Chapter 18

45.7K 532 16
                                    

Sorry kung super late update. Short update. Pinalitan ko po surname ni Alexis ginawa ko ng Alexis Del Madrid. Si Chloe ganon pa din Maria Chloe Santillan. Inform niyo na lang ako kung may Alonzo pa na nakalagay at kung saan chapter thanks! Happy 30,677 reads!
(^_−)−☆










Chapter 18












Lutang akong pumasok sa school dahil di ako pinatulog ni Alexis, paano ba naman pipikit pa lang ako nakikita ko na yung napaka gwapo niyang mukha. Sinabi ko bang gwapo? Erase. Erase. Argh. Ang sakit sa ulo! Gusto kong matulog kapag uwi ko sa bahay matutulog ako.










"Oh anong nangyari sayo at lutang ka?" Tanong ni Allysa andito kami ngayon sa soccer field dahil may bagong crush na naman siya kaya dito kami tumatambay dahil palagi nandito ang "bagong crush" niya daw. Ewan ko ba kung ano nangyari sakanila ni Matt ang alam ko binasted siya nun. Kaya sobrang broken hearted siya at talagang subsob sa pag aaral dahil sa pambabasted sakanya ni Matt. Tsk kawawa naman ang bestfriend ko nagpaka nerd na.















"Kulang lang sa tulog nag movie marathon kasi ako kagabi." Simpleng sagot ko


















"Naks! Baka naman nag date lang kayo ni fafa Jared o ni fafa Alexis! Haba talaga ng hair mo bessy!" kinikilig na sabi niya



















"Hindi ha! Ikaw binasted ka lang ni Matt kung ano ano na pumapasok sa utak mo!" Natatawang sabi ko














Napasimangot naman ito mukhang broken parin ang ate niyo. Ha ha ha











"Kainis ka ha! Pinaalala mo pa! Di ko na nga makalimutan pinaalala mo pa! Asaaaaaaar." nakasimangot na sabi ni allysa
















Bigla na lang ako napahagalpak ng tawa at sinamaan niya lang ako ng tingin.













"O anyare sa fes mo teh? Tapos na mahal na araw at mukhang semana santa pa yang fes mo." sabi ng kararating na si Gem



















"Eh broken nga kasi! Binasted kasi siya ni fafa Matt kaya nagkaka ganyan." Sabi ko












"Kaya pala nagpapasama kang mag boyhunting dahil binasted ka ni fafa Matt." Natatawang sabi ni Gem













Lalong napasimangot si Allysa
















"Sige ulitin niyo pa! Unli mga teh? Paulit-ulit yang letcheng pambabasted ng lalaki na yun? Akala mo naman napaka gwapo niya! Oo gwapo at yummy siya pero ang yabang niya kaasar! Makahanap nga ng panakip butas!" sabi ni allysa
















Kaya lalo kaming napatawa ni Gem hahaha grabe pala mabroken to ang daldal sobra alam namin na madaldal talaga siya kaso triple ang kadaldalan niya ngayon. Nagluluksa pa din ang sawi niyang puso.

















"Grabe ka naman! Hahanap ka pa ng panakip butas? Bad yan! Kung sagutin mo na lang kasi si Tofer edi wala ka ng problema." Sabi ko














"The heck! Anong pinagkaiba nun edi parang panakip butas lang din yung lalaki na yun?" Nakasimangot na sabi niya


















A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon