Chapter 21

48.1K 528 9
                                    
































Chapter 21









Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko umaga na pala napasarap ang tulog ko pagtingin ko sa tabi ko wala na si Alexis pero sigurado akong di panaginip yung nangyari dahil kahit ngayon nararamdaman ko pa din yung labi niya namula naman ako habang inaalala ang mga nangyari. Ang landi ko talaga! Hihihi. Nang magising ako na wala na siya sa tabi ko nakaramdam ako ng lungkot pero agad din nawala din yung lungkot na nararamdaman ko dahil sa note na iniwan nito sa side table ko.











Baby,

You were sleeping so peacefully that's why I wont bother you to wake up, don't worry I kiss you on the lips 8 times while you're sleeping like a baby. It's a best thing to start my day. <3

A.D.M











Note: (Alexis Del Madrid) yan po ang meaning baka kasi nakalimutan niyo na. Lol










Napangiti na lang ako ng mabasa ko ang sulat grabe kinikilig ako. Asensado! May heart na yung note niya, nakakainis bakit ang sweet niya! Kaya bago pa ako mahimatay sa kilig ay sumigaw ako ng ubod ng lakas sa kwarto ko. Buti na lang soundproof to at di ako maririnig. Hehe
















Maganda ang mood ko ng bumaba ako at pumunta sa dining room pakanta-kanta pa ako at halos di na matanggal ang ngiti ko sa labi ko.Nag good morning naman ako ka sa mga tao ng naabutan ko sa dining room nandoon si daddy at yung girlfriend niya. Di muna ako magpapaka bitter sakanila dahil maganda ang umpisa na umaga ko kaya walang basagan ng trip. Sumabay na din ako sa kanilang kumain kahit na parang nagtataka sila kasi alam nila di ako sumasabay sa pagkain sa kanila. Inalok ako tita Annie ng pagkain kaya tinanggap ko naman.







"Thank you Tita"nakangiting sabi ko kaya mas lalong nagulat sila daddy. Bakit anong problema nila? Makakain na nga lang at baka malate pa ko sa school.






"May sakit ka ba anak?"tanong ni daddy








"Ha?bakit naman dad? Okay lang ako! Maganda lang ang gising ko."naka smile na sabi ko















"Nakakapanibago lang kasi ngayon ko lang narinig na tinawag mong tita si Annie."sabi ni daddy











Oo nga pala first time ko lang siyang tinawag na tita kasi kung maari ayokong banggitin ang pangalan niya noon at di ko din siya tinatawag na tita dahil galit ako sakanya. Siguro wala namang masama kung bigyan siya ng chance diba?

















"Bawal ba daddy? Tita Annie bawal ba kitang tawaging tita?"naka pout na tanong ko


















"No. Its okay, kahit anong tawag mo sakin okay lang pero masaya ako ngayon."nakangiting sabi ni tita Annie













"See Dad? Okay lang naman kay tita eh. Kain na po tayo at baka malate pa tayo."sabi ko nagpatuloy na lang kami sa pagkain at syempre may kwentuhan din masaya din kausap si tita annie mabait siya kaya siguro nagustuhan siya ni daddy. Pero hindi ibig sabihin niyan na natatanggap ko na siya ay pwede niya ng palitan ang mommy ko sa buhay ko syempre loyal pa din ako sa mommy ko. Pero dahil alam ko naman na aalagaan niya ang daddy ko at masaya naman sila, why not diba?














A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon