P.S. Killers

15.5K 684 87
                                    


'Hindi ko na siya mahal.' Ilan beses ko na iyan sinabi noon at ngayon ay uulitin ko. HINDI KO NA SIYA MAHAL.

Pero bakit ang lakas ng pintig ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya?

Bakit apektado pa rin ako sa kanya?

Lalo na ngayon, nakatitig siya sa akin, pakiramdam ko natutunaw ako at nagwawala iyong mga bulate sa tiyan ko.

"Patingin nga ng T-back mo, Yam."

"Kailan ka pa naging manyak, Denson?!" Irap ko sakanya.

Tumawa lang siya at pinasadahan pa ako ng tingin kaya nahigit ko ang hininga ko at nag-init ang pisngi ko.

"Gusto ko lang tingnan kung kasya sayo, walang malisya, Mercado."

Namumula ang pisngi na hinampas ko siya sa balikat at bahagya tinulak palayo sa akin na balewala lang din dahil nandoon pa rin siya sa harapan ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa pader kung saan ako nakasandal.

"Patingin na."

"Tigilan mo nga ako, Denson! At iuwi mo na ako!" Bulyaw ko sakanya.

Napapikit siya ng tumalsik ang laway ko sa mukha niya at nakangisi na dumilat ulit at tumitig sa akin.

"Malayo ang bahay ko dito, Mercado."

Noong una, di ko gets ang sinabi niya pero ng marealize kung ano ang huling sinabi ko ay parang doon ko lang naintindihan.

Nahihiya na hinampas ko siya habang tawa lang siya ng tawa.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Sabi ko iuwi mo ako! Pero hindi sa bahay mo! Wag ka ngang feeling!" Sigaw ko, napapikit ulit siya ng matalksikan na naman ng laway ko.

Nahiya naman ako sa free shower niya kaya tinikom ko nalang ang bibig at tiningnan siya.

"Tapos mo na ba akong paliguan?"

"Heh! Lumayo ka nga!" Tulak ko ulit sakanya, pero parang wala na sa akin ang atensyon niya kaya nagpatuloy ako dahil naiilang na talaga ako sa sobrang niyang lapit sa akin.

"Denson, naman! Luma-"

"Shut up."

"What?!" Gulat na sabi ko. Tumingin ulit siya sa akin. "I said shut up."

"Ba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla niya tinakpan ng isang kamay niya ang bibig ko at nilapit pa lalo ang mukha sa mukha ko.

"Wag ka maingay." Pabulong na sabi niya.

Ramdam ko na nagrarambulan ang pagtibok ng puso ko sa posisyon namin dalawa, tanging kamay nalang kasi niya ang nakaharang sa labi namin at mukhang napansin niya iyon dahil ngumiti siya.

"You enjoying this, don't you?" Nanunukso na bulong niya sa akin. Pinalakihan ko lang siya ng mata bago tinangkang alisin ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko, pero pinigilan niya ako at umiling.

"May tao sa labas."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at pinakiramdaman ko kung meron, at meron nga!

Tumingin ulit ako sakanya ng nagtatanong.

"Hindi iyon si Misagh." Sagot niya na parang nababasa niya na iyon nga ang tanong ko.

Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at nagtanong sa mahinang boses.

"Paano mo nalaman?"

Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa labi ko na sobrang lapit sakanya.

Kinuha ko ulit ang kamay niya at pinantakip ulit iyon sa bibig ko.

Matalim ko siyang tiningnan ng tumingin siya sa mata ko at ngumiti sa akin.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon