Chapter 28

33.8K 462 13
                                    

Sorry for the late update.

Chapter 28

Naiinis ako! Oo naiinis ako! At talagang naiinis ako! Alam niyo ba kung bakit? Dahil kung makaasta tong Alexis na to akala mo ay walang nangyari. Wala man lang paliwanag. Siya pa ang nagtatampo ngayon dahil parang di ko daw siya nakamiss kasi palagi akong nakasimangot. Kung alam niya lang! Gusto ko siyang tirisin. Arghhh! Naalala ko yung nangyari nung isang araw.

flashback

"Hi baby! Miss me?" Nakangiting bati ni Alexis

Biglang nag init ang ulo ko bigla. Gusto kong ibato ang hawak kong libro sakanya!

"Hi your face." Naiinis na sabi ko at sabay talikod sakanya pero agad naman akong sinundan nito

"Sungit. Di mo man lang ba ako namiss? Wala man lang ba akong welcome kiss jan?"nakangising sabi nito

Nako! Pigilan niyo ko...

"Kiss your face! Tabi nga jan!"naiinis na sabi ko

"Sungit mo naman baby. Meron ka ba?"nakangising sabi nito muntik naman akong mapaubo sa sinabi niya bakit nadamay dito yan. Sa inis ko ay tinangal ko ang akbay niya at hinarap ko siya.

"Pwede ba Alexis, tigilan mo ko! Umalis ka nga sa dinadaanan ko!"napalakas na sabi ko kaya napatingin samin ang ibang mga estudyante na nasa hallway

Nagbago naman ang itsura nito at biglang naging seryoso. Hinawakan ni Alexis ang braso ko pero agad ko namang binawi. Napabuntong hiningq na lang ito. Pero halatang naiinis na din ito. Aba at siya pa ang may ganang mainis? Gago pala siya eh!

"May problema ba tayo? "mahinahong sabi ni Alexis pero halata ang inis sa boses nito

Problema? Hindi niya ba alam? Ang tagal niyang di nagparamdam ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya tapos itatanong niya kung ano ang problema? Nagiinit lalo ang ulo ko.

"Problema? Meron ba? Wala naman eh. Wala tayong problema! Wala! Okay na ba? Makakaalis na ba ko? Late na kasi ako sa class ko."naiinis na sabi ko at sabay lakad pero bago pa ako makalayo ay hinatak niya ako papunta sa wala masyadong tao

"Fuck! What's your fucking problem huh?"naiinis na sabi ulit ni Alexis

"Putangina naman! Sabing wala nga diba? Paulit-ulit lang?"galit na sabi ko

Nagulat naman ako ng bigla ako nitong halikan sa labi. Gusto ko siyang itulak pero di ko magawa.

"Di ba ang sabi ko huwag na huwag kang magmumura? Bawat badword na sasabihin mo halik ang kapalit. Sabagay pabor sa akin yun."nakangising sabi ni Alexis

Namula naman ako. Bakit di ko ba kasi siya tinulak! Inis na pinunasan ko naman ang labi ko at binato sakanya ang panyo na pinamunas ko kaya napansin kong naningkit ang mata niya.

"Sa susunod huwag na huwag mo kong hahalikan kung may hinalikan kang iba. Naligo kasi ako ayaw kong mahawa ng germs. "nakairap na sabi ko sabay alis.

At paano mo nalaman na may hinalikan siya? Hindi ba nakita mo lang sila na magkasama at saan naman nanggaling yang iniisip mo? Sabi ng isang parte ng utak ko. Oo na nga inaamin ko nagseselos ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila pagkatapos nilang mag dinner o kung may ginawa ba sila.

end of flashbck

Nasa bahay lang ako hinihintay ko sila Allysa at Gem dahil mag overnight/night swimming daw sila ngayon. Wala pa din kasi si Daddy at Tita Annie. Friday naman ngayon at hindi na ako pumasok. Oo masipag kasi ako. Ilang beses din akong tinawagan ni Alexis pero hindi ko sinasagot. Naiinis pa din ako sakanya. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din sila. May dala din silanh foods nag take out na lang sila dahil tamad silang magluto. Ayaw naman naming istorbohin sa Manang dahil nagpapahinga ito.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon