P.S. Epilogue (Part 1)

19.9K 734 253
                                    

Comment below, kung meron pa sa inyo hindi makabasa ng maayos sa epilogue.. Thank you.



________________________________________________________________

9 years later....

"You're fired!" Malakas na sigaw ko sabay tapon ng mga papeles sa harapan ng sekretarya ko-- or ex secretary rather. Umiiyak na tinalikuran ako nito at mabilis na lumabas ng opisina ko. Galit na sumalampak ako ng upo sa swivel chair ko at dinampot ang telephono na nasa tabi ko. Dalawang ring bago sinagot ng nasa kabilang linya ang tawag ko.

"Hell--"

"Tell the HR department that I need a new secretary, TOMORROW!" Bigyan diin ko sa huling sinabi bago malakas na binaba ang tawag ng hindi hinahayaan ang nasa kabilang linya makapagsalita man lang.
Peste. Kakasimula palang ng araw ko ganito na agad ang tatambad sa akin.

"Ma'm--"

"What?!" Napaangat ako ng tingin ng pumasok ang isang emplyedo ko na may dalang basket na puno ng bulaklak.

"You..you-you have a delivery--"

"Put that thing away!" Inis na sabi ko.

Nakita ko ang panghihinayang sa mga mata nito ng sumulyap sa bulaklak na hawak. "Again? But Ma'm--" Hindi na naman nito natapos ang sinasabi ng mapansin ang pagtalim ng tingin ko.

"Fine. Then eat that!"

"Ma'm?" Hindi makapaniwalang nasabi nalang niya.

"I don't want to repeat myself. Now, get out of my office before I fire you!"

Maluha-luha ang mata nito na nagmamadaling lumabas ng opisina ko. Hinilot ko ang noo ng maramdaman na sumakit iyon. Bukod sa kulang na nga ako sa tulog ganito pa ang bubungad sa akin.

"What happened?" Napapitlag pa ako sa gulat ng may biglang nagsalita. Napabuntong-hininga ako ng makitang pumasok ng opisina ko si Daddy.

"Hey, Dad." Pagod na bati ko sakanya bago sinandal ang sarili sa swivel chair. Nakita ko ang pagtingin ng Daddy ko sa nakakalat na papeles sa opisina ko.

"You fired again your secretary?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Ganun kasi lagi ang eksena kapag may tinatanggal akong tauhan sa kompanya. Nagiging habit ko na ang tapunan sila ng folder na may lamang papeles.

"Hindi ko na-close ang deal kay Mr.Chua, Dad."

"At anong kinalaman nun sa sekretarya mo?"

Muli ako nainis ng maalala ang kagagahan ng sekretaryang iyon. Kundi ba naman bobo na iwala ang flashdrive na naglalaman ng dapat presentation ko kahapon edi sana hindi nagalit si Mr.Chua sa paghihintay. "Nawala iyong flashdrive."

"At dahil doon tinanggal mo na agad siya?"

"For God's sake, Dad. Nandoon iyong presentation ko!"

"But still, Ynna. Hindi ka dapat nagpadalos-dalos!"

Tinikom ko agad ang bibig ko ng marinig ang pagbanggit ng Daddy ko sa huling pangalan ko.

"Hindi madali maghanap ng mapagkakatiwalaan na tauhan. Alam mo iyan?"

Tumango ako. Noong bago palang pinahawak sa akin ni Daddy ang posisyon niya bilang Presidente ng kompanya, ay may naging secretary ako na hindi ko aakalain na spy pala sa kompanyang kalaban namin. Muntik na bumagsak ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko ng ilang taon ng tangka isabotahe ito ng sekretaryang iyon. Buti nalang agad nabisto ni Garreth-- first cousin ko na siya ding tumulong sa akin sa mga pasikot-sikot sa kompanya. Naiisip ko nga na mas bagay sakanya ang maging Presidente at hindi Vice-President. Mas alam pa niya kasi patakbuhin at ihandle ang kompanyang hawak ko kaysa sa akin.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon