P.S. TRUST

13.7K 572 50
                                    

(UNEDITED)

"Red!"

Mabilis na kumawala ako sa yakap niya ng marinig ko ang boses ni Sid na tinatawag ang pangalan niya. Hindi na ako nag-abala tingnan ang reaksyon niya dahil sa ginawa ko bagkus ay pinagtuunan ko nalang ng pansin iyong tatlong katao na kalalabas lang ng bar at naglalakad na palapit sa amin ni Denson.

"Buti hindi pa kayo nakaalis." Tuwang-tuwa na sabi ni Sid. Nasa likuran niya sina Agent at Misagh na inaantok na ang mga itsura at halatang tinatamaan na ng alak.

"Agent." Tawag ko sa kasamahan pero silang apat ang tumingin sa akin. Napairap ako ng wala sa oras.

"Umuwi na tayo, Agent."  Agad kumontra si Sid at mabilis ito nakalapit sa tabi ni Agent at inakbayan ito.

"Pasensya kana syota ni Red, pero may pupuntahan pa kami.". Nakangising sabi ni Sid. At base na rin sa nakikita ko sa mukha niya, may kalokohan na naman siyang iniisip.

"Sasama ka?" Tanong ko kay Agent.

Nagkibit-balikat ito.

"Wala naman akong gagawin bukas." Nagulat ako sa sinagot niya. Hindi ko inaasahan na gugustuhin niya sumama sa grupo ni Denson. Sa pagkakaalala ko halos magpatayan sila ni Misagh noong isang gabi, pero ngayon, magkatabi pa talaga silang nakatayo ng hindi nagsusuntukan.

"Okay!" Malakas na sigaw ni Sid at na kay Denson naman ang tingin niya.

"Ikaw, Red? Maraming babae doon." Pasimple akong lumingon kay Denson at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya agad din ako tumalikod sa direksyon niya. 'Hmp, kung makatitig akala mo hindi interesado sa sinasabi ni Sid. If I know, gustong-gusto na niya sumama.'

"Tara na, mag i-enjoy ka." Muling pangungumbinsi ni Sid sakanya.

"Sigurado akong makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap at baka pati iyong girlfriend mo na yan hiwalayan mo bigla." Binuntutan pa nito ng mala-demonyong tawa ang sinabi kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Gabi na, Mercado. Ihahatid na kita." Imbes na yaya ni Denson sa akin at hindi pinansin si Sid. May parte ko ang natuwa sa pambabalewala niya sa sinabi ng kasama pero hindi ko mapigilan magduda. Paano kung pagkahatid niya sa akin sa bahay ko, susunod pala siya sa pupuntahan nina Sid? Hindi malayong mangyari iyon. Pero hindi ako papayag na paikutin na naman niya.

"Gusto kong sumama." Diretsong sabi ko na kinabigla nilang apat. Kung si Sid ay tumawa ng malakas, sina Misagh at Agent naman ay napailing nalang at halatang hindi sang-ayon sa pagsama ko.

"Pwede naman akong sumama, diba? Don't worry, behave ako at hindi ko kayo papakialaman sa pambabae niyo doon."

Bigla tumigil sa pagtawa niya si Sid at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Akala niya siguro nagbibiro lang ako sa sinabi ko.

"Seryoso?" Ulit nito kaya hindi ko napigilan ang sarili na ikutan siya ng mata.

"Oo, sasama ako. Hindi pwedeng-"

"Hindi ka sasama." May pagbabanta na sabad ng lalaking nasa likuran ko. Sarkistong ngumiti ako at nilingon siya.

"Hinihingi ko ba permisyo mo?" Mataray na tanong ko.  Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya kaya hindi ko mapigilan na matuwa ng palihim. 'Ganyan nga, mainis ka. Akala mo ikaw lang ang marunong maglaro? Puwes, natuto na rin ako. Umuwi ka mag-isa mo.'

"Ahm, love birds--"

"Sige."  Malamig na sabi ni Denson habang nakatingin sa akin na blangko ang ekspresyon.

"Sasama tayo."

Napamaang ako. Hindi iyon ang inaasahan ko, akala ko magwa-walkout na siya dahil sa katigasan ng ulo ko. Kilala ko siyang maliit ang pasensya. Kapag hindi na nasunod ang gusto niya, mang-iiwan na siya. Kaya hindi ko talaga napaghandaan ang  sagot niya.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon