Chapter 39.2

46.5K 612 24
                                    

Chapter 39.2

"Say Ahh." Sabi ko. Nakahalukipkip lang ito.

"Isa." Bilang ko.

"Dalawa." Ayaw pa rin nito kumilos.

"Tatlo." Binaba ko ang kutsara at tinidor. Tinignan ko siya.

"Ayaw mo?" May pagbabanta sa boses ko. Napalunok naman ito. Mukhang natakot ito sa tono ng boses ko.

"Ayaw mo talaga? Hindi mo kakainin to? Fine! Bahala ka sa buhay mo." Padabog na sabi ko at tumayo na. Aalis na sana ako ng hinawakan ako nito sa braso.

"What?" Sigaw ko. Napalunok ito. Nginitian ako nito at mukhang natatakot na ito.

"I'm gonna eat na. Feed me baby. Promise di na ko pasaway." Nakangiting sabi ni Alexis. Kinurot ko naman ito sa pisngi bahagya naman itong napa 'ouch'

"Very good! Gusto mo pang tinatakot ka eh. Sabi nga diba ng doctor kailangan mong kumain ng marami dahil kailangan mong magbawi ng lakas. Napaka kulit mo." Sabi ko

"Gwapo naman."

"Che. Kulit mo parehas kayo ni Chace." Natatawang sabi ko.

"Mana sa Daddy niya pogi." Sabi nito. Nakangiti na lang ako.

"Okay na. Say Ahh." Sabi ko sinunod naman nito. Pagtapos ko siyang pakainin at painumin ng gamot ay nilisan ko na siya. Nandito kami sa bahay nila. Gusto sana ni Alexis sa condo niya na lang siya mag stay pero pinilit naman siya nila Alexa at ng Daddy niya na sa bahay muna siya mag stay para mas maalagaan siya. Umuuwi rin ako sa bahay dahil sabi ni Daddy dahil ayaw niya kaming magsama hanggang di kami kasal kaya si Alexis ay gusto na kaming maikasal. Para naman may aagaw sakin.

"Can you stay here? Please baby." Paglalambing ni Alexis

"No. Alam mo naman na ayaw ni Daddy di ba?"

"Damn! Parehas sila ni Dad! May anak na tayo bakit ayaw nilang magsama na tayo? Papanagutan naman kita. I know pinapahirapan nila ako." Sabi ni Lex. Natawa naman ako dahil parang bata ito na ayaw payagan maglaro.

"Just wait. Kulit mo!" Kurot ko dito. Napahawak naman ito sa pisngi niyang namumula.

"Ouch! Ang sadista mo talaga! Pasalamat ka mahal kita." Nakangising sabi nito kaya namula naman ako. Asar talaga tong si Alexis bigla na lang babanat.

***

Makalipas ang limang buwan ay ganon ang naging set up namin. Maayos na rin ang lagay ni Alexis at naka recover na ito. Pero napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay laging busy to. Kapag tinatawagan ko naman ito ay parang nagmamadali ito. Di ko tuloy maiwasan na isipin na baka may babae na ito. Hindi na ba ako nito mahal? Sabi niya nung nagpropose ako sakanya ay magpopropose siya ulit pero sa tingin ko ay wala na itong balak. Minsan kapag nababanggit ko ang kasal ay iniiba na nito ang usapan. Ayaw niya ba akong pakasalan? Nagsawa na ba siya sakin? Naiisip ko pa lang nasasaktan na ko. Di ko maiwasan ang malungkot. Ngayon pa ba kami masisira? Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan namin ngayon pa ba ako susuko? Pero paano kung ayaw niya na? Anong gagawin ko?

Napadilat ako ng may naramdam akong humaplos sa mukha ko. Nakangiti akong nagdilat ng mata. Bumungad sa akin ang nakadapa at nakangiting si Chace. Lumalaki na rin ito. Mag wa-walong buwan na ito sa susunod na linggo. Hinaplos ko ang mukha nito. Kamukhang-kamukha niya talaga si Alexis walang tinapon. Kuhang-kuha nito na kahit baby pa ito ay kita mo na ang pagkakahawig nila.

"M...mi" bigkas ni Chace. Napatawa naman ako dahil ang cute ng anak ko. Di niya pa kayang bigkasin ang 'mommy' binuhat ko ito at hiniga sa dibdib ko.

"May pupu ka baby?" Nakangiting tanong ko. Humagikgik naman ito. Napatawa ako tumayo na ako at nilinisan ito. Pagbaba namin ay naabutan ko si Daddy na nagbe-breakfast.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon