P.S. Pervert

15.3K 514 45
                                    

(UNEDITED)

Tahimik kaming pumasok sa loob ng bahay ni Denson. Hindi na siya nagtangkang magtanong kung ano talaga ang totoong nangyari dahil nararamdaman din siguro niya na wala ako sa mood magkwento. Umupo nalang ako sa mahabang sofa na naroon sa sala habang diretso naman siyang pumunta ng kusina pagkatapos niya buksan ang ilaw ng bahay. Gusto ko sana itanong kung nasaan sina Sid at Misagh, pero nakakaramdam na talaga ako ng pagod. Kaya mas pinili ko nalang na itikom ang bibig at sumandal sa inuupuan para umidlip.

"Here."

Napatingin ako sa baso na nasa harapan ko at nilalahad ni Denson sa akin.

Bumuntong-hininga na umayos ako ng upo at kinuha iyong baso na may laman ng tubig sa kamay niya. "Salamat." Tipid na ngiti na sabi ko bago uminom ng tubig sa basong hawak.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot. Kahit gutom ako wala din akong ganang kumain.

Akmang ilalagay ko ang basong ininuman sa maliit na mesa na naroon ng kinuha na niya iyon mismo sa kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sakanya.

"Dito ka muna. Magluluto lang ako." Sabi niya bago tumalikod sa direksyon ko at nagtungo ulit sa kusina. Wala na akong nagawa kundi sundan nalang siya ng tingin. Muli ako napabuntong-hininga bago nanghihina na humiga ng patagilid sa sofa.

"I want you to destroy Red Denson. And bring back the killer."

"You're such a disgrace to this family!"

Napapikit ako ng mariin ng maalala ang mga iyon. Sa loob lang ng isang araw-- nangyari na lahat ang mga bagay na kinatatakutan ko pa noon na mangyari. At wala akong maisip na paraan kung papaano ko iyon malulusutan. Naramdaman ko nalang na may kumawala na bagong luha sa mga mata ko kaya agad ko iyon pinunasan. Malungkot na tumingin ako sa may kusina ng marinig ko ang ginagawang pagluluto ni Denson. Kasama ko na siya. Hindi na ako nag-iisa. Pero natatakot ako na sabihin sakanya ang lahat. Paano kung magalit siya? O di kaya iiwan niya ako kapag nalaman niya na nahihirapan na ako sa sitwasyon namin?

Namalayan ko nalang na naglalakad na ako patungo sa kusina at huminto mismo ilang dangkal ang layo sa nakatalikod na si Denson na abala sa paghuhugas ng gulay na lulutuin ata niya. 'Kaya ko harapin lahat basta kasama kita, Denson..' Humakbang pa ako ng isang beses bago maingat na yumakap sa likuran niya.

Natigil siya sa ginagawang paghuhugas. "Mercado?" Tawag niya sa akin bago ko narinig ang pagpatay ng gripo sa lababo.

Malungkot na ngumiti ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Namiss lang kita." Halos pabulong na sabi ko na sigurado naman akong narinig niya dahil na rin sa sinagot niya.

"I missed you too." Paos ang boses na sagot niya pabalik bago ko naramdaman na hinawakan ng basang kamay niya ang braso ko na nakapulupot sa baywang niya.

"Saan ka ba kasi nagpunta?" Nakalabing tanong ko.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sakanya bago humarap ng tuluyan sa akin at tiningnan ako ng seryoso.

"Gutom ako. Mamaya na tayo mag-usap." Sagot niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray naman!" Angal ko sabay alis ng kamay niya na kumurot sa pisngi ko at tiningnan siya ng masama.

"Sadista na Saltik!"

Umangat ang sulok ng labi niya na parang naaliw pa siya sa tinawag ko sakanya.

Tanging sardinas na nilagyan ng itlog at ginisa ang ulam namin. Hindi na niya tinuloy magluto ng marami dahil na rin sa nagugutom na talaga siya. Hindi ko naman siya magawang tulungan dahil hindi naman ako marunong magluto. Kaya nakuntento nalang kami sa kinaya niyang lutuin.

P.S. I Love You (DK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon