Chapter 30

37.4K 437 32
                                    














Chapter 30





Matapos ng may mamagitan samin ay hindi ko na siya hinintay na gumising pa. Umuwi ako agad dahil biglaan ang pagdating ni Daddy pero di niya kasama si Tita Annie dahil nasa Singapore pa din daw ito. Hindi naman nagtanong si Daddy ng marami kung bakit hating-gabi na ko nakauwi. Mag isang linggo na dib makalipas ang nangyari naging super sweet and caring naman si Alexis pero pansin ko na balisa siya nung mga nakaraang araw pagtinatanong ko naman siya sasabihin niya na okay lang siya. Malapit na din ang graduation namin dalawang linggo na lang kaya medyo busy din ako. Si Lex ay kumukuha lang ng masteral sa school sa US siya nagtapos ng pag aaral.



Ngayong hapon ang uwi ni Tita Annie at maaga akong pinapauwi ni Daddy dahil mag dinner daw kami.



"Saan mo gusto pumunta mamaya?"tanong ni Lex


"Di ako pwede mamaya may family dinner kami nila Dad. Sumama ka na lang samin para naman maipakilala kita sakanila darating din kasi si Tita Annie." Sabi ko naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya napatigil din ito













"No thanks. Family dinner niyo yun kaya dapat kayo lang."sabi nito at napansin ko ang pait sa pagbigkas niya ng 'family'











"Pero okay lang naman. Matutuwa sila kapag nakilala ka nila gusto nga daw nila makilala kung sino ang boyfriend ko. May mapapakilala na ko ngayon."sabi ko pero umiling lang ito kaya hindi ko na pinilit baka may aasikasuhin ito



Naglalakad kami papuntang parking lot pero tahimik pa din si Alexis. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik pa din siya.


"May problema ka ba?"tanong ko napatingin naman ito sakin





"Wala. Don't mind me. Mag ingat ka baby."sabi nito at halik sa lips ko pagtapos nun ay umalis na din ito agad napailing na lang ako ang bipolar talaga ng lalaki na yun.











Nag ayos muna ako bago pumunta sa restaurant na pupuntahan namin sinuot ko yung light green na dress na bigay sakin ni Tita Annie ang tagal na din kasi nito sa cabinet. Naglagay din ako ng light make up lang. Pagtapos ko ay bumaba na ko at nagpahatid kay Mang Bert papuntang airport dahil ako ang susundo kay Tita. Nang makarating na kami ay nag abang ako kung saan terminal siya. Napansin ko naman na papalapit na siya sakin niyakap niya ako at niyakap ko din siya.



"Ang ganda mo naman bagay na bagay sayo yan."nakangiting sabi ni Tita Annie

"Kayo din ang ganda niyo! Mukhang enjoy kayo ah."nakangiting sabi ko nagkwentuhan naman kami hanggang sa makarating kami sa sasakyan ang balak namin pupunta muna kami ng mall dahil may bibilhin ako. Dahil 4pm pa lang naman ay nagpunta na kami agad dahil mamayang 7pm pa naman ang dinner namin. Nang makarating kami sa mall ay pumunta kami agad sa department store at binili ang dapat kong bilhin ang sabi ni tita ay bili muna daw kami ng meryenda bago kami pumunta sa restaurant. Palabas na kami ng may nakasalubong kami at nagulat na lang ako ng niyakap ng babae ai tita Annie. At ang babae ay walang iba kundi si Madeline.





"Tita! Long time no see!"sabay beso kay tita Annie na parang wala ako dito






"Oh my god ang sexy mo at ang ganda mo"nakangiting sabi ni tita Annie












"I know right! Hahaha. I miss you tita, how are you nga pala? Wala ako masyadong news sayo kadarating ko lang din sa Pinas."sabi ni Madeline







A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon