P.S. Finale (Part 1)

19.4K 683 183
                                    

Not proofread. Not edited.

Kinakabahan ako sa mangyayari. Sa bawat paglipas kasi ng oras ay pakiramdam ko nalalapit na talaga ang pagkikita namin ni Kamatayan, at wala akong magawa kundi tanggapin nalang iyon. Bantay sarado din kasi ako ni Misagh na feel na feel talaga ang pagiging kidnapper ko. Nang sinubukan ko kasi tumakas sa kanila ay bigla nalang niya ako tinutukan ng baril at sinabing- "Bangkay ka nalang makikita ng mga taong mahal mo kung hindi ka marunong makisama sa amin." Kaya ayan, hindi nalang ako pumalag at hinayaan nalang na isama nila sa plano nila.. Tapos tong si Agent na akala ko ay kakampi ko ay pinanood lang kung paano ako takutin ng kalaban niya. Traydor talaga.

"Nandito na tayo." Anunsyo ni Sid kaya nakuha niya ang atensyon ko. Napakunot ang noo ko ng mapansin na huminto ang sinasakyan naming taxi sa isang pantalan. Gusto ko pa sana magtanong kung anong ginagawa namin sa lugar na iyon nang bigla nalang ako hinawakan ni Misagh sa collar ng damit ko at hilahin palabas ng taxi.

"Aray naman!" Angal ko pero binalewala lang niya ako at pumuwesto na sa likuran ng taxi. Binitawan na niya ang pagkakahawak sa collar ko at saglit akong tiningnan.

"Stay close." May pagbabanta sa tono na sabi niya sa akin bago binuksan ang compartment. Sumunod din sina Sid, Raul at Agent na lumabasa ng taxi at tahimik na pinagmasdan maigi ang paligid namin. Doon ko lang napansin na nasa may kadiliman kami na bagahi ng pantalan at kung saan nahaharangan ng ilang cargo container kaya hindi agad kami makikita.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa katabing si Misagh. Pumuwesto na din sa tabi niya si Sid at naghanda na din ito ng baril bago iniabot sa nasa likuran nitong si Agent. Saglit ako tiningnan ni Misagh habang nilalabas ang isang AR15. Hindi ko alam kung saan sila nakakuha ng mga dalang matataas na kalibre ng baril pero sigurado akong illegal na naman iyon.

"Ngayon ang alis ng hayop sa pilipinas." Sagot ni Misagh sa akin. Hindi na ako nagtanong ulit dahil alam ko namang si Oliver iyong hayop na tinutukoy niya. Saka hindi pa rin ako kumportable makipag-usap sakanya.

"Syota ni Red!" Tawag sa akin ni Sid kaya napalingon ako sakanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang may binato sa direksyon ko, buti na lang mabilis ang reflex ko at nasalo ko agad iyon. Nagtataka ko siyang tiningnan ng mapansin na patalim pala iyong binato niya sa akin na nakabalot pa sa itim na tela.

"Kailangan mo yan." Sagot nito sabay kindat pa sa akin.

"Huh? Iyong baril--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na naman ako hilahin ulit ni Misagh sa collar ng damit ko at halos kaladkarin na naman sa paglalakad. Isusumbong ko talaga siya kay Denson! Saka anong gagawin ko dito sa kutsilyo? Baka bago ko pa magamit to, naunahan na ako ng kalaban. Dapat baril iyong binigay nila sa akin eh!

"Bilisan niyo, Sid."

Sinarado na rin ni Sid ang likuran ng taxi ng may kanya-kanya na silang baril na hawak at agad sumunod sa amin ni Misagh.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Walang katao-tao maliban sa aming lima. Tapos puro cargo containers pa ang nakikita ko. Napalunok ako ng wala sa oras. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

Napatigil kami sa paglalakad ng makarinig kami ng ugong ng sasakyan na paparating kaya mabilis agad kami nagpunta sa likuran ng cargo containers at nagtago.

"Don't make any noise." Babala ni Misagh sa akin na tinanguan ko lang. Nakasabit sa katawan nito ang AR15 habang nakita ko pa na may nakasuksok pa na baril sa baywang nito. Ready na ready ang hinayupak.

Nahigit ko ang aking hininga ng makita ang isang BMW na dumaan malapit sa pinagtataguan namin. Sa likuran nito ay limang mga lalaking nakamotorsiklo. Pero hindi ako doon kinabahan kundi sa huling sasakyan na nakasunod sa kanila. At dahil hindi iyon tinted nakita ko kung sino ang nasa backseat nun. Kahit mabilis iyon dumaan sa paningin namin hindi ako nagkakamali na siya ang nakita kong sakay nun!

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon