P.S. Second Chance

14.7K 716 95
                                    

"Let me go! Let me go!" Pagpupumiglas ko ng naglalakad na kami papasok sa isang lumang bahay.

Hawak ako ni Denson sa isang braso at halos kinakaladkad na para lang maipasok sa loob.

Nasa likuran namin iyong taxi driver na Misagh ang pangalan at kanina pa naglilitantya kay Denson.

"Ibalik na natin siya, Red! Magugulo lang ang plano natin!"

Pero ang may saltik na si Denson, mukhang hindi naman nakikinig at pinilit pa ako paupuin sa isang silya na naroon sa bahay, na halatang wala ng nakatira, sira-sira na kasi ang mga bintana nun at wala na ring kagamitan.

"Tama iyong kasama mo, ibalik niyo na ako!" Tumingin sa akin si Denson bago binalingan ng tingin ang kasama.

"Bumili ka ng pagkain, Misagh." Patay malisya na utos niya na halos ikalaglag ng panga namin ng kasama niya.

"Mag-isip ka naman, Red! Hindi pwede tumagal sa atin ang babaeng to! Lalo pa't pulis siya!"

"Anong gusto mo kainin, Mercado?" Pambabalewala ni Denson sa sinabi ni Misagh at tinuon nalang ang atensyon sa akin.

"Hindi ko na talaga alam ang mga plano mo, Red."

Napabuntong-hininga na tiningnan ni Denson si Misagh.

"Wag mo na alamin at sumunod kana lang."

Nakita ko na gusto na suntukin ni Misagh si Denson pero nakapagpigil pa rin siya at tiningnan nalang ito ng masama.

"Sige, pagbibigyan muna kita sa gusto mo, pero siguraduhin mo lang na tuloy pa rin ang plano, anim na taon tayo nagtiis at hindi ko papayagan mabalewala lang iyon dahil lang sa isang babae." Matigas na sabi ni Misagh na tinapunan pa ako ng matatalim na tingin bago tiningnan ulit si Denson.

Infairness, may itsura din ang kasama ni Denson. Parang nahaluan siya ng dugong foreigner, pero tingin ko mas maraming dugong kriminal ang nanalatay sakanya. Kung makatingin kasi akala mo papatayin na niya ako. Wala naman akong ginagawa sakanya.

"Bibili lang ako ng pagkain sa labas, ayusin mo ang gulo na pinapasok mo." Sabi niya ulit bago kami tinalikuran at naglakad na palabas ng bahay.

Naiwanan kami ni Denson sa lumang bahay na iyon na tanging kaluskos ng daga ang maririnig sa sobrang tahimik namin dalawa.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa makakilos sa inuupuan ko gayong parang kanina lang ang lakas lakas ko at lumalaban pa, pero ngayon bigla ako nanghina, hindi ko lang alam kung bakit.

"Tama ang kasama mo, Denson, malaking gulo ang pinapasok mo." Basag ko sa ilan minuto na katahimikan namin.

Nakayuko ako at nakatingin sa sapatos ko pero ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Hindi naman gulo ang pinapasok ko kundi ang puso mo." Nag-angat ako ng tingin sakanya at nakita ko na pinipigilan niya lang matawa sa sinabi niya.

Nagbaba ulit ako ng tingin sa sapatos ko at pilit naman pinipigilan ang sarili na ngumiti. 'Kailan pa naging malandi ang lalaking to?' Oh lord, pigilan niyo po ako.

"Tu-tumigil ka nga, Denson! Ang tanda mo na sa pick up lines! Wag ka nga!"

Nakita ko ang paa niya na humakbang patungo sa akin.

Ganun nalang ang kaba ko.

"Tumayo ka." Dinig ko na utos pero nagkunwari ako na hindi ko siya narinig.

Alam ko kasi na may maitim na balak siya na maaaring magbalik sa mga bagay na hindi na dapat ibalik.

"Mercado-"

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon