Chapter 3

89.2K 1.2K 31
                                    

Dedicated sayo Allysa! Thanks sa pagpapagamit ng pangalan kahit nasulat ko na bago ko sayo sabihin. Hahahahaha labyuuu bff! :))))

Chapter 3

Tumakbo ako papuntang CR at pagpasok ko nilock ko ang isang cubicle.

Naririnig ko pa ang tawag nila Allysa and Gem Kinakabahan ako...

Ipagkakalata niya kaya yung nangyari samin? Wag naman sana!

Di ako mapakali sa loob ng CR di ko alam kung anong gagawin ko.

Bakit naman kasi sa dinami dami ng taong makakabangga ko eh yung hinayupak na manyak na lalaki pa na yun! Argh!

Malas talaga sa buhay ko yung peste na yun! Nakakainis!

Anong gagawin ko? Ugh.

Dapat di ako magpa apekto umakto ako ng parang walang nangyari. Tama! Wala lang to! Kalma lang

Kalma Chloe... Wag kang papaapekto sa hinayupak na yun.

Nakarinig ako ng pagkatok sa loob ng cubicle kung nasaan ako...

"Chloe, andiyan ka ba?" Sabi ni Gem

Lagot na! Hinahanap na nila ko

"Chloe, lumabas ka na diyan alam kong nandiyan ko. Wala ka bang balak pumasok? Malelate na tayo!" sabi naman ni Allysa

Kaya wala na kong nagawa kundi ang lumabas.

Tinignan nila ko. Bigla silang nagkatinginan at bigla silang ngumiti ng nakakaloko.

Kinalibutan ako ngiti nila...

Nababaliw na yata sila...

"Pumasok muna tayo sa clasa natin pero bago magkalimutan may utang ka samin!"sabi ni Allysa

Utang? Anong utang???

"Anong utang naman yun?" sabi ko

"Edi kwento! Mamayang lunch kwento mo samin kung anong totoong nangyari nung Saturday. TAKE NOTE. YUNG TOTOO." sabi ni Gem

Anong gagawin ko? Siguradong di nila ko titigalan kapag di ko sinabi yung totoo. Pero alam ko naman na tanggap nila ko kahit malaman nila ang totoo ayaw ko lang silang mag alala. Bahala na sasbihin ko na kung ano ang tunay na nangyari.

Bwiset talaga yung lalaki na yun. Ughhhh

Nag pout na lang ako sakanila.

Bigla naman nila akong hinatak at nagmadali na kaming papunta sa room namin.

*Room*

Buti na lang wala pa yung prof namin kundi baka di na kami papasukin nun sa class niya ang strict pa naman nun.

Binulungan ako ni Allysa at Gem ang sabi nila

"Mamaya ha? Wag kang tatakas!"sabi ni gem

At sabay silang humagikgik

Napailing nila ko kaya medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

*Lunch Break*

"Chloe! Tara na dun tayo walang nakaupo."sabi ni Gem

Naglakad kami papunta sa isang vacant table andito kami ngayon cafeteria. Agad naman akong tinabihan ng dalawang ito.

Tinignan nila ko yung tingin na Kailangan-mo-ng-mag explain-look

Ano pa bang magagawa ko? Kailangan ko na bang sabihin sakanila ang totoo? Hindi naman sa wala akong tiwala sakanila pero nahihiya kasi ako.

Pero kaibigan ko sila at alam kong mapagkakatiwalaan sila.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon