P.S. When Jealousy Strikes

14.9K 527 41
                                    


"Anong sabi?" Tanong agad ni Zyra sa akin ng lumabas ako ng opisina ni Chief.

Bumalik na ako sa trabaho pagkatapos ng dalawang araw na pag-aabsent. As expected, binudburan ako ni Chief ng sermon. Halos isang oras nga niya ako sinigawan sa loob ng opisina niya. Swerte ko pa rin na hindi ako nabingi.

"Pinagalitan ka?"

Pagod na nilingon ko ang kaibigan na naghihintay ng sagot ko. "Back to work daw." Tanging sagot ko bago pumunta sa sariling table.

Pagkaupo ko palang ay siya namang dating ni Agent. Nagtama ang tingin namin dalawa pero agad siya umiwas ng tingin sa akin at pumunta na rin sa table niya na katabi lang ng sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang masama pa rin ang loob ni Asungot sa akin.

Naging abala ako sa araw na iyon. Tinambakan kasi ako ng trabaho ni Chief. Isa siguro iyon sa paraan niya para parusahan ako. Sa lahat ba naman ng mga pulis na nandoon, ako na ata ang walang masyadong ginagawa. Kaya ayon, mukhang natauhan si Chief, at pinasama na ako sa pagresponde sa isang hostage crisis na nangyari malapit sa lugar namin.

"LQ kayo ni Agent?" Tanong ni Zyra sa akin ng kumakain kami sa isang karenderya pagkatapos namin rumesponde sa hostage crisis na iyon na tumagal ng anim na oras. Kaya medyo late na rin ang imbes na lunch break namin.

"Wala kaming relasyon." Sagot ko sabay inom ng tubig. Pero mukhang hindi naniwala si Zyra sa sinagot ko dahil patuloy ito sa pagtatanong sa akin tungkol kay Agent. Konti nalang talaga, iisipin ko na may gusto ito kay Agent.

"Naalala mo iyong lalaking nasa artist sketch na pinagawa ko?" Out of the blue na tanong ulit ni Zyra sa akin. Pabalik na kami ng presinto gamit ang patrol car. Nilingon niya ako mula sa backseat dahil sa frontseat siya nakaupo. Habang si Andres naman ang nagmamaneho. Inshort, third wheel ako sa samahan nilang dalawa.

"Hindi ka pa rin tumitigil sa paghahanap sakanya?" Tanong ni Andres kay Zyra at saglit ito nilingon. Mula pa noon alam kong may gusto na si Andres kay Zyra. Pero kung anong niyabang ng mokong, siya namang tinorpe nito pagdating kay Zyra.

"Ako kaya ang may hawak ng kaso na iyon. Kaya malamang, hahanapin ko siya."

Bigla ako kinabahan.

"Pero sinabi na nung pinaka-leader sakanila na hindi nga nila kasama iyon."

"Eh, bakit nandoon iyong taong iyon? Imposible naman na kakilala siya ni Tippy--" Saglit na napahinto si Zyra sa pagsasalita bago muli akong nilingon. "Teka, kakilala mo ba iyon, Tippy?"

Pinigilan ko ang sarili na masamid sa biglang tanong ni Zyra.

"Hi-hindi." Nautal pa ako. Tumango-tango ito na binalik ulit ang tingin sa harapan na parang kumbinsido naman sa sagot ko.

"Sigurado akong may kasalanan iyon sa batas. Kasi kung wala, bakit bigla iyon tumakas?"

"Ang sabihin mo, kaya gusto mo iyon mahanap ay dahil crush mo." Sabad ni Andres. Natawa sakanya si Zyra.

"Crush talaga? Ano tayo, teenager? Saka loyal ako sa boyfriend ko noh!"

Aray ko po. Naawa tuloy ako kay Andres ng bigla nalang ito tumahimik. Naagaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko at makatanggap ng text mula kay Denson.

From: Killer

7 p.m @ Luneta. Hihintayin kita.

Luneta? Ano na naman kaya ang gagawin namin doon? Saka hindi na siya pwede pa kalat-kalat sa matataong lugar baka may makakita sakanya. Mabilis na nagtype ako ng reply.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon