Chapter 32

32.1K 401 10
                                    

Enjoy reading! :)

Chapter 32

Pag gising ko wala na sa tabi ko si Alexis marahil ay umalis din ito agad dahil kapag may nakakita na dito siya natulog ay malamang patay ako kay Daddy. Pag lingon ko sa side table ko nakita ko yung Mickey Mouse notepad ko na nakalabas at ng buksan ko ito ay may nakasulat. Sulat kamay ni Alexis.

"Baby, let's meet later. I'll fetch you."

Napangiti ako. Kahit na galit pa din ako ako sakanya hindi pa din nawawala yung pagmamahal ko. Siguro nga sasabihin ng iba na tanga ako dahil ang bilis ko magpatawad. Hindi ko lang siguro kayang magalit ng matagal kay Alexis sapat na siguro yung limang araw na hindi kami nagkita.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at nakita ko na nandun sila Tita Annie at Daddy. Masaya silang nag uusap. Napangiti na lang ako. Bigla kong naalala si Mommy. Kamusta na kaya siya? Matagal na din kasi akong di nakakadalaw sakanya. Sobrang miss ko na siya. Haaay.

"Oh saan ang lakad ng dalaga namin?" Tanong ni Daddy

"Kailan mo ba ipapakilala yung boyfriend mo iha?" Tanong ni tita Annie

"May boyfriend ka na ulit? Nagkabalikan na ba kayo ulit ni Dylan? Kung ganoon magandang balita yan." Sabi ni Daddy

"Hindi po, Dad. Hindi po si Dylan." Nahihiyang sabi ko

"Pakisabi mo sa boyfriend mo gusto ko siyang makilala. Okay?"sabi ni Daddy

"Sige po, sasabihan ko siya." Sabi ko

"Teka nga pala iha ano nga pa lang pangalan ng nobyo mo?" Tanong ni tita Annie

"Alexis po." Sabi ko

Mukhang nagulat naman si Tita Annie pagbanggit ko ng pangalan.

"Alexis?" Tanong ulit nito

"Alexis D---" naputol ang sasabihin ko ng may bumusina sa bahay malamang si Allysa na ito.

"Sige po. Alis na ko andyan na si Allysa. Bye!"sabi ko at sabay halik sakanila bago ako lumabas ng bahay.

Nang makasakay ako sa kotse ni Allysa ay ay agad kong tinext si Alexis ang sabi ko kasi wag niya na kong sunduin. Hinatid naman ako ni Allysa sa may tapat ng mall dahil may bibilhin din ako at pagtapos nun ay umalis na si Allysa dahil may lakad pa ito. Naisip kong bumili ng bagong jeans dahil medyo sumisikip na din ang mga panatalon ko siguro tumataba na nga ako. Huhu. Pagtapos kong makabili ay nagdiretso na ako sa parking lot dahil dito ako susunduin ni Alexis. Sakto naman pagdating ko ay ang pagdating din ni Alexis. Sumakay na ako agad. Tahimik din sa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita. Hanggang makarating kami sa tambayan namin. Namiss ko din tumambay dito dahil ang tahimik malayo sa problema. Pinagbukas niya naman ako ng pinto. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Aminin ko kinikilig ako. Hahaha

Umupo kaming dalawa sa may malaking bato. Wala pa ding nagsasalita. Naririnig ko yung pagbuntong hininga niya at mahinang pag tikhim niya.

"Baby..."mahinang sabi ni Alexis syempre di ko siya nilingon pakipot muna ko ng konti.

"I'm so sorry. Di ko sinadya yung mga nasabi ko sayo. Galit lang ako. Ayoko kasi na may ibang lalaki na nagpapatawa sayo maliban sakin. Ayoko din na may ibang lalaki na humhawak sa kung ano ang akin. I'm a selfish man Chloe. Ang gusto ko ang akin ay akin lang."sabi ni Alexis di ko napigilan na harapin siya. Nagsimula ng mamuo ang luha sa mata ko.

"You're a selfish jerk!"sabi ko sabay hampas sakanya "Hindi naman ako ganoon na babae Alexis. Alam mo naman naman siguro yun diba? Aaminin ko nasaktan ako sa mga sinabi mo. Simpleng salita lang pero ang sakit na."mahinang sabi ko habang tumtulo ang luha ko naramdaman kong inangat niya ang mukha ko.

"I'm all yours, Alexis. Pero ikaw akin ka lang ba?" Mahinang tanong ko sakanya kasabay ng pagpatak ng luha ko.

Pinunasan ni Alexis ang luha ko at hinalikan ako. Hindi ko napigilan na ipikit ang mga mata ko. Nasasaktan ako pero kapag si Alexis ang kasama ko nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

"I'm really sorry. Ang gago ko talaga." Sabi ni Alexis

"Buti naman alam mo na gago ka." Sabi ko

"Pangako, hindi na kita papaiyakin siguro kapag nasa kama na lang tayo."nakangising sabi nito

Alam mo yung seryoso at dramahan na ang pag uusap niyo sabay babanat ng ganon? Kaya ayun nasapak ko tuloy siya.

"Ouch! Sa bawat sapak mo, halik na matindi ang kapalit niyan." Nakangising sabi ni Alexis. Uy sht. Halik daw? Tapos matindi? Omg. I'm so ready! Hihi.

"Che!"sabi ko na lang

Pinagsiklop ni Alexis ang kamay mo namin at hinalikan niya ang kamay ko.

"Basta tandaan mo. I'm all yours baby. Ikaw lang ang may karapatan gumamit ng katawan ko."nakangising sabi nito. Sasapakin ko sana siya kaso hawak niya nga pala ang kamay ko. Kaya ninakawan ako ulit nito ng halik sa lips. Bitin naman eh.

"Bati na tayo baby?"nakangiting sabi nito ulit

"May magagawa pa ba ako?"nakangising sabi ko

"Wala. Dahil wala ka ng kawala sakin."sabi nito at ngumiti ng nakakaloko

"May sasabihin ako Lex."sabi ko habang nakayakap siya likod ko at hawak ang kamay ko.

"Go ahead baby"sabi nito habang inaamoy ang buhok ko

"Isa lang ang hiling ko sayo. Sana maging honest ka sakin. Sana wag mo kong lokohin. Pinaka ayoko ay yung taong sinungaling."sabi ko at bahagyang natigilan ito naramdaman ko naman ang panlalamig ng palad ni Alexis

"Uy Lex? Problema mo?"tanong ko kasi tumahimik siya

Mas lalong humigpit ang yakap nito. At naramdaman ko na hinakikan niya ang ulo ko.

"Basta tandaan mo Chloe. Kung may magagawa man ako ikakasakit mo sana bigyan mo ako ng panahon na magpaliwanag. Lahat ng nangyari o mangyayari may dahilan. Wag mo sana kong basta iwan na lang sa ere lalo na kung nahulog na ko." Seryosong bulong ni Alexis sakin

Huh? Ano daw? Bakit ang seryoso niya naman ata?

"Wag mo akong sukuan."sabi ulit nito

"Hmm. Oo naman! Basta ba valid yung reasons mo eh. Tama na ang drama! Gutom na kooo!" Nakangiting sabi ko

"Alright. Saan mo gusto kumain?"tanong nito

"Sa Jollibee!"masiglang sabi ko at inakbayan niya ako hanggang makarating kami sa sasakyan niya.

Hello Jollibee! Namiss kita talaga! Here I come! Hihi

to be continued...

Note: Sorry sa typo at lahat ng errors. Yay! Nakapag update ako ulit. Hehe. Apirrr tayo! Hahaha. Salamat sa patuloy na pagbabasa ng ANTR. Mahal ko kayo <3

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon