P.S. Missing: Red Denson

13.5K 499 30
                                    

TIPPY'S POV

"Nasaan si Denson?" Tanong ko agad kay Sid ng pagbuksan niya ako ng pinto. Pupungas-pungas pa ito at halatang kagigising lang. Bukod kasi sa magulo pa ang buhok niya, wala rin siyang pang-itaas na damit. Agad sumilay ang ngiti sa labi niya ng makilala ako.

"Oi, Good morning syota ni Red!"

Hindi ko pinansin ang pagbati niya at agad ko siya tinulak para makapasok ako sa loob ng bahay.

"Denson!" Malakas na tawag ko sa lalaking mula pa kahapon ay hindi ko na makontak. Papanhik sana ako ng hagdanan pero mabilis ako naharangan ni Sid.

"Hep!" Pigil niya sa akin. Sinubukan ko ulit dumaan sa kanan na bahagi ng hagdanan pero mabilis ulit niya ako naharangan kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Kailangan ko makausap si Denson!" Nauubos ang pasensya na sabi ko. Sobra-sobra na kasi iyong kaba at pag-aalala na ang nararamdaman ko mula pa kagabi, tapos may kutong lupa pa na trip ata makipagpantentiro sa akin.

"Denson!"

"Teka lang, diba magkasama kayo?"

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

"Mukha bang kasama ko siya ngayon?!" Hindi ko mapigilan magtaas ng boses kaya napakamot nalang siya sa ulo.

"Wala siya dito." Napalingon ako sa nagsalitang iyon. Nakita ko si Misagh na kakalabas lang mula sa kusina habang may hawak na tasa.

"Hindi pa nga umuuwi si Red." Dagdag naman ni Sid kaya nasa kanya na ulit ang atensyon ko.

"Ang akala nga namin pinuntahan ka niya dahil iyon naman talaga ang sinabi niya kahapon bago umalis."

Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko sa nalaman. Wala akong ideya kung saan pa siya pwedeng pumunta lalo pa't nasa bahay din lang iyong dalawang kasama niya. Sinubukan ko na rin magtanong-tanong sa mga hospital bago pa man ako pumunta sa bahay nila pero bigo pa rin ako na mahanap siya.

"May nangyari ba?" Tanong ni Sid ng mapansin ang pananahimik ko. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sakanila ang nangyaring pagbaril ni Zyra sa kasama nila, lalo pa't hindi pa bumubuka ang bibig ko para magsalita-- masama na agad ang pagkakatingin ni Misagh sa akin. 'Well, masama nga pala palagi ang tingin niya sa akin.'

"Hindi ako sigurado." Pagsisimula ko at tiningnan muna ang reaksyon nilang dalawa.

"I think-- nabaril ng kasamahan ko kahapon si Denson."

"Ano?!/ What?!" Magkasabay pa na tanong nila.

"Hindi ko naman alam na pupuntahan niya ako habang ginagawa ko iyong trabaho ko!"

"Di sana hindi mo sinabi kung nasaan ka!" Galit na sigaw ni Misagh sa akin kaya bigla ako natahamik. Nakakatakot talaga siya!

"Relax, Sagh. Sa gusto ni Red makita iyong syota niya. Palibhasa kasi wala kang lovelife kaya hindi mo sila maintindihan." May pang-aasar na sagot ni Sid at natawa pa ito.

"Shut up." Matigas na sabi ni Misagh kaya tumigil din sa pang-aasar si Sid dito. Muli ako binalingan ni Misagh at iyon na naman iyong masamang tingin niya. Malaki talaga ang galit ng hinayupak sa akin.

"Tawagan mo si Raul, Sid. Tanungin mo kung pumunta si Red doon." Utos ni Misagh sa kaibigan pero iyong tingin niya ay nasa akin pa rin kaya hindi ko maiwasan na mailang.

"Pag wala pa rin, Si Jade naman iyong tawagan mo." Agad ako sumimangot pagkarinig ng pangalan na iyon. Narinig ko pa ang pagtawa ni Sid ng makita siguro ang reaksyon ko bago niya sinunod ang utos ni Misagh. Pag nalaman ko talagang pumunta sa babaeng iyon si Denson, babaha talaga ng dugo!

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon