Chapter 39

46.8K 622 48
                                    

Chapter 39

Manila, Philippines

Pagdating namin sa Pilipinas ay sinabihan muna ako ni mommy na magpahinga pero ayoko gusto ko ng puntahan si Alexis. Magsosorry ako sakanya. Sana mapatawad niya ko ginawang pagtataboy ko sakanya.

Hinatid ko muna sila Mommy at baby Chace sa bahay para magpahinga. Pagtapos ko silang ihatid ay nagdiretso na ko para puntahan siya. Binaba ako ng taxi sa isang hospital. Hindi ko alam kung paano ko ihahakbang ang mga paa ko para papasok. Pagdating ko sa loob sinalubong naman ako ni Alexa ng isang malungkot na ngiti. Niyakap naman ako nito at di ko mapigilan ang hindi mapa iyak.

"Tara na Ate, matagal ka ng hinihintay ni Kuya." Nakangiting sabi nito na alam mong pinapalakas lang ang loob ko. Naglakad kami papunta sa ICU. Hindi naman matigil ang pagpatak ng luha ko. Paano nangyari ito?

"Alexa... Anong nangyari? Bakit...bakit ganito?" Umiiyak na tanong ko

"Kinulong kasi ni Daddy si Kuya pagdating namin dito sa Pinas nagpipilit kasing bumalik ito. Dahil sa sobrang kulitan ang ginawa na lang ni Dad ay kinulong ito sa kwarto niya. Ilang araw din siyang nasa kwarto niya lang dadalhan ng pagkain ganon. Pero dahil alam mo naman si Kuya na hindi titigil hanggang di nakukuha ang gusto niya. Nakatakas siya nagmakaawa siya kay Dad ang sabi niya pupuntahan ka daw niya ulit kung kailangan niyang umiyak at lumuhod sa harap mo para patawarin mo siya ay gagawin niya. Hindi namin siya napigil sa pag alis niya hanggang sa na-aksidente siya." Malungkot na sagot nito. Napatakip naman ako sa mukha ko. Kasalanan ko to. Kasalanan ko to.

"Sorry... Kasalanan ko to. Ako ang may kasalanan nf lahat na ito. Sorry..." Umiiyak na sabi ko. Niyakap naman ako ni Alexa

"Wala kang kasalanan Ate. Tahan na, patay ako kay Kuya kapag nalaman niyang umiiyak ka. Lakasan mo ang loob mo ate, para kay kuya at kay Chace." Naluluhang nakangiting sabi nito.

"Puntahan mo na siya ate, baka sakaling magising na ang sleeping beauty natin." Nakangiting sabi nito. Pinagsuot ako ng face mask nito at lab dress bago pinapasok sa loob.

Habang palapit ako sa kinaroroonan ni Alexis ay hindi magtigil ang pagpatak ng luha ko. Nakahiga siya doon at kung ano-ano ang nakasaksak sakanya. Ang sakit na makita ko siya sa gantong kalagayan. Napaka sakit. Nilapitan ko ito. Umupo ako sa tabi ng hospital bed. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.

"Lex... Gising na... Hinahanap ka ni baby Chace. Alam mo ba laging iyak yun nung wala ka na sa bahay..." Habang hawak ko ang kamay niya

"Lex naman eh... Alam mo namang hindi kita matitiis di ba? Time lang ang kailangan ko di ba para tanggapin... Tanggap kita at tanggap ko ang magiging anak mo kahit masakit ay tatanggapin ko kasi mahal kita. Alam mo namang mahal na mahal kitaa..." Naiiyak na sabi ko

"Sorry Lex. Sorry masyado kasi akong nadala ng galit... Hindi kita nagtiwala sayo. Kasalanan ko to... Kasalanan ko."

"Lex mahal, gising na miss na miss kita. Miss na miss ka na naming lahat. Gising na please." Sabay halik sa palad niya

"Mahal na mahal kita." Bulong ko sakanya.

Nasa tabi lang ako ni Alexis hawak ko pa din ang kamay nito. Ilang oras na ko nandito sa tabi niya. Biglang pumasok si Alexa nginitian ako nito

"Ate, kain ka muna alam kong pagod ka. Nandyan sila Papa at Mama sila muna ang bantay ni Kuya ngayon." Sabi nito

"Okay lang ako. Hindi ako gutom." Sabi ko

"Ate naman, wag ng makulit kapag nalaman ni kuya na pinapagod mo at ginugutom mo ang sarili mo magagalit yun at sigurado lagot ako sakanya. Kaya tara na." Nakangiting sabi nito kaya napangiti din ako. Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya na sa labas lang kami

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon