka sa life jacket na pinasuot sayo at hindi ganun kalalim ang pagkakasaksak ng kutsilyo sayo ni Boss Oliver."

Boss Oliver?! So, tauhan siya ni Oliver? Pero taena naiilang ako sa suot ko. Kahit na natatakpan iyong bra ko kita naman iyong pusod ko.

"Nawalan ka ng malay dahil na rin siguro sa pagod." Pagpapatuloy ng doktora na siyang kinakuha niya ng atensyon ko.

Pagod? Iyon lang ang dahilan kaya ako nawalan ng malay?! Doon ko lang naalala ang mga ginawa kong pagtakbo at pakikipaglaban. Idagdag pa na ilang araw din ako walang matinong tulog. Gusto ko matawa sa nangyayari at the same time ay naiiyak din. Akala ko talaga namatay na ako. Iyon pala, nakatulog lang ako! Huhuhuhu!

"Hindi pa gaano kagaling ang sugat mo kaya wag ka masyado gumalaw kung ayaw mo bumukas yan at dumugo ulit." Seryosong pagpapaalala niya na nagawa ko lang sagutin ng tango. Ang ganda talaga niya, pero nakakatakot din siya lalo pa't Boss Oliver ang tawag niya sa lalaking muntik na pumatay sa akin. Napalunok ako at nakaramdam ng takot sa buhay ko. Isang kalaban ang babaeng ito. Pero teka, bakit siya ang kasama ko? Nasaan na si Agent, Misagh, Raul, at Sid? At si Denson? Nasaan na ang Denson ko?! Napansin ata ng doktora ang talim ng tingin ko sakanya kaya muli siyang nagsalita.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon