Chapter 37

43.4K 607 59
                                    

Chapter 37

Pagkagising ko nakaramdam ako ng kakulangan, parang totoo talaga ang panaginip ko. Lumimgon ako sa paligid kung may tao ba pero wala naman. Tinignan ko din kung may nagbago ba sa ayos ng kwarto ko wala rin naman. Ganoon pa din ang ayos wala naman nagbago. Marahil ay isang panaginip nga lang talaga iyon. Hinihiling ko na sana totoo na lang yun. Pero mukhang malabo ng mangyari. Siguro sign na yun na kalimutan ko na ang lahat at magsimula na ng panibagong takbo ng buhay ko. Bumangon ako at ngumiti sa harap ng salamin at marahan kong hinaplos ang may kalakihan kong tyan. Ang taba ko na at mas lalo pa akong tataba sa susunod na buwan. Nag ayos ako at bumaba na dahil nakaramdan na ako ng gutom. Pagbaba ko naabutan ko si Mommy na pakanta-kanta habang naglilinis ng bahay.

"Good morning my!" Masiglang bati ko

"Ganda ata ng gising mo anak. Inlove?" Nakatawang tanong ni mommy

"Di po, napasarap lang tulog ko. Hehe." Nakangiting sagot ko

"Nak, taba mo na! Mas sexy na ko sayo!" Natatawang sabi ni mommy

"Mommy naman! Busog lang ako. Hehe. My, pumasok ka ba sa kwarto ko kagabi?" Tanong ko. Napatingin naman si mommy sa akin at mukhang nag iisip ito

"Pumasok ako saglit sa kwarto mo para kunin yung baso ng gatas at umalis na din ako. Bakit may nangyari ba?" Tanong nito

"Hmm. Wala naman parang may kakaiba lang." Sagot ko

"Baka hangin lang yun anak. Wag mo ng isipin yun. Mag almusal ka na dyan at pagtapos yung gatas inumin mo. Wag mong kakalimutan." Paalala nito

"Opo my." Sagot ko at nagpunta na sa kitchen. Tahimik akong kumakain ng may nagtakip ng mata ko. Narinig ko ang pagtkihim nito

"Guess who?" Sabi nito sa baritonong boses. Halatang pilit nitong iniiba ang boses niya

"Ivan. Duh." Natatawang sabi ko eh obvious lang naman siya yan eh. Pero bakit nandito na siya? Akala ko sa makalawa pa ang dating nitong ugok na to

"Akala ko sa susunod na araw pa ang uwi mo?" Tanong ko

"Namiss kasi kita agad! Pati si baby namiss ko rin." Sabi nito at hinaplos ang tyan ko

"Well, di kita namiss." Nakangising sagot ko

"Ouch. You're so mean! It's okay. I still like you!" Sabi nito at kinurot ako sa pisngi

"Ouch! Asshole!" Sabi ko at tumawa naman ito

"May pasalubong ako sayo!" Sabi nito at pakita sa mga dala nitong paper bags.

"Ang dami ha! Di ka na dapat nag abala. Pero salamat pa rin!" Nakangiting sabi ko

"You're always welcome darling." Nakangising sagot nito kaya hinamapas ko siya. Darling? Eww.

"Are you free later? Let's go somewhere!" Sabi nito

"Pagod ako eh. Tomorrow na lang okay lang?" Sagot ko

"Oh sure! So tomorrow then?" Nakangiting sabi nito at tumango ako

"Okay! I'll fetch you. See ya!" Sabi ulit nito at hinalikan ako sa pisngi at nagpaalam na itong umuwi. Noong una talaga naasar ako kay Ivan pero nung nakasama ko na siya gumaan agad ang loob ko sakanya. Mabait talaga ito. Kahit ilang beses ko nitong sinasabi na gusto niya ako ay tawa lang ang nasasagot ko dahil alam ko naman di siya ganon kaseryoso. Marahil ay gusto niya ako pero di naman ganon kalalim ang pagkagusto niya sa akin. Kahit ilang beses na siyang busted sa akin ay di nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Masaya rin ako dahil nagkaroon ako agad ng kaibigan dito.

Nagbabasa ako ng may narinig akong kaluskos galing sa labas. Tumayo ako at sinilip ko ito. Wala namang tao baka hangin lang ito o kaya man yung alagang pusa ni Mrs. Smith. Hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ulit ang pagbabasa.  Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon