Chapter 26

33K 440 16
                                    

Chapter 26

Napatayo naman sila ng mapansin na dumating na ako. Ngumiti naman silang pareho. Lumapit ako kay Daddy at nagmano ako. Napatingin naman ako sa bisita namin. Nakangiti lang ito. Kaya ngumiti na lang din ako. Aakyat na sana ako ng may sinabi si daddy.

"Chloe, entertain your guess. May gagawin lang ako sa office ko sa taas. I'll go ahead." Sabi ni daddy at umakyat na din ito

Nang makaalis si daddy ay napatingin ako sa bisita namin. Medyo tahimik nga lang ang paligid at narinig ko na lang ang pagtikhim niya kaya naman hinarap ko siya. Pumunta naman ako sa garden at sumunod naman ito sakin.

"Dylan... What are you doing here?" Sabi ko. Oo si Dylan ang bisita ko. Napahamapas ako ng noo. Oo nga pala naiwan ko siya kanina sa parking lot kanina sa school nakalimutan ko din na kasama ko nga pala siya kanina dahil masyadong na invade ni Alexis ang utak ko.

"Ah. Dumaan lang ako dito para malaman kung nakauwi ka na. Kasi umalis ka kaagad kanina."sabi nito

"Uh. Sorry nga pala sa nangyari kanina." yan lang ang nasabi ko

"It's okay. Chloe... Boyfriend mo ba siya?"tanong niya

Wala namang dahilan para itanggi ko ang katotohanan.

"Yes, boyfriend ko siya. Yung nakita mong kasama ko sa restaurant last time at yung nakita mo kanina siya ang boyfriend ko."sabi ko at nakita ko naman ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito

"So huli na nga talaga ako. Wala na bang pag-asa Chloe?"tanong nito

Pag-asa?

"Dylan... Please, may boyfriend na ko. Di ba naka move on ka naman na?"tanong ko

Di ba? Niloko at iniwan niya ako noon bakit kailangan niya pang humingi ng pag-asa.

"Kahit kailan hindi ako nag move on Chloe hindi ako tumigil ng pagmamahal sayo..."may sasabihin pa sana ito ng pinatigil ko na siya.

Bakit ba sinasabi niya pa to? Para saan pa?

"Dylan. Sa susunod na lang tayo mag-usap, I'm really tired."sabi ko na lang

"I want to explain everything Chloe, just give me a chance." nagsusumamong sabi nito

"Dylan, time lang para sa pag-eexplain ang kaya kong ibigay sayo pero ang chance? Wala na."sabi ko mas lalong lumungkot ang mga mata nito

Tahimik lang ito at ang lalim ng iniisip. Di ito nagsalita.

"I really need to go, I'm really tired. Sa susunod na lang natin to pag usapan. Mag-ingat ka sa pag drive. Goodnight."sabi ko at pumasok na ko sa loob

Nang makapasok ako sa loob nakita kong nasa salas si Tita Annie. Ngumiti ito sakin at ngumiti din ako sakanya. Tinanong niya din kung kumain na ko. Sinabi ko naman kumain na ko. Habang pinagmamasadan ko siya may nahahawigan ako sakanya. May kamukha siya.

Hindi ko na lang pinansin yun at umakyat na ko sa kwarto ko. Pagtapos kong maligo at magbihis humiga agad ako sa kama ng ipikit ko ang mga mata ko mabilis din naman akong nakatulog.

***

Kinabukasan, medyo late na akong gumising dahil 12pm pa naman ang pasok ko. Nang makarating ako sa school ay nag punta na agad ako sa klase ko. Classmate ko si Gem sa subject na to kaya naman pagdating ko sa room nandun na siya. Nakita kong may bouquet of tulips at isang box ng chocolate sa desk ko. Naghiyawan naman ang mga classmate ko. Napailing na lang ako mga loko-loko talaga. Lumapit ako sa upuan ko. Tanaw ko na agad ang ngiti ni Gem.

"Ang haba ng hair mo bessy! Ang sweet lang. Kinikilig ako sainyo." Kinikilig na sabi ni Gem

"Sweet din naman si Tristan? At si Mark. Haba ng hair." Natatawang sabi ko kaya naman hinampas niya ko at nagtawanan naman kami. Alam ko naman na malungot si Gem pero tinatago niya lang. Kaya naman kiniliti ko siya naman kiniliti niya din ako hanggang dumating ang prof namin.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon