Chapter 31.2

32.5K 459 14
                                    

Happy reading! :)

Chapter 31.2

Pag alis ni Dylan di ako ako nakaligtas sa interview ni Allysa tinanong niya kung anong nangyari. Sinabi ko sakanya na wala naman pero ayaw maniwala nahalata din siguro nito na wala ako sa mood mag kwento ay hindi na din ako nito kinulit.

"Baby, I'm sorry" "Talk to me" text ni Alexis pero hindi ko siya nireplayan sa inis ko inoff ko na lang. Hindi din ako makatulog sa kakaisip naguguluhan na ako. Madami akong gustong itanong pero di ko maitanong. Natatakot akong malaman. Nasaktan din ako sa sinabi niya. I guess palamigin muna namin ang mga nangyari bago kami mag usap dahil walang patutunguhan ang pag uusap namin kung parehas mainit ang ulo namin.

Nagising ako sa ingay ni Allysa at may kausap pala ito sa phone niya.

"Ano ba? Please lang ha! Don't you dare to call me again! You're so panira ng araw!" Nakasigaw na sabi ni Allysa

"Fuck you asshole!" Nanggigil na sabi ulit ni Allysa at hinagis ang phone nito sa sofa

"Ano problema mo bessy? Mukhang ang sama ng gising mo." naghihikab na sabi ko sakanya

"Eh kasi naman yung Jovit na yun ang kapal ng fes! Nakakaasar! Akala mo ang gwapo ng lintik!" Naiinis na sabi ni Allysa

"Who's Jovit? Akala ko ba si Rustan? What happened to him?" Nagtatakang sabi ko

"Ano baaa! Wala na si Rustan di ko na crush yun! Walanghiya nakita ko silang nag PDA nung malandi na si Trisha kaya ayoko na sakanya at ayan ang nangyayari kapagay jowa eh late ka na sa balita! Si Jovit na! Nasabi ko na to sayo siguro nakalimutan mo lang."sabi ni Allysa

"Ahh! Oo naalala ko na yung gwapong chinito na classmate ko dati kaya lagi kang nakiki sit in samin? Excuse you, sa dami ng lalaki na nasabi mo di ko alam kung sino ang tinutukoy mo. Duh!" Nakangising sabi ko

"Tumpak mo teh! Maganda eh." Sabi ni allysa

"Oh bakit nagagalit ka habang kausap mo siya?" Tanong ko

"Eh paano ba naman sinabihan akong stalker! Sa ganda kong to? Haler!"nakairap na sabi nito at napatawa na lang ako

"Eh stalker ka naman kasi. Hahaha"sabi ko

"Asa siya. By the way bessy tumawag kanina si Alexis sakin tinatanong kung kasama kita pero don't worry di ko sinabi na magkasama tayo. Basta kapag ready ka na mag kwento nandito lang ako kami ni Gem. Okay? Lika nga hug kita!"sabi nito at niyakap ako gumanti din ako ng yakap at napaiyak ako. Umagang umaga umiiyak ako. Kinwento ko sakanya ang lahat nakikinig lang naman siya at kanina nya pa gusto sugurin si Alexis at yung Madelaine na yun. Pinipigilan ko lang siya. Napagpasyahan namin mag out of town ngayon. Wala kasi si Gem nasa New York siya ngayon kasama ang family niya umalis siya 2 weeks after ng graduation namin. Oo nga pala nakatapos na kami akalin niyo yun? *clap clap* Hinawakan ko ang kwintas na regalo sakin ni Alexis nung graduation ko. Tumakas kami pagyari ng graduation at alam na ang nangyari. Syempre nag date kami dinala niya ako sa lugar kung saan tahimik at payapa.

Kasalukuyang nagbabyahe na kami ni Allysa papuntang Tagaytay. Nang makarating kami diretso agad kami sa kwarto para mailapag ang mga gamit namin at makapagsimula na kami maglibot. Dahil hapon na din kami dumating naisipan namin na lang sa labas kumain. Mukhang madaming tao kaya nahirapan kami maghanap ng lugar kung saan kami kakain. May nahanap din kami agad at dun na lang namin napagpasyahan kumain. Habang nagtitingin kami sa menu ay may nakaagaw ng pansin ko na isang babae na kapapasok lang. Teka. Mukha siyang pamilyar. Parang nakita ko ka na siya... Teka. Saan nga ba? Ahh! Kung di ako nagkakamali siya yung kausap ni Alexis nun nung nakita ko siya sa parking lot. Naalala ko na tinawag siya nitong kuya. May pagkakahawig sila ni Alexis. Pero may kamukha siya di ko lang maisip kung sino lalo na kung titigan mo ang mga mata nito. Kamukha niya si...

"Hoy bessy! Tulala ka dyan?"sabi ni allysa kaya naputol ang pag iisip ko

"May naalala lang. Tara na order na tayo."sabi ko na lang at pinagpagpatuloy ang pagtingin sa menu. Nang makapili na kami ay naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang order namin. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami lagi niya din binabanggit si Jovit at natatawa na lang ako sa mga kwento niya. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na din kami dahil 8pm na din.

Pagdating namin sa bahay ay naligo na kami agad at pagtapos dahil marahil sa pagod ay nakatulog kami agad.

2 days and 3 nights din kami sa Tagaytay at ngayon ay nasa Manila na kami ulit. Naka-off pa din pa nga pala ang phone ko pero nagbilin naman na ko kala daddy na umalis ako. Pagdating ko sa bahay ay wala naman sila si Manang lang ang naabutan ko at binigay ko na sakanya ang pasalubong ko. Pagkadating ko sa kwarto ko ay nahiga na ako at chinarge ko na din ang phone ko. Anong oras na ba? 7pm na pala ng gabi. Natulog muna ko. Nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Nakayakap ang braso nito sakin. Gumalaw ako at mas lalong humigpit ang yakap nito. Sa amoy pa lang kilala ko na kung sino ito. Walang iba kundi si Alexis Del Madrid. Gusto kong alisin ang yakap niya pero mas lalo niya lang hinihigpitan.

"Bitiwan mo nga ko."mahinang sabi ko

"I'm so sorry baby. Hindi ko sinadya yung mga nasabi ko nagalit lang ako dahil may kasama kang iba. Please naman wag ganito. Hindi ko kaya."mahinang sabi nito ramdam ko ang init ng hininga nito sa tenga ko

Teka nakikiliti ako. Ano ba gusto kong sabihin.

"Please wag muna ngayon Alexis. Bukas tayo mag usap. Lasing ka. Magpahinga ka na. Mag usap tayo kapag matino ka na."sabi ko

"I'm not drunk baby."sabi nito pero halata naman na nakainom ito

"Matutulog na ko. Okay? Wag ka ng maingay pagod ako. Di ka pa ba uuwi? Akyat bahay ka talaga kahit kailan e no?"

"Sa gwapo kong to baby? Hayaan mo na ikaw lang naman ang aakyatin ko. Hmm... Baby?"nakangising sabi nito

"Hmm?"sabi ko inaantok talaga ako

"Can we sleep together?"sabi nito

"May magagawa pa ba ako? Tulog na!"sabi ko at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin

"Goodnight baby."sabi ni Alexis at naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko.

to be continued...

Note: Sorry talaga dahil mag 2 months na at ngayon lang nakapag update. Tapos ang boring pa. huhu. Sorry din sa typo at lahat ng errors. Busy talaga eh. Try ko makapag update ng madalas dito. Konti na lang malalaman na ang mga sikreto. Hahahaha. Belated Happy Valentine's babies! Mahal ko kayo. <3 ❤

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon